CHAPTER 23

6.7K 174 9
                                    

"Kung ako sayo lalabas na ako dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." 


Naka-tago ako sa ilalim likod ng pinto at takip-takip ang bibig ko upang hindi ako makagawa nang kahit anong ingay para marinig niya. 


Malakas ang pagkakatulak ko sa kaniya kaya dumudugo ang ulo niya at galit na galit siya ngayon. Gumapang lang ako papunta sa pinto nang sandaling natuwad siya. Wala na akong iba pang alam na pagtataguan ko. 


Tanaw na tanaw ko siya hawak ang makapal na kahoy, umiikot ang tingin niya sa silid upang hanapin ako, walang ilaw at gabi na kaya wala na kaming maaninag nang maayos. Pigil na pigil ang sarili kong umiyak.


Nakayukom ang kamao ko. Kahit anong oras ngayon ay sasabog na ang pag-iyak ko sa labis na takot na nararamdaman. Masyadong mahina ang katawan ko para gumawa ng kilos at tumakbo wala akong ibang magagawa kundi ang mag tago sa kaniya. 


"Gusto mong mag-laro? pagbibigyan kita pero kapag nakita kita ito na ang huling araw mo sa mundo." 


Kinagat ko ang kamay ko nang sobrang diin. Hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta sa oras na makita niya ako ay nakakasigurado akong hindi siya magdadalawang isip na saktan ako at patayin. 


"Ance, labas na! huwag mong hintayin na mapuno ako sayo!" nag simula nang mang-gigil ang tono niya. 


Tinakpan ko ang aking tenga nang malakas niyang hinampas ang kahoy sa pader. Ilang hakbang nalang ay malapit na siya sakin. 


"Gusto mo talagang sumunod sa nanay mo?" 


Wala na akong ibang nagawa kundi ang mag dasal para sa kaligtasan ko. Kitang kita sa mukha niya ang labis na pag-pipigil nang galit. May iba pang kayang gawin si Mike sakin, hindi na siya tao mas masahol pa siya sa hayop. 


"Huwag mo na akong pahirapan pa dahil sa huli mamamatay ka din naman." nasa tapat ko siya


Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang makita ang bagay na hawak niya sa kabilang kamay, isa iyong matalim na kutsilyo. Matindi ang pag-kakahawak niya non, mas lalong lumabo ang mga mata ko nang tumulo ang luha sa aking mata. 


"Huli ka!" binuksan niya ang pinto at pareho kaming nag titigan. 


Parang huminto ang mundo ko nang makita ko siya, hindi ako nag dalawang isip na tulak niya upang makatakbo ako, pumunta ako sa pintuan at mabilis iyon na binuksan, pero nakasara iyon. Umikot ang mata ko wala na akong ibang lalabasan maliban sa pinto na ito. Wala na akong kawala. 


"Masyado kasing matigas ang ulo mo, pwede ko pa naman sanang habaan ang buhay mo." paglingon ko siya nasa harapan ko na siya. 


Binitawan niya ang kahoy at tinutok sakin ang hawak niyang patalim, sa dulo palang noo ay kita na ang tulis at talim. Pumikit ako nang mariin nang dumikit sa leeg ko ang dulo nang kutsilyo. 

Cover me, Detective (McMaster Series  #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon