09

3 1 0
                                    

Nag walk out si Ken hindi ko alam kung napikon ba siya sa sinabi ko o hindi, Eh sa nakita ko nga siyang may kausap na babae kanina bakit kailangan mag walk out kung hindi naman pala totoo? Hmp.

Minsan talaga hindi ko na maintindihan yang si Ken eh. Madalas na siyang tinotopak ngayon nag umpisa 'yan umakto ng ganyan simula nung niyaya ako ni Joshua lumabas tss. Ano kaya problema niya? Hindi talaga ako sanay na ganto siya.

Parang ang tamlay tamlay niya may problema kaya 'yon sa bahay nila? Or malungkot ba siya tapos ayaw niyang sabihin yung dahilan saamin? Ang lalim nanaman ng iniisip ko kaya hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.

Nandito kami sa food court sa mall nag ka ayan kasi yung barkada na gumala na muna hindi ko na napapansin yung mga nakapaligid sakin kaka isip kay Ken. Nga pala hinatid ako ni Joshua dito pero hindi na 'ko nag pasama sakanya kasi inaasahan ko na kumpleto na lahat bago ako makarating kaso mali pala, Hanggang ngayon wala pa rin sila!

"Ano iniisip mo? tahimik mo may sakit ka ba?" Nag aalala na tanong ni Ken kaya napatingin ako sakanya at tsaka ngumiti sobrang caring niya talaga maging kaibigan. "Wala i'm just thinking" Sabi ko sakanya at tsaka ko pinatong yung ulo ko sa mesa. Inaantok din kasi ako.

"Inaantok ka ba?" Tanong niya ulit kaya iniharap ko yung ulo sa sa side niya tumango ako at tsaka pinikit ulit yung mga mata napuyat ako kagabi kaka basa ng kung ano ano tapos si Joshua pinapakilig ako kaya lalo ako hindi nakatulog. "Gisingin na lang kita pag nandito na sila" Sabi niya kaya itinuloy tuloy ko na yung idlip ko.

Isang oras ata akong nakatulog bumangon ako mula sa pagkakayuko ko kanina nagtataka kasi hanggang ngayon wala pa rin yung mga kaibigan namin, Si Ken naman nasa tabi ko pa rin nag lalaro ng NBA "Asan sila? wala pa?" Nagulat ata siya kasi gising na 'ko napatigil siya sa paglalaro eh.

"Hindi raw sila makakapunta sinabihan ko na nga sila na nandito na tayo pero sabi nila tayo na lang daw muna ang gumala ngayon" Sagot niya sakin kahit kailan talaga yung mga kaibigan namin kung hindi late mga talkshit naman. Napatango na lang ako kay Ken hindi alam ano sasabihin kasi na hahighblood ako sa tropa namin.

"Gusto mo na bang umuwi? ihahatid na kita o baka may lakad ka pa?" Tanong niya sakin umiling ako wala naman akong lakad ngayon busy si Joshua may gagawin daw at tsaka nandito na kami ayos lang naman sakin na gumala kaming dalawa ngayon.

Wala namang malisya eh. Magkaibigan lang kami para na rin siguro malaman ko kung ano yung bumabagabag sakanya. "Wala akong pupuntahan ngayon wala kaming lakad ni Joshua why? meron kang lakad?" Baka may lakad siya kaya tinanong niya ako pwede naman niya 'kong iwan dito.

"Wala rin tara tayo na lang?" Sabi niya kaya tumango ako at tsaka ngumiti umalis na kami sa food court at umakyat na sa pinaka taas ng mall para mag laro sa timzone. Eto lang naman yung lagi naming pinupuntahan eh. Para kaming bata na naglalaro ngayon halos lahat ata ng games nilaro namin.

Andito kami ngayon sa Just Dance tawa ako ng tawa kasi si Ken bigay todo kung makasayaw ngayon ang daming tao na nanonood sakanya nakakahiya! yung iba vinivideohan pa siya! Hindi ko naman sila masisisi gwapo si Ken tapos talented.

"Ate boyfriend mo?" Nabigla ako sa nag tanong at tsaka ngumiti "Hindi" sabi ko at pinanood na ulit si Ken na nagpapasikat sa gitna. "Bagay kayo" Sabi ng mga babae bago umalis mga kinikilig pa. Ang daming nag sasabi na bagay kami pero hindi ko naman makita 'yon.

"Galing ko 'no?" Sabi ni Ken nang makabalik na siya dito sa harap ko wala na ring mga tao kasi tapos na siya sumayaw for sure kalat nanaman sa fb 'tong video niya ilang beses na nangyari 'to kaya sanay na rin ako. "Umay" Sagot ko tsaka naglakad na papasok sa starbucks.

"Awit 'yon pre ang galing galing ko nga sumayaw tapos ang daming nanonood sasabihin mong umay?! Asan hustisya don?" Pag rarant niya sakin na parang bata gustong gusto niya talaga na pinupuri ko siya! Hindi ko nga ginagawa eh kasi alam kong lalaki yung ulo niya!

Malaki na nga papalakihin ko pa ba ano siya swerte?! Magisa niya! "Nakaka umay naman kasi talaga eh, Honest lang" Sagot ko pabalik sakanya at tsaka siya inirapan. Inirapan lang din niya ako! Ano ba 'to bakla?! "Umorder ka na libre mo 'ko" Sabi ko sakanya at tsaka ngumiti ng malapad. Hindi ako matatanggihan neto pag ganto eh.

"At saan mo naman nakuha yang kakapalan ng mukha mo para magpa libre?" Nang lulugi niyang tanong sakin na ikinatawa ko HAHAHA! He's so funny ngayon lang kasi ako nagpalibre sakanya lagi ko siyang tinatanggihan dati kasi alam kong may feelings siya noon saakin.

Ngayon naman wala na right? Kaya pwede na 'ko magpalibre. "You don't like me naman na kaya nagpapalibre na 'ko sayo" Ani ko tsaka ako nag make face sakanya na ikinatawa niya. "Panget mo pala" Sabi niya tsaka siya tumayo at nag order!

What the fuck? Did he told me that i'm ugly?! Mamaya siya sakin wag lang talaga siya umupo sa harap ko lalo na't sa tabi ko kung hindi sasabunutan ko siya ng bongga pa sa bongga! Damn this asshole! Binuksan ko facebook ko para i check kung nag message ba yung mga tropa namin.

Ni isa sakanila hindi nakapunta sobrang nakakapag taka lang kasi nagka sabay sabay sila na hindi pinayagan so parents namin ni Ken hindi strict ganon? tss. "Oh nakabusangot nanaman mukha mo" Sabi ni Ken sabay abot niya ng inumin ko.

Sinamaan ko siya ng tingin hindi porket naka order na siya ay hindi ko makakalimutan na sinabihan niya ako na panget wow! Coming from him pa talaga?! "Mukha mo busangot" Sagot ko sa sinabi niya. "Luh ate chona ka girl?" WTH! hindi ko na napigilan sarili ko na sipain siya.

"Aray! Ano problema mo? sakit non ah!" Sabi niya habang hawak hawak yung paa niya. "Anong panget sinong panget?!" Bwisit na bwisit kong tanong sakanya huh! Kala niya dyan! "Ikaw?" Natatawa niyang sabi.

"Ah ganon? panget ako pero ang tagal mong nagka gusto sakin? di porket di mo na 'ko gusto sasabihan mo na 'ko nyan ha!" Gigil na sabi ko sabay sipa ulit sakanya kasi natatawa siya ngayon sa itsura ko!

"Cute. kung alam mo lang"

Never Enough Where stories live. Discover now