Hinila na ako ni Jaime papuntang practice room. Nagulat ako sa nakita ko.
May red carpet at May mga petals nang Red rose sa gilid gilid nakakalat. Ang ganda pero sino naman ang may pakulo nito?. Tinulak ako papasok ni Jaime sa Room buti nga hindi ako sumobsob sa sahig.
Tinignan ko siya nang masama at ngumiti lang siya sa akin. Haystt... Naiinis na ako sa kanya ah!. Inirapan ko siya.
"Akala ko ba manonood tayo nang Practice nila P--?" Hindi kona naipagpatuloy ang sasabihin ko nang may magsalita sa likod ko. Nakatalikod ako sa board kaya hindi ko kilala kong sino 'yun. "Walang Practice na magaganap". Napatingin ako sa nagsalita si Andry?.
What? No hindi pwede baka nagmamalik mata lang ako!. Naglakad siya papunta sa kinarorounan ko, agad akong napaatras nang hindi siya tumitigil sa paglakad kahit na nasa harapan ko na siya. Hanggang sa wala na akong maatrasan at nakarating na ako sa Pintuan.
Tatakbo na sana ako nang biglang nahila ni Andry ang kamay ko. Napalakas ang hila niya kaya napasobsob ako sa dibdib niya. Ansakit nun ah, bato ba siya?.Iniangat ko ang ulo ko at tinignan siya.
"Tatakbuhan mo pa ako? Ayaw mo nga akong kausapin sa chat. Ayoko mo pa akong pansinin dito sa school. " ang lungkot nang muka niya habang sinasabi yun. Bigla niya sinara ang pinto at nilock yun.
"Hindi kana makaka iwas pa sa akin. I tell you I won't let go home until you didn't take my apology" saad niya habang nakatitig sa akin.
" I need to go, May quiz pa ako" nagmamadali kong sabi at bahagyan tumalikod na sa kanya. Nakakailang hakbang palang ako nang hinila niya uli ang kamay ko at niyakap ako.
"Bat moko niyayakap?" Nakakonoot noo kong tanong. "Para hindi mo ako iwasan." Inilibot ko ang Tingin ko sa loob nang Practice Room at dun ko lang napagtanto na kami lang ang tao dito pati ang kaninang mga tao sa labas ay wala na, pati si Jaime wala na.
Malilintikan talaga sa akin yun mamaya. May praktis pang nalalaman ah. Humanda kang Jaime ka!.
" Wala kayong quiz, halfday ngayon may meeting ang mga Teacher kaya half day." saad niya habang nakayakap sa akin.
"Kanina pa ang lunch bat di inannounce?" Mausisa kong tanong. Diba dapat bago lunch nalaman na namin yun? Diba!.
Binitawan niya ako sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako habang nakakunoot ang noo niya.
"Bat dimo alam?, hindi ba sinabi sayo ni Jaime?. Lahat kami alam na half day ngayon at mukang ikaw nalang ata ang hindi" natatawa niyang sabi.
"Bat kong alam ko ba sa tingin mo andito pa ako ngayon sa harap mo?" Inis kong sagot. Seryoso!? walang nagsabi sa akin! Edi sana nakauwi ako nang maaga at pinapantasyahan na naman ang BTS sa bahay. Si Jaime talaga sinasabi ko sa kanya, malilintekan ko talaga yung babaeng yun eh.
"Sorry na, kaya kita pinapunta dito kasi diba sabi ko gagawin ko lahat para mapatawad mo ako. Kaya ito ginagawa ko na". Tinaasan ko siya nang kilay. " Look i know nagkamali ako, oo inaamin ko yun. I really really sorry Seikariana Lopez pls. Forgive me." Paghingi niya ng tawad.
Pinalo ko siya sa braso niya. "Ang dami mong alam Andry Klyzer Sanchez! May pa rosas ka pang nalalaman at red carpet. Pwede naman kahit bigyan mo lang ako ng BTS merch or ilibre nang fishball d'yan sa tabi tabi okay na." Saad ko. Napakamot naman siya sa ulo.
"I'm sorry again, hindi ko naisip yun. Pero nag effort naman ako oh" sabay turo sa mga petals.
"Oo na may effort kana".
YOU ARE READING
2 Days and 1 Night
Teen FictionA love story that start in a simple Camp of the School. She registered the Camp and she didn't mean that she found her the one during their Activity or Camp. She really don't care about the famous of their school to the fact that she even don't know...