Thopper Pov.
"Kuya" saway sa akin ni Seika.
"Sana po Kuya Thopper". Nahihiya niyang sagot. "Anong sinasabi mo Andry?" Napapikit noong tanong ng kapatid ko.
"Seika, hindi mo talaga nahalata?. Mula nong una kitang nakita sa gate nun gusto na kita, hanggang sa camping. Gusto ko nga sanang magtapat sayo kaso palaging nauudlot tsaka ngayon na tinanong na ako ng Kuya mo chance ko na tong sabihin sayo." Tinignan ko Si Seika mukang gulat na gulat siya sa mga sinabi ni Andry sa kanya.
"Sige, pwede mo siyang ligawan" sagot ko kay Andry at ngitian nang nakakaloko si Seika.
Tinaasan naman ako ng kilay ni Seika. Pikon na yan. Syempre hindi parin ako papayag ng ganun ganun nalang ligawan ang kapatid ko eh. At alam kong hindi basta basta magpapaligaw yang si Seika.
"Sige po mauna na ako. Usap nalang tayo bukas Seika." Paalam ni Andry. Honestly mabait talaga yan si Andry. Inistalk ko siya at nag spy pa sa kanya.
Oo ginawa ko lahat yun dahil kay Levy. Pero I found out na mabait at hindi pa siya nagkakagirlfriend. He's a respectful man sa kahit Sino he even didn't involve any fight to our School siya pa nga ang pinag aawayan ng mga girls eh.
Until I found out na gusto niya si Seika. One day may napulot akong diary at binuklat ko iyon. Hindi ko naman inaasahan na kay Andry pala yun kaya binasa ko ang laman nun.
Hindi dahil sa chismoso ako ah pero parang ganun na nga. Andun lahat puro Seikariana Lopez nakalagay at iba pang ganap sa bahay niya. Laking tuwa ko pa na wala ang pangalan ni Levy my loves sa Diary niya.
Natauhan naman ako sa pagbuklat at pagpapakialam ko sa hindi ko gamit kaya nilagay ko iyon sa locker niya.
Third Person Pov.
Natanaw ko mula rito si Andry na kinakausap ang Kuya ni Seika. Napangiwi ako nang sinabi niyang gusto niyang ligawan si Seika. Hindi pwede yun! Akin lang si Seika, lahat inagaw na niya sa akin pati ba naman ang babaeng gusto ko!. Hindi ako papayag.
Hindi na kita mapipigilan Andry sa nararamdaman mo sa kanya alam kong simula't sapol palang gusto mo na siya. Hintay ka lang makakabawi rin ako sayo at babawiin ko ang lahat nang kinuha mo sa akin.
Seika Pov.
Umalis na si Andry at agad akong umakyat ng kwarto at nagbihis na. Alas dos palang ng hapon kaya naisipan kong lumabas muna kaya niyaya ko sina Jam at Jaime.
Hindi naman nila ako tinanggihan kaya agad akong nagpalit ulit. Susunduin nila ako dito kaya tumungo muna ako sa living room at umupo sa sofa. Habang inaantay sila nag stream muna ako sa YouTube ng bagong labas na MV ng BTS.
"Oh San ka pupunta?. Magdadate na kayo ni Andry agad agad?." Tanong ni Kuya. Inirapan ko lang siya wala pa si Kuya Craze at Mama nasa trabaho at school pa sila.
Honestly hindi ko pa napapasok sa utak ko ang mga sinabi ni Andry kanina. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon.
Magkaiba ang nararamdaman ng puso ko at ang sinasabi ng isip ko. Ang nararamdaman nang puso ko ay saya at kilig pero ang isip ko kabaliktaran ang sinasabi.
Isa pa naiisip ko si Jam. May crush din siya sa akin baka masaktan siya pero kasi mayroong spark kay Andry simula nong First day ng Camping.
Haystt... Hindi ko alam. Hindi pa ako makakapagdesisyon at makapag isip isip nang maayos ngayon.
Biglang tumunog ang cellphone. Tumatawag si Papa. Sinagot ko naman agad yun.
"Hi Daddy!". Bati ko
YOU ARE READING
2 Days and 1 Night
Teen FictionA love story that start in a simple Camp of the School. She registered the Camp and she didn't mean that she found her the one during their Activity or Camp. She really don't care about the famous of their school to the fact that she even don't know...