"Uy,diba si Andry yun?" Narinig kong sabi nung nasa kabilang group.
"Ay oo nga, at sino naman yung kasama niya?Ang pangit ah" sabi nung kasama niya.
Wow naman nahiya ako sa kanila "At least pure ako hindi tulad ng iba dyan mukang coloring book ang muka" pagpaparinig ko sa kanila.
Mukang coloring book naman talaga yung muka nila ang kapal ng kilay at makapal na lipstick na kulay red tas pink na pink yung pisngi nila muka pa ngang clown eh.
Inirapan nila ako saka sila umalis. Ngayon ko Lang nagawa yun for the first time, ako kasi yung pag may naririnig hindi ko na lang pinapansin at hinahayaan na iyon pero ngayon nagsalita na ako I'm proud to my self.
"Oh tapos na" sabi ni Andry at least nalaman ko na name niya salamat sa dalawang chismosa na yun.
"Thank you Andry Ah" sabi ko. "Wala yun ano kaba."
Bat ganito nararamdaman ko I can't explain bumibilis ang tibok ng puso ko na parang naririnig ko pa ang pintig nito.
"Ah Andry, kilalang kilala kaba dito sa school?" Nahihiya kung tanong.
"Bat mo natanong? di mo ba ako kilala?" Patanong niyang sagot.
Hanep niya no hindi pa niya sinagot yung tanong ko.
"Oo eh" sagot ko.
"Ah ok it's better" sagot niya. Naguguluhan ako sa sagot niya anong it's better Pinagsasabi niya?
"It's better?" Tanong ko ulit. May sasabihin pa sana siya kaso may announcement.
Announcement: All Campers please proceed to the Gymnasium,We will start our lecture,Thank you!
Naglakad na ako papuntang Gym nang biglang may kamay na dumapo sa balikat ko.
Napatingin ako sa may ari ng kamay, haysstt si Jaime lang pala.
"Ano kaba Jaime,nakakagulat ka ha tsaka bat hindi mo ako hinintay kanina ah?" Kunyaring masungit kong tanong
"Hoy, Ms. Seikariana Lopez antagal tagal mo kaya ayoko namang masira yung beauty ko kakahintay sayo no, tsaka wait lang close ba kayo ni Andry?" Sagot at tanong niya habang naglalakad kami papuntang Gym.
"Hindi masyado" tipid kong sagot
"Hindi masyado eh tinulungan ka niya kanina tas pinagtayo kapa ng tent, o di close yun?" Maarte niyang paliwanag.
"All this time pinagmamasdan mo pala ako no? Tsaka di kami close masyado no kakakilala ko nga lang sa kanya kanina nung hindi mo ako HININTAY" diniinan ko talaga yung last word.
"May ibibigay pa sana ako sayo pero huwag na hindi mo naman ako hinintay eh, galing pa yun kay Prince "pag daragdag ko
" Uy sorry Sei alam mo naman na mahal na mahal kita no, hayaan mo next time aantayin na talaga kita kahit late ka pa." Pagmamaka awa niya
"Ano ba yung ibibigay mo sakin?" sabay ngiti.
"Ibibigay ko yun sa isang kondisyon" sabi ko. "Diba kilala mo si Andry kwentuhan mo ko about sa kanya" dagdag ko iwan ko kung bakit yun yung na sabi ng bibig ko.
Maybe I want to know him more? Bat ko ba siya kikilalanin? Ah ang gulo basta yun na yun.
"Ay yun lang naman pala eh sige mamaya sa Gym" sagot niya.
***
Wala pa naman yung mga ibang student kaya nakitabi muna sa akin si Jaime kasi by group yung nakaarrange na upuan.
"So kwento kana" tipid kong sabi
"Bat ba gusto mong malaman tungkol kay Andry?" tanong niya, hindi ko rin alam eh bakit ko nga pala tinatanong about kay Andry sa kanya.
"Basta mag kwento kana, hindi ko ibibigay yun binigay ni Prince sa akin eh." Sabi ko
"Oh ito na, si Andry transfer lang siya last year pero dahil sa taglay niyang kagwapuhan at talento naging #2 heartthrob siya dito sa campus, marunong din siyang magbasketball, magaling siya mag volleyball,sumayaw,kumanta kaya halos lahat ng babae gusto siya hindi ko nga alam kung bakit hindi mo siya kilala eh?, Anak siya ng CEO at malaki ang contribution nila sa school natin according to my research, Papa niya CEO ng Samsung, Mama niya Beauty Queen, May ate siya 2 years lang ang agwat nila nasa London ngayon ang ate niya dun nag aaral."
"Talaga?" Yun na lang ang nasabi ko sa mga sinabi ni Jaime.
"Oh tapos na amin na yung bigay ni Prince" sabay abot ng kamay niya "Maya na nasa tent eh" sagot ko
Meron na yung leader nila kaya pumunta na siya sa group niya, naiwan ako dito mag isa napaisip ako kaya pala ganun nalang ang inasta ng dalawang babae kanina. Kasi famous pala siya. Napaka chismosa din nito ni jaime no lahat alam niya.
Napatulala lang ako dito ng may biglang umupo sa tabi ko at sabi ng sabing "Hi Seika"
"Ay kabayo" nagulat ako dun ah
"Ay muka ba akong kabayo? Gwapo ko naman para maging kabayo."sabay smile sa akin Si Prince pala.
Parehassila ni Jaime haysst...
Naramdaman ko ring may tumabi sa kanan ko kaya napatingin ako Si Andry pala.
"Oh Prince andun na yung leader niyo alis kana dito." Sabi ni Andry
"Seika basta yung usapan natin ah" sabi ni Prince habang paalis. Nginitihan ko lang siya.
"Hey, don't smile to him, sakin ka lang ngumiti" sabi ni Andry.
"Ha?" yan lang ang nasabi ko dahil sa gulat. Hindi ba niya alam na naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Una, it's better tas ngayon sakin ka lang ngumiti baliw ba siya?.
A/N: Thanks for reading and also vote kamsa💜
YOU ARE READING
2 Days and 1 Night
Teen FictionA love story that start in a simple Camp of the School. She registered the Camp and she didn't mean that she found her the one during their Activity or Camp. She really don't care about the famous of their school to the fact that she even don't know...