CHAPTER 16

6.5K 189 51
                                    

TW: violence.


Namumugto ang magkabilang mata ko sa pag-iyak, halos hindi maubos ang luha sa mga mata ko. Yakap yakap ko ang larawan ni nanay habang naka-sandal, suot ko parin ang damit na itim.


"Nay..." umiiyak na tawag ko at hinagkan ang larawan. 


Umalis na ang Ate ko at kinuha na sakin si nanay, hindi ko na alam kung saan ako lulugar ngayon. Wala na ang mga taong mahal ko, iniwan na nila ako, kung sino pa ang mga nangako sakin sila pa ang bumigo sakin. 


Wala kaming pambayad sa Hospital kahit sa mga kailangan ni nanay, pati sa burol kaya lahat ay sinagot nila SirJacobi, nag bigay din sila nang pera pero lahat iyon ay kinuha ni Mike, hindi siya sumama sa burol ni nanay kanina dahil hindi ko siya nakita. 


"P-paano na ako...." paos na sabi ko. 


"A-ano nang gagawin ko, wala na kayo."


"Mag-isa nalang ako." hindi ko magawang isipin ang nang-yayari sa buhay ko. 


Hinang hina ang mga mata ko pati ang buong katawan ko dahil sa labis na pagluluksa kay Nanay, halos hindi ako natulog, hindi ko kayang ipikit ang mga mata ko. Gusto kong hanapin si Ate, pero mas lalo ko lang binibigo ang sarili ko dahil hindi siya pumunta sa burol at lamay nang nanay. 


Hindi ko na alam kung saan ako kukuha nang lakas sa araw-araw, kinuha na ang lahat sa akin, at hindi ko maintindihan kung bakit sa daming tao sa mundo bakit ako pa ang napiling paglaruan nang tadhana, bakit ako pa ang kailangang mag-isa, bakit ako ang kailangang masaktan.


"Ance! ance!" sa pinto ako nakatingin nang marinig ang mga tawag. 


Alam kong boses ni Mike iyon pero hindi ako sumagot, wala din akong masasabi sa kaniya, panigurado ay lasing na naman siya ngayon, kahit sa huling araw ni nanay ay hindi niya man lang ito ginalang. 


"May pera ka ba diyan?" wala itong pang-taas at halatang galing sa inuman. 


Umiling ako bilang sagot. 


"Wala na bang binigay na pera yung lalaking mayaman, ang konti nang binigay, saan naman aabot yung sampong libo, sa sugalan palang ubos na agad iyon." yumukom ang kamao ko habang pinapakinggan siya, hindi ko magawang isipin na ganon ang takbo nang utak niya. 


"Y-yung pera nasaan na?" pagod akong tumingala.


Nakasandal siya sa pinto. "Bingi ka ba, kakasabi ko lang na ubos sa sugalan, tangina baka tama nga ang mga tao malas ka talaga." natatawang umiling siya. 


"P-pero hindi para sayo lahat nang pera na binigay ni Sir Jacobi," sabi ko. 


"Alam mo ikaw, ang damot mo." dinuro niya ako. "Para saan naman yun aber? masyado kang madamot, alam mo bang minsan lang ako makahawak nang ganong pera, malas at natalo." 

Cover me, Detective (McMaster Series  #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon