Chapter 6: Team Building

20 6 0
                                    

So na assign kami ni Sheila sa station 5 which is mag babake. Magaling din kasi akong magbake pati din si Sheila. Sa station 1 naman si Victoria, Josh at Ian. Station 2: Andry, Mark, Jerwin, at Kurt. Magaling siguro silang lumangoy sana all ako kasi langoy aso. Station 3: Belle, Aurora, at Abby.

Nagsimula na napapanood naming lahat na nasa labas ng cookery room lahat ng nangyayari per station swerte namin kasi napapanood habang hinihintay namin yung flag na maibigay ng kasama namin sa station 3 samantalang sa ibang station wala silang tv. Nangunguna ang group 5 nakaalis na sila at nakuha na ang flag papunta na sila ngayon sa station 2 para ibigay ang flag. Agad namang kinuha ni Andry ang flag at nagsimula na silang tumapsaw sa ilog. Mga ilang minuto umahon si Mark sunod si Jerwin at Kurt, Maya maya si Andry na, pagka ahon ni Andry bat nag slow mo siya sa tv na pinanonood ko ngayon? bat ang gwapo niya pag basa siya?. Napatingin siya sa camera at nag wink, Humiyaw naman lahat ng fangirls niya.

"Grabe ang gwapo talaga ni Andry no bagay kami" sabi ng isang babae sa gilid ko

"Oo nga gwapo niya pero mas bagay kami" sabi naman ng kasama niya.

"Di tulad ng isa dyan namimintas na coloring book daw ang muka natin " pagpaparinig nila.

Napalingon ako sa kanila At nahalata ata ni Sheila yun bumulong siya sa akin na "Don't mind them, Andry like you" sabi niya sabay ngiti sa akin

"H-ha?" Yan nalang nasabi ko.

"Don't worry vote ako sayo para sa kanya, ayaw ko sa Eloisa na yun feelingerang palaka yun" ni Sheila.

"Ano bang pinagsasabi mo Sheila?" Tanong ko naguguluhan kasi ako eh sa mga sinasabi niya.

"Seika, ito na yung flag" Kilala ko yung gwapong boses na yun at napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Hindi naman ako nagkamali sa akala ko si Andry niya.

Basang basa siya pero ang cute niya.

"Oh bat ikaw nagbigay ng flag at itlog dito? diba dapat si Belle, Aurora o si Abby ang magdadala niyan" tanong ko.

"Ako yung nagrequest na ako na ang magdadala dito" sagot niya. Umingay ang paligid kasi yung mga fangirls andito na.

"Bakit ikaw?" Tanong ko ulit.

"Wala lang gusto kasi kitang makita, kaya ako nagdala" sagot niya gamit ang gwapo niyang boses

Kinuha ko na lang yung flag at pumasok na sa loob ng lab. Habang naglalakad ako papunta sa loob ng lab "Sarapan mo yung cupcake ah" rinig kong sigaw niya. Tinignan ko ang flag may naka dikit dun ang nakalagay.

"Sarapan mo yung cupcake Sili,para kapag natikman ko mahuhulog agad ako sayo"

at May smiley face pang nakalagay. Loko loko talaga yun.

"Loko loko  ka" 😢😦 mahina kung sabi sa sarili ko.

Sinimulan na namin ang pag hahalo halo sa ingredients at natapos ang ilang minuto ay tapos na kami hihintayin nalang namin yung signal ng teacher na nakatuka sa station 5 at pwede na naming ilabas ang cupcake.

Finally binigay na namin ang cupcake sa magtitindi walang iba kundi kami din Lang ni Andry ang magtitindi. Kasi puro pagod ang mga kasama namin, pero si Ian sana kasama ko kaso si Andry ang sumama.

Palabas na kami sa gate habang nag uusap, ang daldal niya ah hanggang sa nadako ang pag uusap namin sa nakalagay na sulat sa flag.

For inspired lang daw yun "pero may nakasulat na mahuhulog agad ako sayo" Tanong ko. Gusto no kasing I confirm kung totoo yung mga sinasabi ni Sheila kanina.

"Ah yun, kasi hindi mo ba halata? Na..." natigil siya kasi may bumili ng cupcake as daan.

"Ilan po kukunin niyo?" Tanong ko a bumibili.

"Lima"

"Magjowa be kayo?" Tanong ni ate. Napatingin ako kay Andry

"Ah hindi pa po" nakangiti niyang sagot sa bumibili.

"So may chance?" tanong ulit ni ate.

"Alam niyo bagay kayo perfect match kayo, naku miss huwag mo nang papakawalan tong si kuya niya ah" pagpapayo niya sa akin. Mukang uminit na naman hung pisngi ko. Ngumiti nalang ako sa kanya para di naman nakakahiya.

Naglakad na kami patungong palengke.

"Seika" pagtatawag niya sa akin. "Oh" tipid kong sagot kung makatawag naman tung lalaking to akala mo anlayo layo ko eh.

"Nagiging sili ka ulit" sabi niya sabay smile na magiging tawa na. Inirapan ko siya at Nauna na akong naglakad sa kanya.

A/N: Thanks for reading and pls. Vote kamsa💜

2 Days and 1 NightWhere stories live. Discover now