CHAPTER 13

6.7K 163 17
                                    


"Zhep, zhep, please, let's talk!" sigaw ng lalaki. 


Hindi ko alam kung bakit hindi kami humihinto. Nasa unahan at nauunang nag lalakad si Rhia at Khiara habang naka-kapit sa braso ko si Zhep.


Napalingon ako sa likuran at tila nagmamaka-awa na ang lalaki. Nang titigan ko naman si Zhep ay para siyang walang naririnig, wala siyang pakialam sa sinisigaw nang lalaki. 


"Zhep, mag usap tayo." napahinto kami nang hawakan siya nang lalaki. 


Malakas na tinanggal ni Zhep ang kamay nang lalaki, nawala ang ngiti sa kaniya nang humarap dito. Nakita kong napahinto din sila Rhia sa harapan habang nakatitig lang ako sa lalaki. Hindi siya pamilyar.


"Ano bang problema mo?" naiiritang tanong niya. "Ano bang pag-uusapan natin?" 


"Gusto ko lang na mag-usap tayo, tayong dalawa lang." pilit na hinahawakan nang lalaki ang kamay niya. 


"Hindi pa pwedeng i-chat mo nalang." 


"Zhep, please seryoso ako." naka-kunot na ang noo nang lalaki. 


"Seryoso din ako nung sinabi kong hiwalay na tayo." ngumisi si Zhep saka tumalikod at hindi hinintay ang sasabihin nang lalaki sa kaniya. 


Hindi niya kami hinintay na nag lakad, nilagpasan niya sila Rhia na sobrang titig sa kaniya maski ako ay nakatingin sa kaniya. Hindi naman ako na-aawa sa lalaki dahil hindi naman mukhang matino kaya dapat lang na hiniwalayan niya. Pero bakit niya naman kasi pinatulan?


"Sabing mag-usap tayo." tumakbo ang lalaki papunta sa kaniya. 


Hinawakan niya nang mahigpit ang kabilang braso ni Zhep at nakita kong nasasaktan ito. Pilit niya inaalis iyon pero hindi magaganda ang titig sa kaniya nang lalaki. 


"Hindi mo ako binigyan nang rason tapos sasabihin mo hiwalay na tayo." sigaw nang lalaki sa kaniya. 


"You act like you own me and I fucking hate that, and you're not a good kisser and you're so protective, you don't have the right to tell me to change my clothes just because you hate it and last one, I don't like you. Now, you know so let me go!" hindi makawala si Zhep sa hawak nang lalaki. 


Nang lumapit sila Khiara ay sumabay ako. 


"Ang sabi niya hindi ka niya gustong maka-usap, and no means no." ako ang nag tanggal nang kamay niya sa pagkakahawak kay Zhep. 


Sinamaan niya ako nang tingin at balak kunin ulit si Zhep. Akma niyang gagawin iyon nang bigla siyang napatingin kila Rhia at Khiara na sobrang sama nang tingin sa kaniya, naka yukom na ang kamao ni Khiara habang nakangisi sa kaniya si Rhia. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya. 


"Are you fine?" biglang lumapit si Rhia at hinawakan ang kamay ni Zhep. 


Cover me, Detective (McMaster Series  #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon