CHAPTER 2

9.8K 248 98
                                    


"That's all for today, see you tomorrow!" 


Sabi nang huling Proffesor namin ngayong araw bago mag lunch time, Hindi sumagot ang mga kaklase ko at nag-unahan sa pag takbo, ako ang nahuli at ako ang tinitigan ni Proffesor. 


"See you tomorrow." sabi ko dito bago umalis. 


Walang naka asign na gagawin ngayon pero kailangan ko paring mag-aral. Nauna akong mag pasa nang project kaya maagang binigay sakin ang ibang mga answer key, pero hindi ko naman nagagamit iyon, iba parin kapag ako mismo ang nag sagot at hindi umaasa sa anong bagay.


Pumunta ako sa locker at ipinasok ang isang libro, wala kaming klase mamaya kaya panigurado sa Library lang ang punta ko, hindi na madalas pumasok si Trinity habang sobrang tahimik ni Khiara. Hindi na kami madalas mag kasabay maliban nalang sa pag-uwi. 


Bago ko isara ang locker narinig ko agad ang sigaw ni Rhia, nag-lalakad siya habang nakangiti at tila hinahangin ang buhok. Hindi ko iyon pinansin at tuluyang sinara ang locker, nauna ko nang kunin ang wallet ko dahil baka makalimutan ko nanaman.


"Hello, my pretty, pretty, pretty cousin." umakbay siya sakin.


"Ano nanamang kailangan mo?" tumaas ang kilay ko.


"Ito naman tinawag ka lang na pretty may kailangan agad?" hindi makapaniwalang tanong niya, nag lalakad na kaming dalawa habang naka-akbay parin siya.


"Nagiging mabait ang mga tao kapag may kailangan sila." 


"Mabait naman ako kahit walang kailangan ah." binitaw niya ang kamay sa balikat ko. "Ang sakit mong mag salita minsan, I mean palagi pala." 


Huminto na ako para diretsuhin siya kung ano ang sasabihin niya. Pag-hinto ko ay hinarap ko siya.


"Madami pa akong gagawin kaya kung may kailangan ka sabihin mo na."


Ngumiti ito na tila nahihiya, ngayon pa siya mahihiya. Napakamot siya nang ulo saka iniharap ang bag at may kinukuha doon.


"May gagawin kasi ako mamaya hindi ko masasagutan yung assignment."


"Kaya sakin mo papasagutan." 


"Fuck, you're so smart!" sigaw niya.


Huminga ako nang malalim saka nag krus nang braso. "One thousand, akin na." nilahad ko ang palad sa kaniya.


Biglang nanlaki ang mga mata niya. "The fuck? One thousand? isang libo agad? parang assignment lang naman ang sasagutan mo." 


Hindi ko naman siya pwedeng tulungan nang walang kapalit saka barya lang naman sa kaniya ang hinihingi ko, halos lahat nang pera niya sa camera at shopping niya lang naman sinasayang para naman medyo may kwenta sakin niya nalang ibigay bilang bayad sa pag tulong ko.

Cover me, Detective (McMaster Series  #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon