Chapter 5: Corny na banat ni Andry😂

21 6 0
                                    

Someone's POV.

Ang saya saya nila lalo na si Andry ngayon ko lang nakita syang ganun kasaya dahil sa isang babae na ngayon ay kasama niya sa hapagkainan. Bakas sa muka niya ang kilig at saya sa tuwing tinitignan niya si Seika. Palagi niyang bukang bibig ang pangalang Seika sa amin.

Pero sorry sa mararamdaman mo sa gagawin ko, aagawin ko siya sayo dahil gusto ko din siya Mahal ko na siya simula pa nung una. Darating din ang araw na magkakaharap tayo Andry at magmamakaawa sa akin.

Seika POV.

Announcement: Campers please proceed to the ground now cause we will start our team building,Thank you!

Ito yung pinaka favorite ko na part sa mga Camp, ang Team Building bukod kasi sa makakapaglaro ka, dito mo makikita ang pagiging unity ng mga kasama mo. Makakapagsocialization kapa sa ibang group. Sa sobrang excited ang mga iba pa ay napasigaw at nagsisitalon pa.

***

Andito na kami sa ground lahat as in lahat ng group, Bali 8 groups lahat lahat. Hindi naman masyadong mainit dito kasi may tulda sa taas kaya okay Lang.

"Seika dito ka, Sheila dito ka" ni Leader/Si Josh. Pati sa Pwesto namin sa ground may arrangement para daw kasi makuha namin ang most disciplined group, mahalaga din sa amin yun bilang role model sa mga junior high school.

Gusto namin makuha yun kaya kinakareer namin at tsaka isa pa yun ang goal namin as a group.

Bali dalawang line yung ginawa namin sa right side girls sa left side naman mga boys.

"Kabayo!" Sa gulat ko nahampas ko yung tumabi sa akin. Si Andry pala

"Aray, Anong kabayo?" Gulat niyang sagot

"Ikaw kasi bat ka nang gugulat" sagot ko.

"Dun ka oh sa likod may sitting arrangement tayo no" sabi ko sabay turo sa likod.

"Ayaw ko nga" tipid niyang sagot at nilibot niya ang paningin niya sa line ng mga boys.

Kinausap niya si Ian isa din syang famous sa school at tiktokirist din daw according to Jaime na kung pwede daw palit sila ng puwesto sa likod na lang si Ian, at pumayag naman si Ian.

So ngayon magkatapat na kami, ramdam ko na tinititigan niya ako kaya naiilang ako di ako sanay gosh...di ba niya alam na nakakamatay sa kilig ang ginagawa niya. Sinilip ko siya ng patago para kompermahin ang hinala ko. At ayon na nga hindi ako nagkamali at naka ngiti pa siyang nakatitig sa akin gosh ... ramdam kong namumula na ang pisngi ko. BTS save me!...

" Seika" pagtawag niya sa akin

"Uhmm..." nagulat ako kaya napaayos ako ng upo.

"Sili kaba?" tanong niya. Halla ako daw sili muka ba akong Sili sa paningin niya? Ano isasagot ko?

"Ah, Muka ba a-akong s-sili?" Sana lang tama yung sinabi ko.

"Ah ano kaba, sabihin mo bakit babanat lang ako" inis niyang sabi.

"Babanat ka bat ka naman babanat?" Tanong ko ulit.

"Hayssstt... sabihin mo nalang bakit?" Inis niyang sabi ulit. "Ok, From the start" dagdag pa niya. Wow ha bossy niya.

"Seika, sili kaba?" Sabi niya ulit gamit ang gwapo niyang boses. Wow nakakainlove na ah, mukang namumula na naman ang pisngi ko.

"Bakit" sagot ko naman.

"Kasi namumula kana" Awww ah ang corny pero my gosh ang gwapo ng pagkakasabi niya, kinilig ako wait talaga ba na namumula ako gosh napansin niya ba naku! Nakakahiya someone save me!

"Pero ang cute mo pag namumula ka at kinikilig ka" dagdag pa niya sabay ngiti na nakakainlove sa akin.

My gosh help me!... Nakatitig lang ako sa kanya habang naka ngiti siya sa akin, natulala na ata ako sa kagwapuhan niya.

Tinapik ako ni Jaime sabay sabing "Ehem Sei, laway mo nahulog na" katapat ko pala si Jaime group 6 siya hehehe. Salamat talaga Jaime sa pag save sa akin...

"Isusumbong talaga kita sa mga asawa mo" dagdag pa niya. Natawa na Lang ako sa sinabi niya

"Ok campers mayroon tayong station 4, sa station 1 kailangan niyong umakyat sa building ng senior high at may mga tali dun sa hagdan kailangan hindi iyon magalaw lahat ng groups may representative na 3 para sa station 1 sa station 2 apat,station 3 tatlo at sa station 4 ay dalawa.

Pwede kayong mag ulit kapag kulang kayo ng members. Sa station 1 pag natapos niyo ang pagsubok ibibigay sa inyo ang flag at ang flag na yun ay ibibigay niyo sa station 2 sa kasama niyo kasi hudyat yun para magsimula na sila sa pagsubok nila.

Sa station 2 ay dapat maligo kayo sa ilog sa likod ng building at hanapin niyo ang 18 pesos bawat isa sa inyo pag nahanap niyo yun ahun na kayo pero ingat kayo dapat ang ma assign dun ay ang magaling lumangoy, sa station 3 Mula sa nahanap niyong pera sa ilog ang mga members niyo na nasa station 3 ay kailangan ibili nila iyon sa canteen ng itlog para sa station 4 kasi sa station 4 ay magbabake kayo ng cupcake sa cookery lab. At ibenta ninyo iyon sa labas ng School at ang mapagbentahan ninyo ay ibili niyo ng isang kilong karne sa palengke at mga rekado para sa sinigang kasi mamayang gabi ay ipapatikim niyo sa amin ang ginawa niyong sinigang.

Kung sinong grupo ang mauuna at masarap ang sinigang nila sila ang magkakaroon ng 500 points, 500 points sa pinaka mabilis na grupo at 500 points din para sa pinaka masarap na sinigang. Huwag kayong mag alala kasi lahat ng station may teacher na nakatuka para I guide kayo. Ok, You may start now"

Agad kaming kumilos para pag usapan kung Sino Sino ang sa station 1,2,3,at 4. Nang nabuo na ang members per station ay kumilos na kami.

A/N: Isang malaking HAHAHAHAHA sa banat ni Andry.
Btw thank you sa pagbabasa and please vote kamsa😊

2 Days and 1 NightWhere stories live. Discover now