"Good Morning Campers!" Bati ng speaker na nasa stage na pala.
Yung mga hindi sumali sa Camp may pasok parin sila tas wala pa silang masyadong ginagawa. Hayssstt... naiinggit ako sa kanila akala ko magiging busy sila dahil malapit na ang final exam.
"Ok,today we will discuss...blah...blah....blah..." Hindi na kami nakinig ni Andry sa discussion nagkwentuhan na lang Kami hanggang natapos ang discussion.
2 hours
"Ok, marami ba kayong natutuhan?" Tanong nung spoken person sa stage. Hindi kami sumagot kasi wala naman kaming natutunan ni Andry ito kasi si Andry panay kwento.
"Ok, balik na kayo sa mga area niyo para kumain ng tanghalian ninyo,at be ready kasi pagkatapos niyong kumain maghanda na kayo para sa Team Building, Mag sstart ang team building mayang 1:00 pm so enjoy take your time to rest and be ready, Happy Lunch Everyone!"
Andry POV.
Bat sa kanya lang ako sumasaya?Bat sa kanya ko nakita ang ideal girl ko? Bat pag may kinakausap siyang ibang lalaki, pag ngumingiti siya na hindi ako ang dahilan nagagalit ako o nagseselos? pag ibig na kaya to? Gusto ko na ba siya? Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Noon ko pa siya napansin since last year nung nag transfer ako dito sa school.
Flashback*
Nakita ko siya sa may gate papasok at biglang nag slow mo lahat sa paligid ko pati siya. Nagising ako sa pagkakatulala sa kanya nang may biglang tumawag sa kanya.
"Seika" isang babae na tumatakbo palapit sa kanya. "Andry Tara na praktis na tayo" tawag naman sa akin ni Vonne kaya napalingon ako kay Vonne.
Binalik ko ang tingin ko kay Seika nakita kong naka ngiti siya na nakatingin sa kasama niyang babae. Ang ganda niya kahit na walang kahit anong make up o liptint man lang sa muka niya. Medyo mahaba ang buhok niya na kulot sa baba ang ganda ng pagkakakulot niya. Nang napatingin siya sa akin agad kong iniwas ang tingin ko at tinungo na ang daan papunta sa room na pag praktisan namin.
Nung magpeperform kami sa school para sa nutrisyon month nakita ko ulit siya kasama niya yung kaibigan niya manunuod ata sila ng volleyball sa kabilang court. Ang ganda niya talaga simple lang siya hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang tinititigan siya. Magsisimula na ang sayaw namin kaya tinuon ko nalang and atensyon ko sa sayaw.
Nang nasa kalagitnaan na Kami ng pagsasayaw bigla ko siyang nakita sa may bandang likod kasama niya si Jaime ang kaibigan niya na kilig na kilig habang pinanonood kami sa stage. Nakita ko naman siya na inienjoy niya yung music at sinasabayan pa niya ito, mukang alam na alam niya ang kanta na sinasayaw namin yung idol by BTS.
Mula nun sinimulan ko nang nagtanong tanong about sa kanya sa mga kapwa namin estudyante at minsan sa mga kaklase niya. Magtatanong sana ako sa kaibigan niya na si Jaime pero nahihiya ako eh. Hanggang sa nalaman ko na kung anong full name niya, age, at nalaman ko din na fan pala siya ng BTS pero hindi ko nalaman kung ano ang mga favorite niya kasi sabi ng iba sa bestfriend niya lang daw sinasabi yun. Sabi pa nila sa akin that somtimes she is a weird kasi daw halos alam na niya lahat ng mga artista sa South Korea mapa boyband man O girl group,soloist even the not really famous na artista kilala niya pero ang mga sikat at famous dito sa school namin ay ni isa hindi niya kilala.
~End of flashback~
***
Seika POV.
Kakain na kami, medyo mabilis kumain ang mga kasama namin kaya kami nila Andry at Josh ang naiwan dito. Ang ginawa kasi namin ay budol fight lahat ng baon naming pang tanghalian ay nilapag sa isang malinis na dahon ng saging na nakapatong sa mahabang table.
Kami narin ang nagligpit sa pinagkainan namin total kami naman ang nahuli, habang nagpapahinga kami ang iba ay nagsimula nang nag ayos at nagdesign sa area namin kasi may points kung Sino man ang may pinakamagandang area at May points so lahat ng mga activity na gagawin namin ay may points at sa last day iaannounce kung sinong group ang nasa first place, at sa Winner sa mga iba't ibang activity.
Determinado kaming manalo kaya pinag igihan namin ang pay dedesign. Pagpasok mo palang sa area namin ay may Christmas light at kung ano ano pang may nilagay namin para magmukang maganda. May ginawa din ang leader namin na list ng cleaners para maayos at gumalaw lahat ng members.
Nagpapahinga na kami ng biglang dumating si Jaime.
"Hi Seika" bati niya.Binigay ko na ang binigay sa akin ni Prince na Make up kit para kay Jaime.
Pagka abot ko yun sa kanya tuwang tuwa siya at nakiupo siya saglit sa amin at nakipag kwentuhan.
Nagustuhan naman nila si Jaime kahit na halos ang mga kagrupo ko ay sikat hindi sila maarte to the fact na dito na daw matutulog si Jaime sa tent ko kasi mag isa naman ako.
Request ni Sheila magaling kumanta si Sheila at famous din siya according to Jaime. Tumango nalang ako dahil ayaw ko namang mag isa sa tent ko.
YOU ARE READING
2 Days and 1 Night
Teen FictionA love story that start in a simple Camp of the School. She registered the Camp and she didn't mean that she found her the one during their Activity or Camp. She really don't care about the famous of their school to the fact that she even don't know...