February 14
First day ng Camp namin, syempre excited ako pati si Jaime. Kanina pang alas 5 ng umaga tumatawag na eh, 7:00 am naman yung camp. Iwan ko ba kung paano ko naging kaibigan yun.
"Seika,anak ito na mga gamit mo" ni Mama
"Ah sige ma salamat, una na ako Ma kanina pa tawag ng tawag si Jaime eh" paalam ko kay mama
"Anak ingat ka ha".
***
Haysstt... 6:30 na malalate ako nito eh. "Kuya matagal paba yan?" Tanong ko sa dryiber
"Ah medyo po Maam" sagot niya"Gusto niyo Ma'am sakay nalang kayo sa iba ihahanap ko kayo ng masasakyan" dagdag pa niya.
***
Hay! Sa wakas nakasakay narin ako 6:40 am na halos sampong minuto din akong naghintay ng masakyan.
And Finally dito na ako sa gate ng school namin. Natatanaw ko Mula rito ang softball field kung saan dun ang Camp Area namin. Naglakad na ako papunta dun.
Andami kong bitbit kasi naman si Mama kung ano-ano ang mga pinapadala niya sa akin eh. Andyan ang payong, at aanhin ko naman ang payong sa camp namin aber!? Meron ding kaputi para daw sa pag uwi ko pag umulan. Hanep din si Mama eh,At kung ano ano pang pinadala ni Mama.
Sa sobrang dami ng dala ko Hindi ko nakita na may tao pala sa harap ko. Nabangga ko siya at nabitawan ko lahat ng hawak ko.
Dali ko namang pinulot ang mga gamit ko at tinulungan niya pa ako. "Sorry" sabay pa naming sinabi yun.
"Ah, okay Lang yun" agad kong sagot
Grabe ang gwapo niya ha😊
"Tulungan na kita sa mga dala mo" Saad nito."Ah eh okay sige" sagot ko dito habang kinikilig magpapachoosy paba ako gwapo niyan oh, Sorry Bangtan Uuwi parin ako sa inyo😂charr.......
***
Nakarating na kami sa Campside.
"Ah anong group # mo?" Tanong niya
"#5" tipid kong sagot
"talaga? #5 din ako" sagot niya. "We Totoo" tanong ko ulit.
"Oo magka grupo pala tayo" saad niya
"Group 5 dito po ang Group 5" Sigaw ng isa naming ka grupo.
"Dun na tayo oh, Group 5 dun" saad nito. Tumango na lang ako bilang sagot.
"Nagmeeting kami kahapon, bat hindi kita nakita dun kung group 5 ka?" Tanong ko.
"Ah kasi may pinagawa sa amin yung teacher namin kahapon pero nalaman ko naman kung ano ang mga pinag usapan ninyo kahapon eh" paliwanag niya.
"Ah ok." Tipid kong sagot
"Announcement Campers! Mag start na kayong magpatayo ng mga tent niyo dahil after 10 mins. Ay mag uumpisa na tayo,Salamat" -Head Teacher
Agad kaming kumilos at nilapag na niya ang mga dala niyang mga gamit ko.Pinagpapawisan siya as pagdala ng mga gamit ko pero tae ang hot niya😀 Dahil sa hot niya napatulala ako sa kanya.
"Hmm...hello, hi,.. Hoy!" Sabay tapik sa akin na agad ko namang ikinagising sa katutuhan.
"Ah, B-bakit?" Nauutal kong tanong. Grabe nakakahiya to.
"Tulungan na kita magpatayo ng tent mo" sabi niya. Kanina pa kami nag uusap hindi ko pa natanong pangalan niya.
"Ah naku huwag na, hindi na baka pagod kana tignan mo pinagpapawisan kana oh" sabay pinunasan ko ang pawis niya gamit ang panyo ko.
Galawang Seika 2.0😂
Grabe ngayon ko lang to ginawa. Ayieeehhh grabe na to diko na kaya. Sorry na talaga BTS hindi na mauulit😂😅✌
Habang pinupunasan ko ang pawis niya hinawakan niya ang kamay ko(anlambot bheee:
"Ah okay na yan, nakakahiya naman sayo" saad niya
"Tara itayo na natin tent mo" dagdag pa niya.
"Ah okay lang ba sayo?" Tanong ko.
"Oo naman basta ikaw" mahina ang pagkasabi niya kaya hindi ko masyadong narinig.
"Ah?Ano yun?" Tanong ko "Ah wala sabi ko bilisan natin". Sagot niya
A/N: Hey, yah! Thank you so much for reading my story. I hope you enjoy it💜 also vote kamsa💜
YOU ARE READING
2 Days and 1 Night
Teen FictionA love story that start in a simple Camp of the School. She registered the Camp and she didn't mean that she found her the one during their Activity or Camp. She really don't care about the famous of their school to the fact that she even don't know...