01

15 2 0
                                    

Nag aayos ako ng aking gamit dahil may klase na ako mamayang hapon ang bilis ng panahon parang nung nakaraan Elementary pa lang ako at masayang naglalaro sa kalsada.

"Ano oras ka papasok?" Tanong ni mama ayan nanaman siya ang aga aga pa pero gusto na niya akong papasukin sabagay never pa naman kasi siya na late sa buong buhay niya well kwento 'yan ng aking lola HAHA!

"Hapon pa ang pasok ko bakit?" tanong ko pabalik sakanya minsan kasi hindi ko maintindihan si mama eh siya kasi yung tipo ng tao na pag tinanong ka niya kailangan mong sumagot agad dahil pag nagbilang na 'yan ng limang segundo nako lagot ka talaga.

"Alam mo ba kung anong oras na? 11 AM na at yung klase mo diba mag uumpisa ng 12:30? hala sige tayo ka lang dyan" Napatingin ako bigla sa orasan namin na nakasabit sa pader at agad kong sinamaan ng tingin si mama dahil 9:30 pa lang ng umaga! "9:30 pa lang mama naman! Ayokong mauna sa mga kaklase ko ano akala mo sakin? Excited pumasok?"

Ang hilig niya talaga akong lokohin sa oras! Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa ako sanay eh! Sa araw araw ba naman na ginawa ng diyos lagi niya kaming niloloko magkapatid.

"Ang sakin lang kasi napaka bagal mong kumilos babae ka maligo ka na dahil aabutin ka nanaman ng isang oras sa CR ano ba kasi ginagawa mo ha? Pare parehas kayong magkapatid na inaabot ng isang oras sa banyo!" Reklamo niya.

"Nag coconcert kasi ako sa banyo ewan ko lang kay kuya ah hehe" Sabi ko habang tinataas baba ang aking kilay. Napatigil lang ako sa pag tawa nang makita ko si kuya na may hawak hawak na pamalo kaya kumirapas ako ng takbo papasok sa banyo namin

Alam ko na ang mangyayari saakin kung hindi pa ako papasok sa banyo! Ayaw kong umattend ng klase na may pasa sa braso ano! Wala akong nagawa kundi maligo na

Tama ang sinabi ni mama inaabot ako ng isang oras sa banyo dahil nga nag coconcert ako kumakanta ako ng kung ano ano at siyempre hindi mawawala ang pag sayaw. Minsan nag aacting na rin ako. Onti na lang talaga mag audition na ko para maging artista.

Nang matapos ako dumiretso ako sa kwarto ko para ayusin ang sarili actually hindi naman ako nag memake up duh napakatamad ko kaya! Pag suklay nga hindi ko magawa make up pa kaya na napaka daming proseso sa buhay?

"Ihna sasabay ka ba o hindi? kasi kung oo aalis na ako kaya bilisan mo na dyan hindi kita hihintayin dahil hindi ka naman special"

Ano ba 'tong kuya ko! Nang marinig ko ang kanyang sinabi nag madali na kong mag uniform dahil totoong iiwan niya ako! Napaka sama ng ugali niyan! Kaya hindi ako nag tataka kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang girlfriend wahaha.

"Napaka mo naman! Parang di tayo parehas ng school ah? pasalamat ka nga sinasabayan pa kita eh" Pang aasar ko sakanya totoo naman kasi since he doesn't have a girlfriend it's good that i'm here ano!

"Mama mo thank you dami mong sinasabi mga wala namang sense mauuna na 'ko napaka bagal mo talaga" Inis siyang umalis sa kwarto ko kaya napatakbo agad ako palabas pikon 'to eh edi iniwan na niya talaga ako.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa school na kami agad akong bumaba nang naka pag park na si kuya baka kasi hindi na niya ako matansya at kaladkarin na niya ako papasok sa room namin hindi ko namang kasanan na napaka pikon niya diba?

"Hoy babae pumasok ka na tawagan mo ako kung sasabay ka sakin pauwi kung oo mag hintay ka dahil mas mauuna ang uwian niyo kesa samin naiintindihan mo ba?" Luh galit na galit gustong manakit yarn kuya? pero dahil badtrip na siya sakin hindi ko na siya sinagot at tumango na lamang ako.

"Bye kuya pasok na 'ko" Sambit ko bago kami naghiwalay ng dadaanan first year college na 'ko at si kuya naman ay third year na dalawang taon ang tanda niya sakin pero super close kami since madalas kaming magkasama sa mga kalokohan.

"Ihna! wow aga ha! may sakit?" Tanong sakin ng kaibigan ko "Gaga! Kailan mo pa ko nahuling ma late sa klase ha? alam mo namang may nanay at kuya akong ayaw na ayaw mahuli sa klase diba?" Pagpapaliwanag ko sakanya totoo naman kasi ayaw ng buong pamilya ko ang mahuli sa isang bagay.

"Ah kasabay mo si future husband? Shet naiimagine ko nang sinusundo niya ako sa bahay para sabay kaming pumasok aaah! yummers!" Agad kong tinakpan ang aking tenga ayaw ko siyang marinig na pinag papantasyahan niya ang kuya ko nakakadiri.

"Hindi papatol sayo 'yon med school is life yun kaya wag ka nang umasa dyan okay?" Napairap na lamang siya saakin duh. Why would i push her to be with my brother? I know that my brother doesn't like her because she's my friend plus we're at the same age! Siyempre kapatid lang ang kayang itrato sakanya ni kuya!

"Ewan ko sayo! napaka panira mo sa pangarap ko grr! Oh dyan ka na ayan na yung manliligaw mo tibay ah? since grade 8 naks!" Pang aasar niya sakin bago siya umalis napa ayos na lamang ako ng upo at nilabas ang phone ko wala akong oras makipag harutan sa kaklase.

"Hi ihna! dito ako uupo sa tabi mo ah?!" Pag papaalam sakin ni ken wala akong magawa kundi ang tumango na lamang ano pa bang choice ko? eh siya naman talaga magiging katabi ko dahil magkalapit ang aming apelyido.

"May choice ba 'ko?" Sambit ko habahg nakataas ang aking kanan na kilay "Wala! magkalapit surname natin eh sana pati feelings!" Omygosh wala talaga siyang hiya kung ano ang gusto niyang sabihin, sasabihin niya talaga nang hindi nag iisip!

"Pwede bang manahimik ka?! Ang corny mo!" Pagsasaway ko sakanya "Eto naman pinapaganda ko lang araw mo eh" Wow pinapaganda?! Eh nasira nga niya! "Whatever just please stay quiet i'm reading oh!" Argh sa sampung buwan siya ang katabi ko! Magtitiis nanaman ako!

Never Enough Where stories live. Discover now