06

4 2 3
                                    

Naglalakad na kaming dalawa papunta sa paborito kong kainan malapit sa university namin hindi kami nag iimikan dahil nahihiya ako sakanya. "Hindi ko alam na ganito ka pala katahimik" Sabi niya sakin kaya natawa ako.

"Haha hindi naman ako tahimik, sadyang hindi ko rin alam kung ano sasabihin sayo" Pag papaliwanag ko sabay ngiti sakanya. Hindi rin nag tagal ay nakarating na kami sa lugar kung saan masasarap ang ibinebenta.

"Yay! nandito na tayooo!" Excited na sabi ko sakanya at hinila na ulit siya papasok. Uupo na sana kami sa paborito kong upuan pero may mga taong nakaupo duon ngayon kaya naghanap si Joshua ng iba naming pupwestohan.

Umakyat kami sa second floor at umupo sa bakanteng upuan nang mamimili na 'ko ng oorderin ko napatingin ako sa nasa harapan ko dahil ang iingay ng tawa nila.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong nasa harapan ng mesa namin ang mesa ng mga kaibigan ko! At mukha namang hindi pa nila ko napapasin para iwan na rin sa chismis hindi ko sila tinawag.

"Anong sa'yo? don't worry it's my treat" Sabi ni Joshua sa totoo lang ayoko nang nililibre ako kasi may pera naman ako at tsaka wala pang trabaho si Joshua. Sa magulang niya pa nang gagaling yung pinang gagastos niya.

"Gusto ko mg steak at don't worry Josh ako na mag babayad ng kakainin ko nakakahiya naman sayo" Sabi ko habang naka ngiti pero tinitigan lang niya ako at tsaka niya binaling sa waiter ang order namin.

Hinihintay namin ngayon yung pagkain namin at siyempre tahimik nanaman ako eh sa shy type akong tao! you know! "You know what? You're so pretty and talented" Sabi ni Joshua na ikinabigla ko.

"Huy ano ba parang tanga" Sabi ko habang kinikilig mommy! I'm sorry pero malandi na po anak mo huhu. "I'm serious since day one you already got my attention" Waaa! hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Why so Straight forward kasi? huhu

"Ay weh? ganon ba? baka naman niloloko mo lang ako ah!" Sabi ko na lang hindi ko kayang manahimik baka marinig niya yung bilis ng tibok ng puso ko at malaman niyang may gusto ako sakanya!

"I'm not fooling you i just like you for who you are you're so adorable" Sabi niya sakin kaya lalong bumilis tibok ng puso ko! Wala na hindi ko na alam lalo kung ano yung sasabihin ko sakanya.

Magsasalita na sana ako kaso bigla kaming napansin nila Yuki "Yo! nandito pala kayo eh! bakit hindi pa kayo sumama sa mesa namin?!" Tanong niya napaka panira talaga neto may nag dadate bang makikiupo sa tropa?!

"Haha we don't want to bother you and we need some alone time" Sagot naman ni Joshua sakanya pabalik kaya lalo namula yung mukha ko! "Ay pulado" puna ni Angel sakin at tsaka sila tumawa .

"Ay inggit" Sabi ko na lang at tsaka sila inirapan "Wag mo silang pansinin Joshua ganyan talaga sila mang aasar lang ng mang aasar hindi titigil hanggang sa mabadtrip nila ako" Pagpapaliwanag ko sakanya pero nginitian lang niya ako at sinabing...

"It's fine they are your friends it's my pleasure to be close with them too" Huhu napaka perfect niya talaga tama talaga desisyon kong siya ang nagustuhan ko wala na hulog na 'ko.

"ah eh ganon ba? pero pasensya na ah? ayoko masira nila yung araw nating dalawa" Masayang sabi ko sakanya dumating na yung inorder naming pagkain kaya nanahimik na ulit kami.

Buti na nga lang nanahimik na rin yung mga kaibigan ko pero hindi ako nakakaligtas sa mga mapang asar nilang tingin nang magtama yung mata namin ni Ken agad niya ito iniwas problema niya? baliw ah?

Hindi ko na lang siya pinansin at mas nag focus na 'ko kay Joshua na kanina pa nakatitig sakin "May dumi ba 'ko sa mukha?" Tanong ko sakanya kanina ko pa kasi siya napapansin na tingin ng tingin sakin eh nakakailang na nakakakilig.

"Wala hindi lang ako makapaniwala na kasama kita ngayon" hala ka ayan nanaman siya baliw na ba 'ko at tuwang tuwa ako sa mga sinasabi niya? "Luh baliw bakit naman?" Tanong ko sakanya nakaka curious kasi.

"Matagal na kitang gusto ayain kumain sa labas napapangunahan lang hiya yung feelings ko parang kasi ang hirap hirap mong abutin" Napataas naman yung kilay ko sa sinabi niya mahirap daw ako abutin?! Eh siya nga 'yon.

"Anong mahirap abutin? excuse me mukha ba 'kong maldita?!" Nanlalaki ang aking mga mata habang tinatanong 'yan sakanya sabi kasi ng mga kaibigan ko mahirap akong lapita kasi anytime daw parang bubulyawan ko sila.

"Haha hindi naman natural naman siguro na mahiya ka sa harap ng taong gusto mo diba?" Diretsahan niyang sabi na ikinabigla ko mommy is this true?! May gusto rin sakin crush ko?! Waaa!

"Wait what? kailan pa?!" Tanong ko sakanya totoo naman kasing nakakagulat! hindi ko man lang nahalata! Akala ko interesado siya sa iba! Omg! "Matagal na hindi ko lang agad nasabi kasi baka masaktan kita at bata pa tayo nuon" Sabi niya.

Luh hanggang ngayon naman bata pa rin kami ha? Anyways, Bakit pa ko magrereklamo? part naman 'to ng pagiging teen ager diba? oh wag niyo kong linlangin! Part siya diba?!

"Ang eme neto akala ko may gusto ka kay-" Siyempre kada hindi ko natutuloy yung mga sinasabi ko matik may mga sumingit nanaman sila yung kaibigan mong pag nakikitang natutuwa ka sa kausap mo bigla bigla sila sisingit para mabadtrip ka.

Onti na lang talaga magpapalit na 'ko ng tropa eh araw araw na lang nila ako iniinis "Ano nanaman 'yon?" Tanong ko sakanila habang nag pipigil ng inis ayokong ma turn off sakin si Joshua! "Wala haha makiki chika lang rinig namin pinag uusapan niyo eh" Nahiya ako bigla ganon ba kalakas boses namin para umabot sa mesa nila?!

"Sorry kung na istorbo namin kayo" Sabi ni Joshua kay Yuki tsaka ito tumingin ulit sakin "Tara na?" Tanong niya sakin tapos na kasi kami kumain eh tsaka ayoko na rin tumagal dito nandito yung mga kumag eh.

"Yup. Yuki alis na kami bye!" Paalam ko kay Yuki pero iba yung sumagot "Enjoy ka ha? Sana masaya ka" Sabi ni Ken tsaka tinapik balikat ko at nauna na siyang lumabas kung nasaan kami ngayon.

Never Enough Where stories live. Discover now