May announcements na magkakaroon daw my Senior High Camp this coming February 14 sa aming Eskwelahan Agad naman akong nagparegister, Ako kasi yung tipo ng studyante na mahilig sa mga Camp Activity.By the way I'm Seika Lopez 17 Single pero may asawang pitong Koreano na nasa Korea ngayon at busy sa mga schedules nila.
Alam ko na kilala niyo na sila, sikat kaya sila, Sila ay ang BTS O BANGTAN SONYEONDAN ng South Korea hehehe. Masyado ba akong madaldal? Pasensya na BTS pinag uusapan eh😅
Ako kasi yung tipo ng estudyante na maraming alam sa Korean na famous pero walang alam sa mga famous sa sariling school😂
***
February 13
Nagpatawag ng meeting ang head ng Senior High Camp kaya lahat ng participants kailangan andun.
"Seika antayin mo ako ha itatago ko Lang to sa bag ko" sabay turo sa hawak niyang dyaryo na binabasa niya.
She is my friend Jaime updated siya sa mga famous at bagong famous sa school namin. I'm sure school journal na naman yung binabasa niya.
Palagi kasi silang nagbibigay nun sa amin tuwing makalipas ang 2 buwan para maupdate kami sa mga nangyayaring sa school at sa mga patimpalak na napapanalunan ng school namin.
Hindi ko na yun binabasa kasi naman babasahin ko palang kwinekwento na ni Jaime kung anong laman ng School Journal na yan. Kaya nakikibalita na lang ako kay Jaime kung anong nandun.
Ang tagal niya ha. Kinuha ko nalang ang phone at binuksan iyon. Natigilan Ako kasi nanalo na naman ang BANGTAN Hindi ko maiwasan na ngumiti at kiligin.
"Hoy" sabay hawak sa balikat ko sanhi ng muntik kong mabitawan ang cellphone ko.
"Ay kabayo ka Jaime" sa gulat ko na sabi ko yan.
"Anong kabayo ha Seika?napaka ganda ko naman para maging kabayo no" nakangusong sabi niya
" Anong maganda?saan banda Jaime?" Pang aasar ko.
"Tumigil ka nga Seika kung ayaw mong i bash ko ang BTS mo"
"Sige nga gawin mo," pang aasar ko
" Nakikita mo yan?" Sabay turo sa mga nasa baba ng building na mga estudyante na nagprapraktis para sa performance nila sa Senior Camp namin at Song ng BTS ang music nila.
" Lahat yan sasabunot sayo pag binash mo ang mga asawa namin" dagdag ko pa sabay tawa.
" Hay naku Seika, Tara na nga" pa anyaya niya. Pikon pala siya eh.
***
Sinabi na sa amin ang mga dapat kailangan dalhin at sinabi na rin nila kung Sino-Sino ang mga kagrupo namin.
Natawag na ang pangalan ko at ang mga pangalan ng mga kagrupo ko. Grabe,wala akong kakilala ni isa sa mga kagroup ko. Si Jaime naman iba ang group niya.
Nakakalungkot alam kong mag iisa ako sa tent ko nito eh. Nang matapos na ang meeting ng head, Agad namang nagpatawag ng meeting yung mga kagrupo ko para pag usapan ang mga magdadala ng mga ganito ganyan. Ganun din sila Jaime kaya sabay na kaming bumalik sa classroom pagkatapos nun.
"Uy Seika, Swerte mo ah halos lahat ng famous nasa group niyo"
"Ha anong famous, pinagsasabi mo?"sagot ko naman
" Haysstt... puro ka kasi korean eh, basta bantayan mo si Prince ah para sa akin" sabi niya
"Ha? Sinong Prince yung naka under cut kanina? Bakit ah? Jowa mo?" Loko kong tanong
"Oo yung naka under cut, Crush ko siya eh" kinikilig na sabi niya. As in naman na crush ka niya noh.
"Ligawan mo na kasi siya Jaime"
"Naku kung pwede lang" sabay tawa kaming dalawa.
Sabay na kami ni Jaime pauwi, dumaan muna kami sa Milk Tea House.
"Libre na kita Sei" sabi ni Jaime
"Aba dapat lang no, Matapos mong akong iwan iwan kanina sa may gate para lang makasagap ng chismis sa bagong famous sa school.At nilait lait mo pa yung mga asawa ko asan hustisya dun? Jaime ha." Panlolokong tanong ko.
"Hindi ko sinabing ikwento mo lahat ng ginawa ko sayo kanina Seika, Sinabi ko Lang naman na ililibre kita Hindi ko sinabing ngayon kita ililibre" pambawi niya sa akin.
"Sige uwi na ako kasi dadaanan ko pa si Prince kukunin ko yung mga ingredients sa bahay nila para bukas,Sige bye" sabi ko at nagsimula na akong lumakad palayo
"Uy si Prince? Talaga? Uy, Sei! Sandali lang naman yung milkteaaaa...." sigaw niya
Napatawa na Lang ako sa kanya alam kong naka order na siya ng milktea kaya iniwan ko na siya.Talagang dadaan pa ako sa bahay nila Prince ngayon para bukas sa Camp.
"Uy, Seika hintay sama ako" ni Jaime.
Nahabol ako ni Jaime kaya wala akong nagawa kundi isama na siya.Binigay niya sa akin yung isang milktea Dark Chocolate ang flavor.
Tanging gusto ko lang naman sa mga flavors ay ang chocolate o kahit anong klase ng chocolate basta chocolate.
Hate ko naman yung mga strawberry, Mangga kasi parang, basta ayaw ko sa mga flavor na yan.
"Uy ayon si Prince oh" ni Jaime
Hanep talaga to si Jaime eh."Hi Prince, I miss you baby" la tignan mo to si Jaime Hindi man Lang nahiya sa pinagsasabi niya.
Yayakapin pa sana ni Jaime si Prince ng nahawakan ko ang kamay niya."Ehem, Jaime masyado ka nang maharot" pabulong ko sa kanya napanguso ito at inirapan ako sabay tawa.
A/N: Hi guys! I hope you enjoy reading this story.😊
YOU ARE READING
2 Days and 1 Night
Fiksi RemajaA love story that start in a simple Camp of the School. She registered the Camp and she didn't mean that she found her the one during their Activity or Camp. She really don't care about the famous of their school to the fact that she even don't know...