Seika Pov.
Malapit na'ko sa gate ng school. Pagkapasok ko nakisabay si Andry sa paglakad ko. "Oh ba't ka andito?". Nakakunot noo kong tanong.
"Bakit? Hindi ba pwedeng pumasok sa school ang isang campus Crush?". Ngumiti siya. Sabay tilian ang mga fangirls niya sa gilid ng daan. Ang ingay nila, naagaw naman ang atensyon ni Andry sa mga Fangirls niya, kaya binilisan ko na ang lakad ko at iniwan si Andry dun.
Nagflash sa utak ko yung kiss kahapon. Hindi ka pa ba move on dun Seika?. Haysstt my first kiss!. Bigla akong natauhan "Hi Seika" nagulat ako at muntik nang mahulog sa hagdan buti nalang nahawakan agad ni Jam ang kanang kamay ko.
"Bat ka kasi nanggugulat?". Inis kong tanong.
"Sorry naman, inaabangan talaga kita dito eh." Paliwanag niya.
"At bakit mo ako inaabangan?" Hinay at kunot noo kong tanong.
"Pasyal tayo mamaya? Tayong dalawa lang." Masaya niyang sabi. Ano nakain nito? At gustong mamasyal.
Nag isip muna ako. Tinignan ko ang wrist watch ko Aba late na ako!. "Sorry late na ako mamaya nalang tayo mag usap." Sabi ko bago ako tumakbo.
"So it's a yes?" Tanong ni Jam. Tumingin ako sa kanya habang nakatayo na ako sa pintuan ng classroom namin. "Uy Seika nakaprepared ka na para mamaya sa dula dulaan". Tanong ni Jaime nasa pintuan pala siya.
Sinagot ko siya habang nakatingin parin kay Jam. "Oo" mukang napalakas ata pagkkasabi ko.
"Sige hintayin kita sa may gate mamayang uwian." Sigaw ni Jam habang nakangiti. Magsasalita pa sana ako pero tumakbo na siya papuntang classroom nila.
"San kayo pupunta ni Jam?" Tanong ni Jaime habang kinikiliti ako sa tagiliran.
Ang boring ng lesson namin walang pumapasok sa kukuti ko ni isa. "Ok Goodbye Class." Natauhan ako sa paalam ng last subject teacher namin ng hapon.
Uwian na pala? Nililigpit ko na lahat ng gamit ko sa bag "Uhmm... Sei una na ako may pupuntahan pa kami ni Mama" paalam ni Jamie.
"Sige pakamusta mo nalang ako kay Tita ah" sagot ko. "Sige, bye" at naglakad na siya palabas.
Pagkalabas ko palang ng classroom nag text si Jam
From: Jam ROR😂
Sei andito na'ko sa field. Antayin kita sa gate.
Seika Meow😹
GehNaglalad na'ko papuntang locker ko para ilagay ang mga ibang gamit ko. Narinig ko na naman ang mga ingay ng mga fangirls ng mga Campus Crush ng School na'to. Hayy nakakabingi na pakinggan ang mga topic nila. Agad 'kong sinara ang locker ko at umalis na. Mula sa malayo natanaw ko si Jam sa gate. Pangiti ngiti pa siya sa akin, ang cute niya grabe!.
🎇🎆🎇🎆🎇🎆🎇
Andito kami ngayon kong saan nakahilera ang mga street foods. "Excited na'ko Seika, Tara dito muna tayo sa unang tindahan." Sabay hila sa kamay ko.
Kumain lang kami ng kumain hanggang sa mapuntahan namin lahat ng tindihan dito.
"Grabe Jam nabusog ako. Salamat" sabay hawak ko pa sa tyan ko.
"Ako din eh, tignan mo anlaki na ng tiyan ko" sabay tawa kaming dalawa.
"Ah Seika, gusto mo ice cream?, ayon oh bibilhan kita." Sabay turo sa nagtitinda. Kaming tatlo nina Jaime ay mahilig kami sa ice cream. Halos araw araw nga noon ice kinakain namin.
YOU ARE READING
2 Days and 1 Night
Teen FictionA love story that start in a simple Camp of the School. She registered the Camp and she didn't mean that she found her the one during their Activity or Camp. She really don't care about the famous of their school to the fact that she even don't know...