CHAPTER 27

6.8K 218 51
                                    


"Hindi mo naman sinasabi na birthday mo pala sa twenty seven." naglalakad kami sa hallway nang 15th building para tignan ang result nang Final form exam namin. Lahat nang third year ay nagkakagulo para tignan ang mga score nila. 


"Kahit lumpia okay na ako don tapos painom ka narin." 


"Saan mo naman nalaman yun?" tanong ko.


"I have my source, baby." ngumisi siya habang hawak ang mga libro ko.


Tumitingin ako sa paligid dahil nakakasigurado ako na nandito sila Khiara para tignan ang result. Mukhang hindi niya napapansin na lumalayo ako sa kaniya nang bahagya baka kasi biglang lumitaw sila Zhep kung ano pa isipin.


"Ance!" napapikit ako nang mariin nang marinig ang boses nila. 


Unang lumingon si Ralston at halatang gulat ang reaksyon. Bigla siyang napausad nang itulak siya ni Rhia at pumagitan saming dalawa.


"Bakit may kasama kang aso?" inakbayan ako ni Rhia. 


"Aba! loko 'to!" tinulak din ni Ralston ito pero halatang mahina lang ang sa kaniya hindi gaya nang tulak ni Rhia kanina.


Nakita ko pang lumitaw sila Khiara at Zhep at may hawak na pagkain. "N-nakita niyo na yung result?" sila ang tinanong ko habang nag aaway sila Rhia at Ralston sa likod.


"Hindi pa ngayon palang, ang arte kasi ni Khiara sabi ko naman sa kaniya na huwag nang tignan masasaktan lang siya kapag nalaman niyang bagsak siya." 


Sumama ang tingin sa kaniya nito. "Khiara ang pangalan ko hindi Zhep kaya malabong bumagsak ako." 


"Gago ang sakit mo naman mag salita." umirap siya kay Khiara saka umakbay sakin. 


Kaming dalawa ni Zhep ang nauuna habang nasa gilid ko at nag-iisa si Khiara. At sila Rhia at Ralston naman ay nasa likuran at mukhang may pinag-uusapan. Hindi ko naman tinuon sa kanila ang pansin ko at nakikinig sa mga kwento ni Zhep sakin.


"Alam niyo ngayon ko lang naisip bagay kayong dalawa, ang cute!" tumingin si Zhep kila Rhia.


Nagkunot naman ang noo nilang dalawa at sabay na tinitigan nang masama si Zhep at mukhang makakapatay. "Fuck! nag-iisip ka pala, ngayon ko lang alam." sabi ni Rhia.


"Nakakadiri kang mag isip."Nandidiri siya. "Ayaw ko kay Hyria, doon ako sa pinsan mong nakasalamin." sumilip siya saka kinindatan ako. 


Nakita kong nagtaka ang mukha nila Khiara at tinitigan ako, mabilis na nagyuko ang ulo ko para itago ang mukha ko sa kanila.


"Hoy, hoy, hoy." dinuro siya ni Zhep. "Ralston tigil-tigilan mo ang pinsan ko kung ayaw mong ako pa bumili nang kabaong mo." umirap ito. "At ikaw naman Ance bakit namumula ka diyan mag-isa?"

Cover me, Detective (McMaster Series  #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon