CHAPTER 22

6.7K 164 9
                                    

TW: harassment.


"Gumising ka!" naramdaman ng balat ko ang malamig na tubig. 


Pag mulat ng mata ko ay agad ko siyang nakitang nakatayo sa harapan, nanatili parin ang tali sa kamay, paa at ang takip sa bibig ko. 


Hindi ko na mabilang kung ilang araw na ako dito sa lugar na'to at sa bawat araw na dumadaan mas lumalala lang ang pagiging demonyo niya, araw araw at halos patayin niya ako nang buhay. Hindi ko na kayang titigan ang sarili ko, hindi siya nagpapigil sa araw araw na paghampas ng kahoy sa katawan ko at pag lubog sakin sa tubig. 


Kahit anong sigaw ko ay walang lumalabas na boses sakin, kahit anong pagmama-kaawa ko ay wala siyang naririnig minsan ay hinihiling ko nalang na hindi ako magising, at patayin niya nalang ako dito upang hindi ko na danasin ang sakit at hirap na pinaparamdam niya. 


"Napasarap ba ang tulog mo?" 


Nakasandal lang ang ulo ko sa pader at hindi tumitingin sa kaniya, mabilis niyang tinanggal ang takip sa bibig ko. Pumantay siya sakin, kahit titigan siya ng isang segundo ay hindi ko magawa. 


"Putangina kapag kinakausap kita sumagot ka." sinampal niya nang malakas ang pisngi ko. 


Hindi pa siya natapos at inangat ang mukha ko at hinigpitan ang hawak sa braso ko, nalasahan ko ang dugo ng labi ko sa lakas at laki ng kamao niya. 


"Mahilig ka talagang makipag-matigasan?" bumaon ang palad niya sa braso ko.


Wala akong lakas na natitira sa buong katawan ko kahit ang ipikit ang mga mata ko ay hirap na hirap ako. Pakiramdam ko ay tinanggalan ako nang lakas, halos pang-hihina nalang ang naramdaman ko, manhid narin ang katawan ko sa dami ng pasa at sugat.


"Hayop ka.." paos na bulong ko. 


Huminto ang tingin niya na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Pinagmasdan ko kung paano magalit ang mukha niya, pumikit ako nang mariin nang pigain niya ang malaking sugat sa hita ko. 


"Gustong-gusto mo talaga na nasasaktan ka." mas lalo niyang piniga ang sugat ko dahilan upang dumugo.


"Pakawalan mo na ako.."


Hindi ako makagawa nang kilos dahil sa mahigpit na pagkakatali nang paa at kamay ko. Habang nakapikit ako ay tumutulo ang luha ko at nagmaka-awa sa kaniya. 


"Paki-usap.."


"Hindi kana makakalabas sa silid na'to, habang buhay na kang titira dito." 


"Ano bang maling ginawa ko sayo? bakit mo kailangan gawin ang bagay na'to, halos pinakisamahan ka namin dahil iyon ang gusto ni nanay, nirespeto kita kahit hindi dapat, naging mabait ako sayo kahit gustong kitang patayin sa araw-araw na nakikita kita, gusto kong lagyan ng lason ang pag-kain mo, gusto kong saksakin ka ng patalikod, araw araw iniisip ko kung paano kita papatayin dahil ang mga gaya mo hindi na dapat nabubuhay dito sa mundo." kumuha ako nang lakas nang loob para ipamuka sa kaniya iyon.

Cover me, Detective (McMaster Series  #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon