22

13 3 0
                                    

TRIP TO BATAAN

NATUTULOG pa rin siya at patuloy sa pakikinig ng music. Dahil boring at wala akong magawa, balik ako sa madalas kong ginagawa-ang mag-imagine. Binalikan ko ang scenario kung saan nakita ko si Blythe upang masigurong siya na nga ang katabi ko.

Nakita ko siya, gano'n pa rin ang hitsura niya. Nagkamali pala ako dahil inakala kong kamukha niya itong dalagang katabi ko sa bus. Narito ulit kami sa lugar kung saan ko siya nakasama noong unang beses ko siyang nakita sa imahinasyon ko. At kahit ilang beses nang laman ng imahinasyon ko ang lugar na ito, hindi ko pa rin malaman kung anong lugar at saan 'to.

Magkaharap kami at nakangiti siya habang hawak ang aking mga kamay. Napakalambot ng mga kamay niya kaya hinigpitan ko ang hawak sa mga ito.

"Excuse me," bigla niyang sabi.

Biglang may tumapik sa akin at nang lumingon ako ay nakita ko agad ang dalagang katabi ko sa bus. Naalala ko na nag-i-imagine nga pala ako, at hawak ko na ang kamay niya. Shit, nakakahiya.

Mabilis ko itong binitawan at agad nag-sorry sa kaniya. Hiyang-hiya ako sa ginawa ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang tingnan dahil baka isipin niya na masama akong tao. Napangisi siya, hindi ko alam kung bakit. Napabuntong-hininga naman ako habang hinihintay ang susunod niyang gagawin.

"Hindi ako ganiyan mag-isip," maikli niyang sabi sa akin habang nakangiti.

Nagulo ang ekspresyon ng mukha ko nang sabihin niya iyon. Paano niya nalaman na 'yon ang iniisip ko? Mind reader ba siya o mentalist?

"Mind reader," maikli niyang sagot na mas lalong nagpagulo sa iniisip ko.

What the?! Seryoso ba siya? Nababasa talaga niya ang nasa isip ko? Akala ko hindi totoo na talagang nababasa nila ang nasa isip ng isang tao. Sige, subukan ko nga kung talagang mind reader ka.

"What else can you say?" I asked.

"In love ka," nakangisi niyang sabi.

Am I? In-love na ba talaga ako?

Napangiti ako nang sabihin niya 'yon. "Paano mo naman nasabi na in love ako?"

Hindi siya sumagot at sumandal lang habang nakatingin sa harapan.

"Just say it," bulong ko pero narinig pa rin niya kahit naka-airpods siya.

"I just know, because you're constantly thinking about her, dude."

Tumango-tango lang ako at hindi sumagot, pero alam kong alam na niya kung ano ang sagot ko.

"Ikaw?" tanong ko, sabay tingin sa kaniya.

Ngumisi na naman siya. "I had a boyfriend," she answered.

"Why is that?" Napalingon ako sa bintana.

"He's dead."

Natahimik ako at hindi na alam ang isasagot sa sinabi niya. "I'm sorry." Napayuko ako. Pinagdaop ko ang mga palad ko at hindi mapakali.

"Don't be sorry, hindi naman siguro ikaw ang nakasagasa sa kaniya," tugon niya kaya lalo akong hindi naging komportable sa topic at sa pag-uusap namin. Bahagya siyang natawa. "That was two years ago, ang bilis nga ng panahon, parang kailan lang ay kasama ko pa siya." Nag-umpisa na siyang magkuwento. "Bago mangyari ang aksidente, ibinigay niya sa akin itong kuwintas. Kinabukasan, date namin pero hindi natuloy dahil nga nadamay siya sa isang aksidente. May kotse siya, but for some reason, hindi niya ginamit, and he didn't tell me why. That's the reason kung bakit siya naglakad papunta sa restaurant, malapit lang naman kasi ang apartment niya," pagpapatuloy niya habang hawak pa rin ang kuwintas na letter F ang pendant.

The Night We Met in IntramurosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon