08

4 1 0
                                    

Hinila niya ako papalapit sakanya... Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko hindi ba't dapat na mainis ako? Pero bakit ganon? Hindi ko magawang mainis o magalit sakanya...

"Tapos na yung oras" Sabi niya saakin at tsaka niya ako binitawan. Napatango na lamang ako dahil nag hihiyawan na yung mga kaklase namin. "Hoy si Joshua nanonood!" Sigaw ng isa sa kaibigan ko kaya lumayo na 'ko kay Ken.

Tumingin ako kung saan naka pwesto si Joshua at naabutan ko siyang nakatitig saakin ano kaya ang nasa isip niya? nag seselos ba siya? Ayokong magselos siya saamin ni Ken dahil magkaibigan lang naman kami.

Nginitian ko siya at tsaka ako nag sorry ngumiti lang siya sakin pabalik at iniwas niya yung tingin niya sakin papunta kay Ken. Hindi naman niya aawayin si Ken hindi ba? Ginawa lang naman ni Ken 'yon kasi tapos na yung oras walang masama doon.

At magkaibigan nga lang talaga kami over my dead body hinding hindi ako magkaka gusto sakanya mahalaga sakin ang isang tropa ayokong mawala yung friendship namin at mukhang mas maayos kami kung hanggang magkaibigan na lang..

"Chansing ka pre!" Sigaw ni yuki kaya napatingin ako sakanya at pinandilatan ng mata ayoko ngang mag ka issue! hindi man lang ba niya naisip na may Joshua na 'ko?!

"ulol pre hindi tapos na kasi yung oras" Paliwanag ni Ken sakanya hays buti na lang talaga may dahilan siya kasi kung wala baka masipa ko siya sa mukha.

"Tsaka bakit ako mang chachansing di ko na siya crush boy" Dagdag niya pa kaya nagulat lahat ng nandito ngayon ayos lang naman sakin mas okay talaga na magkaibigan lang kami.

I'm happy that he doesn't like me anymore at least ngayon komportable na 'kong kausapin siya lalo na ishare yung kilig ko sa barkada hindi na 'ko mag dadalawang isip dahil lang may masasaktan diba.

"Woah! That's good!" Sabi ko sakanya sabay apir wala ang saya ko lang mahirap kasi kumilos pag may tropa kang may gusto sayo. Nginitian niya ako tapos umalis na siya.

"Hindi ako naniniwala" Sabi ni Sav kaya inirapan ko na lang siya tsaka lumapit kay Joshua. "You're good!" Bati niya sakin kaya nag blush ako tsaka nag thumbs up sakanya.

"You're also good" Ganti ko sa papuri niya ang gaan ng feelings ko ngayon kasi pwede ko na siyang harutin nang walang iniisip na baka may magselos.

"At first i'm jealous" Sabi niya sakin alam ko namang nagseselos siya kaya di na 'ko nabigla sakanya ngumiti ba lang ako tsaka sinabi ko na "Wala ka naman dapat pang ikaselos i also like you" Ani ko.

Nanlaki yung mga mata niya at tsaka siya ngumiti na sobrang lapad "I didn't expect" Ay wow manhid! halos araw araw nga 'kong nag papapansin sakanya dati?!

"Manhid ka lang" Sabi ko sabay tawa ng malakas napatigil lang ako nung hinawakan niya yung kamay ko at tsaka tinanong ang "So tayo na?" Nang marinig ko 'yan napataas ang aking kilay.

Porket gusto ko rin siya kami na agad? speed ah? "Nope ligawan mo muna ako ano ka swerte?" Pagtataray ko sakanya na ikinatuwa niya "Oo swerte na 'ko sayo" Sabi niya sabay titig saaking mga mata.

Ang ganda ng mga mata niya makikita mo talaga na gusto niya ako kung tititigan mo siya ngayon parang nag niningning ang mga 'to. Wala nakakatuwa lang kasi may taong nag mamahal sakin.

Ngumiti na lamang ako at tsaka inaya na siyang pumunta sa library  buhat buhat niya ang aking mga gamit simple lang ng ginagawa niya pero nakakakilig talaga sobrang laki ng epekto sakin.

Habang papalapit na kami sa silid aklatan biglang lumapit si Ken kay Joshua "Pre pwede bang makausap muna si ihna saglit?" Tanong niya tsaka siya tumingin sakin.

"Why?" Tanong pabalik ni Joshua sakanya ang tagal bago sumagot ni Ken kaya nagsalita na rin ako "Huh? Bakit?" Sabi ko mukhang nagising diwa niya nung ako na yung nag salita.

"Pinapasundo ka nila sakin pag uusapan daw yung surprise party para kay Sav" Sabi niya kaya napatango na lamang ako at napatingin kay Joshua upang mang hingi ng permiso "Sure una na 'ko i'll be staying on your favorite spot babe" Sabi niya tsaka pumasok sa library.

"Babe ampota corny" Sabi ni Ken kaya kinurot ko siya at kinaladkad na papunta sa mga tropa kong nag paplano wala nga pala si Sav dahil kinakausap siya ngayon ng prof namin may ipapagawa siguro sakanya 'yon.

"Andyan na pala sila eh!" Sigaw ni Cole kaya inangat ni Ken yung middle finger niya "Ingay mo pre" Sabi nito at tsaka siya binatukan. "What's the plan?" Tanong ko naman naghihintay kasi sakin si Joshua nakakahiya naman.

"Yavang porket may lovelife ka na nagmamadali ka ha?" Pag rarant ni Angel nag belat na lang ako sakanya at tsaka nag focus sa sinasabi ni Yuki ngayon. Ang ganda ng plano kaya hindi na 'ko nagsalita pa for my ideas.

Na eexcite tuloy ako! Nang makita namin si Sav na papalapit samin bigla namin binago yung topic at tsaka nag tawanan kunwari may pinag uusapan kaming nakakatawa. "Wow Ihna himala nandito? asan boyfriend mo?" Tanong niya agad pagkalapit sa mesa namin kaya napa poker face na lang ako sakanya.

"Nasa library" Sagot ko sa tanong niya "Woah so boyfriend mo na nga?!" Gulat na tanong niya sakin tumawa ako ng mahina at tsaka umiling. "Hindi nililigawan pa lang niya ako" Pag aamin ko sakanila ano pa ang sense kung ililihim ko sakanila na nililigawan na 'ko ni Joshua diba?

"Sana all pinayagan" Pag paparinig ni Cole habang malokong nakatingin kay Ken. Tahimik lang si Ken na nakikinig wala siyang reaction kaya masasabi ko talaga na hindi na niya ako gusto.

Good for him at least he won't get hurt because of me right? That is the right thing he ever did. "Hey Cole shut up baka mamaya marinig pa ng pinopormahan niya ngayon!" Sabi ko sabay ngisi kay Ken.

"Weh?! May pinopormahan ka na pre?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Yuki sakanya actually lahat pala ngayon nakanganga mga hindi makapaniwala.

Mukha ba 'kong nag iimbento?! Nakita ko kasi siya kanina may kausap na girl haha! "Wala akong pinopormahan" Sabi ni Ken at tsaka nag walk out what was that?!

Never Enough Where stories live. Discover now