FIRST DESTINATION
AFTER four hours and a few minutes, nakarating na ako rito sa Cabanatuan. Medyo pamilyar sa akin ang lugar na 'to dahil dito nagtrabaho si Daddy noon. Nakapunta na rin ako rito para magbakasyon. At higit sa lahat, sa lugar na ito naganap ang aksidenteng muntik nang bumawi sa buhay ko, sa buhay namin.
Pagbaba ko ng bus, naramdaman ko kaagad ang pagiging warm at welcoming ng mga tao. Mayroong lumapit sa akin na isang tricycle driver at inalok agad ako. Nakakapanibago nga dahil mag-aalas-dose na pero may tricycle drivers pa rin. Wala naman akong ibang masasakyan kundi tricycle kaya sumakay na ako.
Nag-search na ako kanina ng hotel na puwede kong tuluyan habang nandito sa Nueva Ecija, at doon na ako nagpahatid. Wala na rin naman si Lola kaya wala na akong dadalawin sa amin.
Habang nakasakay ako sa tricycle, bahagya akong nakaramdam ng gutom. Kasabay naman noon ang pagdating ng sunod-sunod na messages mula kay Railey.
8 unread messages from Dela Cruz
From: Dela Cruz
Bespren
Uy!
Hello?
Kielvinson
Mr. Kielvinson Ybañez!
Busy?
Help mo na lang ako bukas sa assignment, ha?
Thank you!
From: Me
Hindi ako papasok bukas.
Napaisip tuloy akong bigla kung hanggang saan aabot 'to, at kung ano'ng puwedeng mangyari sa akin o kaya sa kanila. Baka masyado silang mag-alala. Pero bahala na, nandito na ako, alangan namang bumalik pa ako. Sayang lang ang ibiniyahe ko kung uuwi ako.
Para kahit papaano ay mawala sa isip ko ang pag-aalala, nakinig na lang uli ako ng kanta ng Novo Amor. Subalit makalipas ilang minuto, nabaling ang atensiyon ko sa driver nang bigla itong pumreno.
"Na-flat ang gulong ko, sir."
"Po?"
"Na-flat po 'yong gulong, sir. Hindi ko po kayo maihahatid sa hotel," aniya habang problemadong itinutulak ang tricycle.
Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko dahil nasa kahabaan kami ng highway. Out of nowhere, na-realize ko na lang na nasa labas na rin ako at tinutulungan siya sa pagtutulak ng tricycle.
"Maglalakad na lang po ako kung hindi kakayanin. Malayo pa po ba rito ang hotel?"
Hindi ko alam kung anong nakain ko dahil tila nalimutan kong hindi ako sanay makipag-usap sa ibang tao, lalo na't hindi ko naman siya kakilala.
"Brad! Na-flat 'tong gulong ng sidecar ko, isakay mo na 'to!" sigaw niya sa isa pang tricycle driver saka sumenyas.
Malapit lang naman ang kasamahan niya kaya agad kaming nilapitan. Sumakay ako sa tricycle ng panibagong driver dahil wala rin naman akong magagawa. Mabuti na lang at hindi gaanong malayo ang hotel kaya ilang minuto lang ay nakarating na rin kami.
Pagbaba ko ng tricycle ay pumasok na kaagad ako sa hotel at nag-book ng kuwarto. Pagpasok ko ng kuwarto, naglinis ako ng katawan at pagkatapos ay nagpahinga na matapos ang unang araw ko rito sa Nueva Ecija. Hindi ko na napansin ang paligid ng kuwarto ko, basta humilata lang ako sa kama habang nakatulala hanggang sa hindi ko na namalayang tuluyan na akong nakatulog.
***
KINABUKASAN, medyo tinanghali ako ng gising. Nanibago lang siguro ako dahil wala ang nanay ko na palaging sumisigaw para gisingin ako. Wala pa ako sa mood bumangon pero nagawa kong tingnan kung anong oras na. Nakita ko tuloy na marami na namang chats si Railey at sakto ring tumatawag siya.
BINABASA MO ANG
The Night We Met in Intramuros
Teen FictionWhat would happen if an introverted teenager unexpectedly had an imagination about a girl he hadn't met before, that provoked him to travel out of his comfort zone only to find out if she was real or not? As Kielvinson Ybañez travels, he gets to kno...