Chapter 14: Practice Room

7 3 2
                                    

Sumakay na ko sa Kotse ni Kuya Craze kasi may 'project' pa daw na gagawin si Kuya Thopper. Kaya sinundo ako ni Kuya Craze.

"Oh kamusta ang School mo?" Tanong niya habang tinatahak namin ang kalsada. "Okay lang naman po" saad ko.

"Oh nice, nag enjoy ka naman na kasama si Janh Aldrine Marco no?" Nakangiting tanong niya. "Nakita ko kayo sa Jollibee kanina" dagdag pa niya.

"Oo nilibre niya nga kami eh" saad ko. Ngumiti lang si Kuya Craze. "What?" Para kasing sa ngiti niya may magandang nangyari sa kanya.

"Don't tell me?, Omg! Nagtapat kana kay ate Dana no?!" Sa sobrang excited ko napasigaw pa'ko sa kotse.

Ngumiti siya "Oo natauhan kasi ako sa sinabi mo kanina". Ayun natauhan nakapag isip isip nang tama.

"Ano sabi niya?" Excited ko ulit na tanong.

"May gusto din daw siya sa akin at pumayag siyang ligawan ko". Anlawak nang ngiti niya.

"Ay oh nakakakilig namannnn..." saad ko habang kinikilig.

"Salamat sayo Sei, kung hindi mo ko inasar at sinabi yun kanina hindi ko magagawang mag tapat sa kanya at malaman na gusto niya rin ako."

"Okay lang yun, kapatid kita eh, Your Welcome" sagot ko. "Dahil diyan ililibre kita nang BTS merch, Gusto mo Army Bomb?".

"Oo naman, yung latest version ah, sakto naglabas sila new version". Saad ko. Ang swerte ko naman sa Kuya ko nangangamoy Army Bomb na this!.

Pumunta kami sa Mall at kumain muna sa isang Restaurant dito bago pumunta sa Kpop Shop. Ang maganda dito officially from Seoul South Korea ang mga paninda nila. Katulad nang pangako ni Kuya binilhan ako nang bagong labas na verion ng Army Bomb grabe ang ganda at ang saya saya ko. Abot hanggang utak ang lawak nang ngiti ko.

"Salamat kuyaaa" saad ko nang nasa Kotse na kami. "Hindi pa'yan, May isa pa" sagot niya. Napakunot ang noo ako.

"Ano yun?" Tanong ko. Kinuha niya ang isang box at binigay sa akin.

Dahil sa excitement binuksan ko yun agad. Bumungad ang isang album "BE ALBUM?" Gulat kong tanong kay Kuya. "Ay hindi, ENHYPEN Album yan" sarkastikong sagot ni Kuya. Tas tumawa siya "I'm just kidding, it's obvious naman na BE ALBUM eh." Natatawa niya pang sabi.

"Thank you talaga Kuya, grabe pinag iipunan ko palang to eh pero ngayon meron na ko. Ang saya ko promise!" Ang saya ko talaga akalain mo pinapangarap ko lang tong BE Album na to pero ngayon meron na ko nito. I'm so bless to have a brother like him.

"I'm so lucky to have a Kuya like you" saad ko. Parang naiiyak nako sa saya. "Don't worry sasagutin kana ni ate Dana after 1 Month" saad ko.

"1 Month parang antagal naman masyado?" Sagot niya habang nagmamaneho na. "Hindi sakto lang yun, yung iba nga 5 months or more pa" sagot ko.

"Kahit isang taon pa yan, basta hindi ako magsasawang ligawan siya hanggat hindi ko nakukuha ang matamis niyang Oo". Sagot ni Kuya. He's really inlove, pati ako vote kay ate Dana mabait siya. I meet her once and she's nice, nong gumawa sila nang project sa bahay.

"That's the spirit Kuya. Don't worry 1 week lang sasagutin kana niyan" saad ko. Ngumiti si Kuya sa akin.

Pagkadating namin sa bahay agad akong tumungo sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos ay ginawa ang mga assignments ko at pinahapyawan ko lang ang projects ko kasi wala pa akong mga materials para dun. Nang matapos na ako, bumaba ako para kumain nang gabihan. Mamaya pa daw sina Mommy at Kuya na kumain tinatapos pa ng dalawa kong Kuya ang projects nila.

2 Days and 1 NightWhere stories live. Discover now