CHAPTER 29

7.1K 190 30
                                    

Ilang linggo ang lumipas nang matapos ang school year namin. Nasa ibang bansa si Rhia habang hindi ko matagpuan si Zhep kapag bakasyon ay palaging nawawala si Zhep at paniguradong nasa bahay lang si Khiara ngayon. 


Maikling bakasyon lang para sakin ang tatlong buwan. May pasok man o wala hindi ko parin pwedeng kalimutan ang pag-aaral.


"Alis tayo next week?" sabi niya habang naka-sandal sa headboard ng kama at sinusuklay ang balahibo ni Cobra.


Naka-harap ako sa laptop at pinapakinggan lang ang pag-aaway nila ni Cobra. Napupuno nang kalmot ang katawan niya sa tuwing nakikipag-hamunan siya kay cobra. Ayaw kasi nito na may ibang lalapit sakin kahit si Ralston pa. 


"Bakit?" mahinang tanong ko.


"Anong bakit?" may pag-tataka ang tanong niya. 


Humarap ako sa kaniya at nakikitang mag kasundo sila ngayon ni Cobra. "Bakit tayo aalis?" 


Hindi ko alam kung galit ba ang kilay niya. "Hindi mo alam?" umiling ako. "So ako lang ang nakaka-alala na second monthsary natin sa 16? mapanakit ka talaga palagi alam mo yun akala ko pa naman alam mo? halos araw-araw akong nag-iisip nang plano tapos ako lang pala yung nag-mamahal sa relasyon na'to." madrama siyang bumalik sa pagkaka-sandal. 


"Google ka ba? ang dami mong alam." umirap ako. 


Kulang nalang hindi siya maniwala sa pinag-sasagot ko sa kaniya. "So hindi mo talaga alam?" 


Huminga ako nang malalim. "February 16, Visita Street, 8:09 pm, alam ko lahat." sinabi ko sa kaniya para tumigil na siya sa kaka-iisip na hindi ko alam.


Kusang nawala ang kunot ng noo niya at napalitan nang malaking ngiti. Nakita kong binagsak niya sa kama si Cobra at mabilis na pumunta sa akin at yumakap. 


"Sabi ko na nga ba patay na patay ka sakin pakipot ka lang." mayabang siyang tumayo sa harap ko na akala mo nanalo sa isang contest.


"Madalas hindi ako patay sayo." sagot ko saka sinipa siya para umalis sa harapan ko. 


Umaray nalang siya at hindi na nag-salita pa. Bumalik siya sa kama at nag-harutan silang dalawa ni Cobra doon. Hindi niya napapansin na nakayukom na ang kamao ko sa sobrang ingay niya hindi ako makapag-focus sa binabasa ko panay ang sigaw niya ang laman ng utak ko. 


"Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng mga mata mo." kausap niya kay Cobra. "Pero mas maganda yung girlfriend ko." 


Napahinto ako sa ginawa ko at ilang beses na umiling at i-alis ang boses niya sa utak ko. Minamasahe ko din ang panga ko para hindi ngumiti. Tumitingin ako sa oras at gabi na pero hindi parin siya umuuwi ngayon. 


Nang matapos ako sa ginagawa ko nag-banat muna ako ng katawan sa sobrang tagal nang pag-kakaupo ko. Pag-lingon ko ay hindi ko na napansin na nakahiga na pala siya at sobrang himbing nang pagkakatulog.

Cover me, Detective (McMaster Series  #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon