CHAPTER 1

17.4K 300 26
                                    

"Ance, wait lang! may sasabihin sana kami!" 

Nasa pintuan na ako at biglang napahinto nang tawagin ako, inayos ko ang sabit nang bag ko sa likuran saka hinarap sila.

Hindi ako nag salita at nag taas lang ng kilay, nag hihintay ako.

"Ikaw na, sabihin mo na sa kaniya."

"Bakit ako, si Alice nalang tutal siya ang tumawag."

Nag buntong hininga ako saka matamlay na tinitigan silang apat. Nag tuturuan pa sila kung sino ang kakausap sakin, madami pa akong dapat gawin at wala akong oras para sa pag-tuturuan nila.

"Duwag niyo ako na nga." nauna siya. "Hmm, gusto ka sana naming isali sa group, para dun sa project na pinapagawa ni Proffesor." pilit ang ngiti niya.

"Kaya kong mag isa gawin iyon." sagot ko.

Nag tinginan sila at mukhang may sasabihin pa. "Sure ka, I mean mahirap-."

"Kung wala na kayong ibang importanteng sasabihin aalis na ako." Nag hintay ako pero naka tahimik lang silang lahat hanggang sa lumalabas na ako nang silid.

Walang mahirap para sakin, lahat nang pinapagawa samin ay nakakaya kong mag-isa at walang tulong nang kahit sino. Hindi ko gusto ko ang humingi nang tulong sa kahit sino dahil pare-pareho lang ang mga tao, susumbatan ka sa mga bagay na ginawa nila para sayo.

Mas hilig kong tulungan ang sarili ko kaysa ang ibang tao, walang mahirap na bagay kung tutulungan mo ang sarili mong umangat, Aangat ka kahit walang taong hahawak sayo. 

"Hoy, tangina hintay!" 

Lumingon ako nang marinig ang boses ni Rhia, madalas ko siyang iwasan dahil hindi ako nakakapag-focus kung lagi ko siyang kasama, nauuwi sa pag-aaya lang ang sinasabi niya. Mag tatampo kapag hindi ako pumayag, wala akong gana sumuyo nang taong may sira ang ulo.

"May gagawin ka ba mamaya." bigla siyang umakbay sakin. "Wala naman siguro, sama ka namin club kami ni Zheppy mamaya." 

Inaasahan ko na nga ba ang sasabihin niya, hindi ako pwede dahil uuwi si Mommy sa bahay hindi ako sa condo uuwi, madalas silang nasa bahay lalo na kapag wala akong kasama, hindi ko naman talaga gustong nandon sila pero sila ang nag pupumilit. 

"Hindi ako pwede." lumalakad na ako.

"Broken si Khiara, bawal si Trinity tapos hindi ka pwede." nagkunot noo siya. "Sumama kana, ayaw kong buong oras na si Zhep ang makita ko, I told you mababaliw ako."

"Anong solusyon sa problema mo? huwag na kayong tumuloy kung ayaw niyo namang makita ang isa't isa." tinanggal ko na ang kamay niya sa balikat ko.

Nag lakad ako habang naiwanan siya. Mahilig sila na lumabas lalo na ang pag punta nang club, Sa totoo lang hindi ko gustong ginagawa iyon pero madalas nilang ipilit iyon at si Daddy ang nakiki-usap sakin na samahan sila para masiyahan naman daw ako.

Mas nasisiyahan ako kapag nakikita ko ang sarili ko na nangunguna sa lahat, iyon ang bagay na pagpapasaya sakin.

"Ito naman, parang hindi ka pinsan!" humabol siya.

"Diba may exam kayo next two days, bakit hindi ka mag review, mag basa, mag recall para kapag time nang exam niyo hindi ka aasa sakin." tahimik siyang napahawak sa dibdib na tila nagulat.

"Wow, sobrang seryoso mo naman. Bahala ka nga, mag sesend nalang kami ni Zheppy nang pictures, maiingit kayo!" umirap siya sakin saka tumakbo.

Cover me, Detective (McMaster Series  #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon