May pasok nanaman ako ngayon kahapon umuwi na rin sila pagkatapos ng movie na pinanood namin. Ang ingay nga nila at nagkukwentuhan kung ano ang nangyari sa palabas. Akala mo hindi kami magkakasama manood non.
Nakaupo na ako sa sarili kong upuan hinihintay ang prof namin habang nakikinig ng music tahimik lang naman ako lagi pag may pasok dahil ayaw na ayaw ko sa maiingay kaya nga nag tataka ako kung bakit kaibigan ko sila Yuki eh.
nililibang ko ang sarili ko sa pag titingin ng social media nang lumapit sakin si Joshua "Ang tahimik mo talaga 'no? hindi kami sanay" Sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Ang gwapo niya talaga nakakainis! "Hmm wala lang ako sa mood mag ingay eh" Sabi ko sakanya at iniwas ang tingin.
Crush ko talaga si Joshua bukod sa gwapo siya ang talino rin niya tapos mabait palabiro rin so hindi ka na luge sakanya diba? "Sabay tayo uwi mamaya ihna pwede ka ba?" Tanong niya na ikinagulat ko jusko! I can't say no! he's my crush talaga! Waaa!
Mukhang mauunahan ko magka lovelife si kuya ha! huhu yung puso ko ang bilis ng tibok "Huh? bakit?" Nagtatakang yanong ko sakanya kunwari hindi ako interesado siyempre kailangan natin magpaka dalagang pilipina ano!
"Wala masaya kasi ako pag nakakasama kit-" Hindi niya natuloy yung sasabihin niya dahil may epal na sumingit sa maganda naming usapan. "Pre tabi uupo na 'ko" Sabi ni ken ano trip neto? kanina pa siya badtrip hindi nga niya ko pinansin kanina pagkapasok niya eh.
Tumayo na si Joshua sa upuan ni Ken at lumipat sa harap ko "So ano? sasabay ka?" tanong ni Joshua siyempre bakit ako hihindi eh crush ko nga siya?! Sayang oppurtunity ano! "Hmm sig-" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko nang biglang umubo si Ken sa tabi ko ang dugyot!
"Ehem sorry" Sabi niya at sinamaan ko siya mg tingin kanina pa ha! Ano ba trip neto? "Uso takpan yung bunganga Ken ha" Sabi ko tsaka ako tumingin ulit kay Joshua at sinagot yung tanong niya "Sige pero ipaalam mo ako kay Kuya" Sabi ko sakanya at tsaka ngumiti.
"Hindi ka sasama samin mamaya? kala ko ba kakain?" Sabi ni Ken nang nakita niyang umalis na sa harap ko si Joshua. Himala namamansin na ulit siya? Moody ah? "Hindi na kay Joshua na 'ko sasabay pauwi mamaya kaya niyo naman pag wala ako" Sabi ko sakanya at tsaka ko nilibang ulit sarili ko sa isang bagay.
"Ah ingat" Sagot niya sakin na hindi ko na pinansin totoo naman kaya nila umalis nang wala ako hindi ko naman hawak mga paa nila at lalong lalo na hindi sila mamamatay nang wala ako 'no.
Natapos na rin ang klase namin na hindi ako pinapansin ni Ken. Nakakapanibago pero ayos lang at least walang nang gugulo sakin right? "Ihna tara na?" Tanong ni Joshua sakin tumango ako sakanya pero lumapit muna kami sa barkada ko baka kasi mag tampo sila sakin eh.
"Hindi ako makakasama niyaya ako ni Joshua kumain eh" Sabi ko sakanila na ikinatahimik nilang lahat "Ayos lang date well yiee landi" Pag bibiro ni Angel sakin alam niya kasi na may gusto ako kay Joshua eh kaya ganyan siya ka supportive.
"Gaga, Sige na una kami ingat kayo!" Sabi ko sakanila at nag lakad na paalis kasama si Joshua. "Wag bata pa kayo" Sigaw ni Ken na ikinatawa ko ang baliw talaga. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pero naririnig ko pa rin mga kaibigan ko sa likod.
"Joshua sumusunod ba sila?" Tanong ko sakanya alam ko na kasi na may pagkademonyo mga tropa ko kaya sigurado akong sumusunod nga sila Oo nasa likod pero same way lang naman sila satin kaya mukha namang di nila tayo sinusundan" Nakangiting sambit ni Joshua.
Luhh. Napaka gwapo niya talaga huhu nakaka attract sobra ngumiti ako sakanya at niyaya na siya pumunta sa parking lot dahil nandon si kuya nag hihintay. Mas nauna kasi sila pinalabas ngayon sa hindi ko malamang dahilan. "Kuyaaa" Sigaw ko sabay takbo papalapit sakanya.
Napatingin naman siya sakin at tsaka sita ngumiti "Ang bagal mo naman kanina pa ko nag hihintay dito" Reklamo niya pero napatigil siya kasi napansin niyang may kasama ako. "Sino yan? bakit hindi mo kasama barkada mo?" Tanong niya sakin
Ngumiti ako sakanya tsaka ko hinila papalapit samin si Joshua hindi naman siguro magagalit si kuya kung meron akong kasamang lalake ngayon duh i'm dalaga na kaya. "Si Joshua, Kuya" Sabi ko sakanya.
"Oh bakit mo kasama? sasabay din satin?" Tanong niya tinignan ko si Joshua na nagpipigil ng hinga niya ngayon haha! natatakot ba siya? di naman siya kakainin ni kuya eh! "Niyay-" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko nang bigla ito putulin Joshua.
"Niyayankonpo kasi si Ihna kumain ayos lang naman po 'yon diba?" Napanganga ako sa sinabi niy wow ha! dirediretso! hindi man lang niya pinakiramdaman mood ni kuya omg!
Napatingin ako agad kay kuya kasi kahit ako gulat sa sinabi niya! Lalo tuloy ako na inlove mommy help! "Lakas mo naman kaya mo na ba buto mo? Oh tara suntukan muna" Galit ang tono ni kuya nung sinabi niya 'yan kaya natakot ako bigla huhu.
"Hindi ko naman po pababayaan si Ihna tsaka kakain lang po talaga kami pag tapos ihahatid ko siya sa bahay niyo" Nakangiting pagpapa alam ni Joshua kay kuya waa my heart! Hindi ko namalayan napangiti na rin ako at nag puppy eyes kay kuya para lang payagan niya 'ko.
"Tss. Sige two hours lang pag lumagpas ka sa oras wag na wag ka nang didikit sakanya ah" Banta ni kuya nakahinga naman kami ng maluwag ni Joshua kasi pumayag nga pumayag ang kapatid kong ubod ng sungit!
"Yes! Salamat Kuya!" Sabi ni Joshua wow sobrang saya naman niya na makasama ako kinikilig tuloy ako lalo dahil sakanya huhu. "Wag mo 'kong tawaging kuya kapatid ba kita?" Sagot ng kapatid ko napasimangot tuloy ako at kinurot siya sa braso.
"Kuya naman! Napaka mo! Aalis na kami ha bye thank you! Love you! Ingat bobo ka pa naman" sabi ko sakanya at tsaka nagmadaling umalis habang hila hila baby ko argh! kakilig talaga!
YOU ARE READING
Never Enough
Teen Fiction"What's the saddest word in english language?" My prof ask us so i raised my hand and answer his question. "Almost" Kumunot ang kanyang noo at tinanong ako kung bakit. "I was almost good enough. He was almost inlove with me. I almost survived. We...