CHAPTER 19

6.5K 189 39
                                    

"Ayos ka lang ba?" panay ang tanong niya sakin non habang nag mamaneho siya.


Sobrang tahimik ko kahit ang mag salita ay hindi ko ginagawa tuwing mag tatanong siya ay panay lang ang tango ko at hindi naman siya nag rereklamo doon.


Nasa utak ko parin ang naging reaksyon ko kanina. Iyon ang unang beses na makaramdaman ulit ako ng sobrang takot sa katawan. Habang nasa ilalim ako ng tubig ay wala akong ibang marinig maliban sa boses ng isang batang nang-hihingi ng tulong at pilit na nag mamaka-awa.


Nakatakip sakin ang towel niya, hindi ko naman itatanggi na nilalamig ako ngayon. Nanginginig ang kamay ko pero pilit ko nalang iyong tinatago para hindi niya mapansin. Seryoso kasi siyang naka-tingin sa daan, mabagal lang ang pag-aandar niya.


Ang sabi niya kanina may condo siya so hindi siya sa magulang niya nakatira. 


Huminto ang sasakyan niya, tinignan niya muna ako saka ako biglang nag tagal nang seatbelt hindi niya naman sinabi na nandito na pala kami. Halos sabay lang kaming lumabas ng kotse, dumiretso agad siya nang lakad na siyang sinundan ko.


"Sorry ulit sa nangyari kanina." Pagsasabi niya habang nasa elevator kami.


"Ayos lang." dapat lang na mag sorry ka.


Ewan ko kung ako lang ang nakakaramdam na sobrang bagal nang elevator o baka naman sa taas pa talaga ang condo niya. At sa wakas bumukas na din, pag bukas ay pinauna niya akong lumabas. 


Huminto kami habang pinindot niya ang passcode at saka bumukas ang pinto. Ngumiti siya sakin, hindi muna ako agad pumasok dahil madalim at hinayaan ko siyang mauna, tutal condo niya naman 'to.


"Come inside." sabi nito.


Napatango ako saka sumunod. Nang makita ko ang kabuohan ng condo niya at parang nasa isang bahay narin ako sa sobrang laki non, umiikot pa ang mata ko ng bigla niyang buksan ang mga ilaw, nanlaki ang mata ko nang puno ang bawat gilid, parang isang pamilya ang nakatira dito, hindi ko nalang pinakita sa kaniya na humanga ako sa linis ng condo niya.


Lumapit siya sakin saka kinuha ang towel sa balikat ko. 


"Pwede kang umupo kung gusto mo," nginusuan niya ang sofa. "Dahan-dahan ka lang baka mahulog ka, sa may ari ng condo." ngumisi siya saka tumalikod sakin.


Palihim nalang akong umirap sa sinabi niya, mas malaki ang condo niya sa condo ko dahil may second floor ang sa kaniya, sobrang linis at linaw, pero hindi halata kapag siya ang tititigan. 


"Tara." bumalik siya at wala na ang towel. "Madami akong damit na baka pwede sayo, mukhang nilalamig kana."


"Hindi na ikaw nalang kumuha." naka-upo ako.


Pumamewang siya. "Aba! inutusan pa nga." 


"Ikaw ang nag-aya sakin dito saka ikaw naman din may kasalanan kung bakit ako nabasa kanina." walang emosyong panunumbat ko sa kaniya. 

Cover me, Detective (McMaster Series  #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon