CHAPTER 40

8.2K 185 28
                                    


"Kailangan mo lang sagutin ang mga tanong ko." kinuha ko ang upuan saka umupo sa gilid niya.


Naka-tingin lang siya nang diretso sa ibang bagay hindi sakin. Para bang nag-iiwas siya nang tingin, kabastusan naman ang ginagawa niya hindi niya ba alam na pangit tignan na sa ibang bagay ka naka-tingin habang may kaka-usap sayo. 


"Hindi ako ang pumatay sa kaniya." inunahan niya na agad ako. 


I nodded at him. "Hindi ko naman sinasabi na ikaw ang gumawa." inabot ko ang briefcase at nilabas ang ibang papel. 


Tahimik lang siya. Hinahawak niya ang ibang naka-saksak sa katawan niya. Ang sabi sakin nang policewoman ay may tama daw siya nang isang bala sa tagiliran kaya siya dinala dito sa Hospital. 


"Mag-tatanong ako at simple lang naman ang gagawin mo kundi ang sumagot nang maayos sa bawat katanungan ko sayo." hindi niya man lang magawang tumango o kahit anong senyas na pumapayag siya. 


Mukhang wala talaga siyang balak sumagot. Hindi ko na hihintayin ang isasagot niya dahil baka abutin lang kami nang ilang taon bago marinig sa kaniya ang pag-payag. Sisimulan ko na at bahala siya sa buhay niya. 



"July 17, tuesday, At 8:00 am the police found the dead body of the victim." umpisa ko. "Kinausap din nang pulis ang dalawa pa, and they said na kasama ka nang gabi bago matag-puang patay ang biktima. Anong ginagawa mo sa unit ni Mr. Lance?" 


Nasa likod ko lang si Magnus at may hawak na papel at ballpen. Nanonood lang siya saming dalawa. 


Lumingon siya sakin. "Pumunta ako sa unit niya para kausapin siya dahil ang sabi niya may importante daw siyang sasabihin sakin." 


"Tungkol sa?" 


Pilit niyang iniiwas ang tingin. "Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin."


Tumingin ako kay Magnus na abala sa pag-susulat sa likuran ko. Bumalik ang tingin ko sa kaniya, para siyang wala sa sarili. 


"Anong oras ka dumating sa unit niya? anong ginawa niyo? sino-sino pa ang mga kasama niyo nang gabing iyon?" sunod sunod na tanong ko sa kaniya. 


"Maybe 9:30 pm or something, pag-pasok ko sa unit niya hindi siya ang sumalubong sakin kundi si Luijie. Ang sabi niya nasa kusina daw si Lance kaya pumasok nalang ako, nakita kong madaming alcohol drinks sa lamesa at nandon si Dave kausap si Lance nang mga oras na yun." seryoso ang mukha niyang sumasagot sakin. 


"Alcohol drinks? so you're telling me na lahat kayo ay lasing nang gabing iyon?" 


"H-hindi ko alam, wala na akong idea noong mga oras na yun ang huli ko lang na-aalala ay si Lance ang unang bumigay saming apat hanggang sa sumunod na ako pag-katapos non nagising nalang ako dito sa Hospital." 


Medyo nahihirapan siyang mag-salita at hinahawakan ang sugat. Sinilip ko si Magnus na patuloy lang sa pag-susulat nang mga importanteng detalye. Tumango nalang ako sa kaniya, mukhang hindi ito ang tamang oras para tanungin namin siya. 

Cover me, Detective (McMaster Series  #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon