Buong week wala kaming ginawa kundi ipakilala ang aming mga sarili at siyempre nag lesson na rin sila agad. Ganyan naman talaga sa university namin palibhasa isa sa mga pinaka magaling na school sa lugar namin.
Mag hapon na ako nakahiga dito sa kama ko hindi alam kung ano gagawin kanina pa ko palipat lipat sa social media Facebook, Twitter, IG, Youtube and so on argh! sobrang boring ng araw na 'to.
Habang nanonood ako biglang pumasok si kuya sa kwarto ko "Ihna gusto mo bang sumama?" Napatingin agad ako sakanya siyempre may magagawa na ako ngayon! omg! "Saan?" Tanong ko sakanya.
"Court mag babasketball kami ng mga tropa ko" Ano ba 'yan! ang boring basketball? buti sana kung nandon crush ko eh! "Ayoko mainit sa labas kayo na lang hehe" Sabi ko. Tamad talaga ako lumabas pag mainit lalo pa sa court ayokong mabilad sa araw noh!
"Ayain mo na lang mga kaibigan mo dito sa bahay aalis din si mommy wala kang makakasama" Tila nag hugis puso ang aking mga mata! Omg! I can invite my friends! Kung alam niyo lang ayaw na ayaw nila na may bisita dito sa bahay gusto kasi nila tahimik lang.
Pero kung magpapaalam naman ako papayag sila ang kaso pati ako tamad magdala ng mga kaibigan dito hehe ayokong kumilos kasi you know.
"Invite ko na lang mga kaibigan ko kuya ingat ka bobo ka pa naman" Pang tatrash talk ko sakanya minsan kasi lampa si kuya isa 'yan sa dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong manood ng basketball naiiyak ako kada may nakikitang nadadapa o nasasaktan yung malapit sakin.
"Ewan ko sayo, Wag kayo mag gugulo dito sa bahay ah? at lalong lalo wag kang mag papa pasok sa kwarto! subukan mo lang ihna kakaladkarin kita papuntang court malaman laman ko lang wag mo akong subukan" Pagbabanta ni kuya ang kulit ng imagination neto! Ang wild as if naman may dadalhin ako sa kwarto ko eh wala naman akong boyfriend! omg lang!
"Kuya pag sabihan mo ako nyan kung may boyfriend ako! Kaya safe ka pa kasi wala okay?! Sana pag uwi mo may girlfriend ka na hindi puro ako yung napapansin mo grrr!" Asar kong sagot sakanya at tinulak na siya palabas ng kwarto ko naka alis na rin pala si mommy kanina kaya nang maitulak ko na si kuya sa labas ay agad akong lumundag sa kama ko at kinuha ang phone.
Kailangan ko nang i chat ang mga kaibigan ko magsisipuntahan naman ang mga 'yon dahil minsan lang ako mag aya dito sa bahay namin alam nilang maarte ako kaya g agad sila at siyempre hindi rin sila mapirmi sa isang lugar!
"Hoy pumunta kayo dito sa bahay now na moma tayo at foodtrip" Pagkatpos kong itype 'yan ay sinend ko na agad sa gc namin.
"Himala ata 'yan? may sakit ka ba? pota Ihna nang iinvite bago yan oyt!" Reply ni Cole saakin na sinundan agad ni Yuki "Otw na nangiginig nginig pa"
Ang OOA talaga nila kung mag react! Sila Sav naman ay sumang ayon lamang. Papunta na sila at eto ako nag aayos ng mga gamit na baka mabasag nila ang clumsy kasi nila minsan ang haharot kasi.
Habang naglilinis ako ay biglang tumunog yung doorbell namin. Baka nandito na sila kaya lumabas ako agad pero nung pagkalabas ko nanlaki ang aking mata dahil si Ken ang nasa labas ng gate!
"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ko sakanya! Bakit siya nandito? Ano ba naman 'to! "Hello bebe baka nakakalimutan mo nasa gc din ako at tatlong street lang layo ng bahay mo sakin?" Sabi niya at ang walang hiya ay dirediretso kung pumasok!
Ang kapal talaga ng mukha niya! Feel at home na feel at home?! "Edi sana nakisabay ka na lang sa iba! ang awkward naman kung tayong dalawa lang ang nandito ngayon!" Pag rarant ko sakanya na hindi naman niya binigyan pansin.
"Naglilinis ka ba?" Shit! bigla kong nakalimutan na naglilinis ako! Argh! Hindi ko man lang tinignan yung sarili ko sa salamin! Bwisit talaga! "Oo kaya nga istorbo ka eh!" Sabi ko at pumasok na sa loob ng bahay.
"Ano 'yang binubuhat mo? tulungan na kita" Argh! Hindi ba pwede na umupo na lang siya sa isang tabi at ilibang ang sarili sa ibang bagay?! Nakaka stress na ha! "Wag na manood ka na lang dyan stop being so annoying!" Inis na sigaw ko sakanya.
"Luh naninigaw inano kita? mabigat kasi yan kaya tutulungan na kita wag ka nang kiligin haha" Akala niya ba kinikilig ako?! Na iilang ako dahil kaming dalawa lang ngayon ang nasa loob ng bahay namin!
"Whatever do as you please! Ingatan mo yang mga 'yan kundi lagot ka kay kuya!" Pinabayaan ko na lang siya kesa sa makipag talo pa tama naman siya mabigat 'yon at para na rin may sense ang pag punta niya ng maaga!
"Okay master! Saan ko 'to ilalagay? dito ba?" Tanong niya sakin kaya napatingin ako sakanya at itinuro kung saan ang pwesto nito.
Nang mailagay na niya nag umpisa naman siya mag walis oh so he knows how to clean huh? "Nag lilinis ka ng house niyo?' Tanong ko sakanya bihira lang kasi sa lalaki ang kusang naglilinis ano! "Oo hindi naman kasi pwede na babae lang kikilos eh madali lang din naman 'to bakit?"
Sagot niya nang hindi tumitingin sakin hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula na ulit maglinis. Nang matapos na kami mag linis pumunta ako sa kitchen para sana mag luto ng pagkain ko pero dahil tinulungan niya ako idadamay ko na rin siya.
"Kumain ka na ba?" Tanong ko sakanya na ikinabigla naman niya anong nakakagulat sa tanong ko?! "Awts pa fall" Sagot niya sabay tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Haha eto naman galit agad hindi pa nung nabasa ko kasi chat mo naligo at tumakbo na ko papunta dito baka kasi wala kang kasama eh" Pagpapatuloy niya sa sagot niya kaya nag umpisa na 'ko magluto ng ulam namin.
"Whatever manood ka na muna dyan magluluto lang ako" Sabay irap sakanya kanina pa kasi siya nakatitig sakin! Eh ang dungis dungis ko na huhu major turn off pa naman daw sabi ni kuya!
"Mas gusto kong panoorin ka hehe" Banat nanaman niya hindi ko na lang ulit siya pinansin at tinapos na ang pagluluto. Nang matapos na ako inihain ko na agad ito sa table namin at siyempre nag start na kami kumain nang walang imikan!
YOU ARE READING
Never Enough
Teen Fiction"What's the saddest word in english language?" My prof ask us so i raised my hand and answer his question. "Almost" Kumunot ang kanyang noo at tinanong ako kung bakit. "I was almost good enough. He was almost inlove with me. I almost survived. We...