03

39 9 0
                                    

THREE IN ONE

"ANYTHING else, sir?" magalang na tanong ng waitress dito sa dining area ng hotel. Iniangat ko ang aking kamay at bahagyang iginalaw para sumenyas na wala na akong ibang order.

"Yes. Actually, papunta na rin ako sa kanila ngayon. Oh, you too? That's nice, then. Okay, I'll see you later," wika ng isang mukhang mayamang babae na may kausap sa cell phone sa katabing table. Hindi ko naman siya masyadong tiningnan, sadyang malakas lang talaga ang boses niya kaya hindi ko naiwasang pakinggan ang kaniyang mga sinasabi.

Habang patuloy ako sa pagkain ng agahan ay napansin kong wala siyang tigil sa pakikipag-usap sa iba't ibang tao sa cell phone niya na tila ba sampung okasyon ang kailangan niyang daluhan ngayong araw. Medyo patapos na akong kumain nang muli na naman siyang may tinawagan. Palagay ko ay anak niya ang kaniyang kausap. "Good morning, sweetie! How are you? Where is yaya?" bati niya sa kausap.

Tama ako, anak nga niya. Tapos na akong kumain at hindi ko rin naman mapipigilan ang tainga ko sa pakikinig kaya nakinig na lang ako sa kuwentuhan nilang mag-ina. Isa pa, mukha namang ayos lang sa kaniya kahit may makarinig sa mga sinasabi niya dahil kulang na lang ay gumamit siya ng megaphone sa lakas ng kaniyang boses.

"Before midnight, nandiyan na uli ako sa Bulacan. Yaya Rita's there, ha? If you need something, just tell her... Hello? Estelle? Okay, I really need to go. Bye, sweetie, see you," malambing niyang sabi sa kaniyang anak bago putulin ang tawag.

Gaya ng sinabi niya, umalis na siya at natanaw kong sumakay siya sa isang magandang sasakyan. Matapos niyang mawala sa paningin ko, napasandal na lang ako sa upuan at napatulala.

Makalipas lang ang ilang saglit, napakunot agad ang noo ko nang mula sa hindi ko matukoy na direksiyon ay may pamilyar na boses akong narinig. Napapikit na lang ako at napakamot sa ulo nang ma-realize ko na boses ni Jiovanni ang naririnig ko. Nilingon ko ang entrance ng hotel at nakita ko siya habang nakikipagbiruan sa mga crew ng hotel na parang magkakakilala't close sila.

Sa pagkakataong ito ay iginuguhit ko ang scenario sa aking imahinasyon kung saan ko nakita ang isang dalaga habang nasa loob ng palengke na ang pangalan ay Estelle.

"Oy! Nandito ka pala. Ang aga mo yata?" pasigaw na bati sa akin ni Jiovanni. Tinapunan ko lang siya ng tingin dahil naka-focus ako sa ginagawa ko. "Okay naman tayo, tsong?"

Umiling ako at nagpatuloy lang sa pagguhit, ayaw kong ma-distract sa kaingayan ng mokong na 'to. Pero sa kabila nito, umupo pa siya sa lamesa na katabi ng upuan ko.

"Hindi 'yan upuan. Baka masira mo, ako pa ang magbayad."

Hindi niya pinansin ang paninita ko at itinungtong pa sa upuan ang paa niya. "Nga pala, hindi na ako pumasok. Alam ko naman na ang idi-discuss sa school," mayabang niyang sabi sa akin habang nakahalukipkip.

Wala na akong magagawa dahil siya naman ang may gustong um-absent, hindi ako. Sabagay, ako mismo ay isa't kalahating araw nang absent, at madadagdagan pa 'yon. Kaya siguro mabilis kaming naging close-parehas kaming pala-absent.

"Ganda naman niyan! Ano 'yan?" pagpansin niya sa iginuguhit ko, at hinawakan ito.

"Hindi mo ba nakikita?" malamig kong sagot sa kaniya nang bawiin ko ang aking sketch pad. Mawawala ako sa focus kung kakausapin ko siya.

"Siguro siya ang missing crush mo, 'no? Ikaw, ha, may love life ka na." Itinulak niya ang balikat ko gamit ang paa niya. "May nakita pala akong babae kanina, sayang dahil hindi mo nakita. Baka siya na ang missing crush mo. Pero baka hindi, puwedeng naalala ko lang 'yong ex ko," tuloy-tuloy niyang sabi sa 'kin.

The Night We Met in IntramurosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon