10

8 2 0
                                    

Pauwi na kami ngayon, Nag tagal kami sa starbucks kanina dahil na rin sa pagod kaya nag pahinga muna kami duon. Lalo na si Ken na bida bida at bigay todong sumayaw sa may gitna ayan si tanga pagod na pagod habang nag papahinga kami kanina pinag usapan namin yung mga activities namin sa school.

Parehas kaming naeexcite sa Intrams siyempre wala kaming klase puro laro lang, Last year kasi hindi ako nakapag intrams umalis kami nila Kuya eh. Pumunta kami sa bahay ng lola ko at duon nag stay pwede naman kasi hindi pumasok hindi rin kasi nag hahanap ng attendance yung mga prof namin.

Kaya madalas kulang kulang talaga mga estudyante sa unviersity namin hindi ko rin sila masisisi kung mas pipiliin nila mag chill sa labas kesa sa loob ng school grabe hanggang ngayon pagod pa rin ako punyetang ken na 'to walang ibang ginawa kundi hilain ako akala mo bata eh.

"Hoy ano iniisip mo? pa share naman" Pang eepal niya kaya sinamaan ko siya ng tingin to be honest i didn't know na mag eenjoy pala ako kasama siya kahit dalawa lang kami "Ang damot naman" Sabi niya tsaka kamot ng ulo.

"Ang chismoso mo naman!" Pambabara ko sakanya bigla na lang bumalik yung pagiging makulit niya ngayon hindi ko alam parang mas gusto ko na lang na hindi niya ko pinapansin eh!

"Because sharing is caring ano nga?" Pangungulit ulit niya ano ba naman 'to ano sasabihin ko siya yung iniisip? Baka umasa nanaman grr! "Si Joshua" Sagot ko na lang sakanya sabay kibit ng balikat.

"Ah di na pala ako interesado" Ani niya sabay lakad ng mabilis moody talaga netong isang 'to! Problema niya? hmp! hindi ko na lang siya pinansin at nag lakad na lang rin ng mabilis kung kaya't nalagpasan ko siya onti na lang naman malapit na kami sa bahay namin eh.

"Hoy hintayin mo ako!" Sabi niya sabay habol sakin at dahil nga nainis ako sa pagiging moody niya mas binilisan ko pa lalo yung lakad ko mukha tuloy akong tanga, Para na 'kong tumatakbo nakakainis naman kasi eh! Akala mo lagi siya maiintindihan amp!

"Whatever umuwi ka na i can manage!" Sigaw ko sakanya dahil nasa street na namin kami pero parang wala siyang narinig kasi hinila niya ako at patakbong lumapit sa harap ng bahay namin. "Problema mo ha?" Hindi ko na natiis sarili ko.

Kaya tinanong ko na siya, Baka kasi mamaya hindi nanaman ako neto pansinin sa mga susunod na araw! Akala mo naman ang gwapo gwapo niya para gawin 'yon sakin! "Bat kabado ka?" Sagot niya tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi talaga siya marunong makipag usap ng maayos!

"Hindi sa kabado ako pero may saltik yang utak mo eh, Tignan mo nagagalit ka ng walang dahilan! tapos hindi ka nanaman mamamansin! Anong problema mo? inaano ba kita? nakakainis ka na ah! Akala mo pogi ka ha? Panget mo oy!" Tuloy tuloy na pag rarant ko sakanya.

Bakit ko pa pipigilan? Eh sa napuno na niya ako! "Oh ano? bakit ka nakangiti dyan? Nakaka bwisit yang ngiti mo ah! Tigilan mo ako Ken!" Gigil na sigaw ko sakanya parang tanga naman kasi! Sumabog na 'ko lahat lahat naka ngiti pa rin si gago!

"Wala cute mo eh, Ayaw mo ba na hindi kita pinapansin? Sorry umiiwas lang ako kasi meron ka nang Joshua" Sabi niya kaya mas lalo ako nainis! Ano naman kinalaman ni Joshua?!

"Ano naman kinalaman ni Joshua satin ha?! Sabihin mo lang kasi kung ayaw mo na 'kong maging kaibigan! Ang sama ng ugali mo ah!" Natawa siya bigla sa sinagot ko sakanya kaya na napatigil ako at kinaltukan siya! Wala na 'kong pake kung matangkad siya!

"ARAY! Bakit ka ba galit na galit? dati naman wala kang pake kada hindi kita pinapansin ah?!" Naiinis na niyang sabi sakin na ikinatigil ko bakit nga ba? Hindi ko rin alam! Binigyan nanaman niya ako ng dagdag na isipin! Kahit kailan talaga oh!

"Wala kasi kaibigan kita ha? Gusto mo talaga to make things awkward ano? Wanna die?!" Hindi na ata kami matitigil sa sagutan eh! Tumawa na lang siya ng malakas at tinulak ako palapit sa gate namin.

"Wag ka nang magalit sige na hindi na kita hindi papansinin pumasok ka na gabi na oh" Naka ngiti niyang saad at dahil gabi na rin naman nag pa-tulak na 'ko sakanya. Buti na lang talaga taga kabilang street lang namin siya.

Kaya ako napapapayag na ihatid niya. Pumasok na 'ko sa gate ng naka simangot at siya naman ay todo tawa at kaway sakin ngayon "See you tomorrow Ihna!" Sabi niya habang naka ngiti at tsaka umalis papauwi sakanila.

Napangiti na lang din ako sa inasal nita nang makaalis na siya. "At bakit ka nakangiti?!" Napatalon ako sa gulat nang biglang may nag salita sa likod ko! Omygosh! "KUYAAAA!" Hiyaw ko sakanya! Kanina pa ba siya dyan or what?! Omygosh talaga!

"BAKIT KA NANDYAN AT BAKIT KA NANG GUGULAT?! ANONG PROBLEMA MO?!" Sigaw ko sakanya habang hawak hawak yung dibdib ko kung may sakit lang ako sa puso kanina pa 'ko inatake dahil sakanya!

"Ano? kanina pa kita kinakalabit ilang minuto ka nang nakatulala dyan kasalanan ko pa?" Sagot niya pabalik hinampas ko na lang siya at tsaka pumasok na sa loob ng bahay namin "Naka uwi na ang pinaka maganda't mabait mong anak!" Sabi ko nang makapasok na.

Dumiretso ako sa kwarto ko dahil busog naman na 'ko at tsaka inisip yung nangyari kanina. Unang beses lang namin ni Ken umalis ng walang kasamang kaibigan. Hindi ko inaasahan na mag eenjoy ako.

Kung alam ko lang na mas nakaka enjoy pala na siya lang kasama matagal ko nang ginawa eh! Wtf am i thinking?! No way! I rather come with Joshua! Tumunog bigla phone ko kaya tinignan ko ito at kinuha.

"Ken Velasquez tag you on photo" What did he upload? Hindi ko muna ito chineck dahil tumayo at at nag hilamos muna. Makakapag hintay naman 'yan at siguro picture lang yan kanina sa timezone! Kuha siya ng kuha ng litrato duon eh!

Lumabas na lang ako sa CR nang matapos na 'ko mag skin care at tuloy tuloy pa rin ang tunog ng phone dahil sa notification na pinost ni Ken. Kinuha ko phone ko at tsaka binuksan ang Facebook halos maibato ko na 'to sa nakita ko! KEN! WTH!

Never Enough Where stories live. Discover now