07

5 2 0
                                    

Kinabukasan nag tataka pa rin ako kung bakit ganon yung pakikitungo sakin ni Ken ewan naninibago lang talaga ako wala naman akong nagawa sakanya na ikakagalit niya ah?

Huling pag uusap namin noong pinapunta ko sila sa bahay namin nag madali pa nga siya umuwi non eh. Ayoko namang kausapin siya ngayon baka mamaya sabihin niya may gusto ako sakanya.

Nandito kami ngayon sa Oval P.E class kasi namin ang aga nga eh 6AM tapos next class namin pang hapon na. Napansin din ng mga kaibigan namin na hindi ako iniimik ni Ken tinatanong nga nila ako kung ginalit ko raw ba tapos siyempre di ko na rin sila sinasagot.

Ako nga hindi alam kung ano problema niya eh ano masasabi ko sakanila tss. Kanina pa 'ko nag iisip hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala si Joshua kaya good mood na ulit ako. "Bad mood?" Tanong niya sakin.

"Nope why?" Tanong ko pabalik sakanya bakit ba ganon? kada nananahimik ako wala na agad ako sa mood? Ganyan ba talaga pag nasanay sila na maingay ako? huhu ang panget naman ng image ko sakanila!

"Base on your face kanina pa naka busangot ano iniisip mo?" Sabi niya kaya ngumiti ako "Kanina mo pa 'ko pinagmamasdan? ikaw ha baka ma fall ka" Asar ko sakanya sabay tawa ng malakas.

Habang tumatawa ako ng malakas napatigil ako agad kasi nakatingin na saamin yung mga kaklase namin "Uyy! nagkaka inlovan na!" Asar nila samin kaya nagka tinginan kami ni Joshua at tumawa.

"Naks di na ko mag tataka kung sa susunod aaminin niyo na saamin na kayo na" Hindi ko alam yung isasagot ko kaya ngumiti na lang ako. Hindi naman kasi nanliligaw si Joshua saakin eh.

"Ang chismoso niyo pero sasabihin ko rin naman agad sainyo pag kami na haha" Whaaat?! Nahiya ako bigla sa mga kaklase namin kaya yumuko ako at unti- unting tumayo at umalis.

Lumapit ako kung saan naka upo yung mga kaibigan ko hindi nila napansin kaya umubo ako dahilan kung bakit sila tumingin saakin "Na all may kaharutan na" Asar sakin ni Angel kaya tumawa ako at umiling.

"Hindi kami nag lalandian hindi naman nanliligaw yung tao eh" Sabi ko sakanya sabay upo sa tabi niya "Anong hindi? niyaya ka nga niya kumain sa labas kahapon" Ani ni Yuki "Wala naman kasi siya sinasabi ayoko mag assume ano" Sagot ko sakanya.

"Bakit hindi mo tanungin?" Sabi ni Cole kaya tinignan ko siya ng masama bago sagutin yung sinabi niya "Bakit ko tatanungin? nakakahiya 'yon! baka sabihin niya na nag aasume ako!" Sabat ko sakanya.

Tinaas niya yung dalawa niyang kamay nagpapakita na suko na siya kaya inirapan ko siya bago ulit manahimik. Walang nag sasalita saamin ngayon siguro lahat sila ay inaantok pa.

"Narinig mo naman sinabi niya kanina diba? pag naging kayo na ipapaalam niya agad saamin" Biglang sabi ni Ken argh! Pag may sasabihin siya sakin parang lagi akong inaaway! "Ay himala namansin ka?" Inis kong sabi sakanya.

"Pinapansin naman kita" Sagot niya sakin magsasalita na sana ulit ako kaso dumating na yung prof namin at nagturo na. Ang ganda ng activity namin ngayon arnis tinuturuan kami ng mga steps.

Nang natuto na kami biglang sinabi ng prof namin ipeperform namin 'yon by partner pero si ma'am ang mag sasabi samin kung sino yung magiging kapares namin sa sayaw.

Habang hinihintay ko matawag yung pangalan ko inabala ko ulit sarili ko sa pag sayaw baka kasi makalimutan ko nakakahiya naman sa magiging partner ko baka mamaya si Joshua eh!

Habang inaaral ko ulit yung steps nag umpisa na si ma'am mag pa sayaw sa harap si Joshua at Sav ang nauna ah so babae at lalaki ang partner ngayon? Pinanood ko sila at hindi ko maiwasan ang mamangha sa galaw ni Joshua.

Ang bilis tapos ang linis parehas sila ni Savrina buti na lang siya yung naging partner niya ang gandang tignan oh! "Laway mo tumutulo isara mo naman bibig mo" Sabi ni Ken tapos iniwan na ulit ako.

Wtf! ano ba kasi problema niya? kada may magawa ako lagi niyang pinapansin napaka epal talaga! sa sobrang bwisit ko sakanya tinarayan ko na lang siya. Hindi ko na kasi mabasa kung ano yung nasa isip niya.

Ikaw ba naman ang ayos ng pakikitungo niya sayo nung nakaraang araw tapos kinabukasan parang highblood na siya lagi sayo parang ewan hindi nakakatawa. Kung may nagawa sana ako edi tatanggapin ko kung bakit siya ganyan sakin ngayon diba kaso hindi eh. Wala naman akong ginawa.

Kanina ko pa talaga iniisip kung anong mali nakaka bwisit hindi dahil gusto ko na siya ah? pero kaibigan ko kasi siya eh. Argh! nakalabaliw na! "Villanueva and..." Tawag samin ng prof ko lumapit na ko agad sa harap para makapag perform na.

Habang nasa harap na 'ko biglang sumulpot si Ken sa gilid ko oh so siya pala partner ko? hmm! Maganda 'to lahat ng inis ko ilalabas ko sa palo ko sakanya! Akala niya ha!

Ngumiti ako ng nakakaloko makikita ko sa kanyang mukha yung pagtataka kaya mas nilakihan ko yung ngiti ko "Start" Sabi ng prof namin kaya nag umpisa na 'kong umatake. Hindi niya alam na ako ang unang aatake saaming dalawa kaya medyo hindi niya agad nasalo yung mga hampas ko.

"Ay weak di ready tsk tsk" Pang aasar ko sakanya sabay ngiti ulit ng nakakaloko "Talaga ba? pinagbibigyan lang kita" Sabi niya sakin oo nga 'noh! puro iwas lang yuang ginagawa niya hindi niya ako inaatake pabalik!

"Weak ka lang kasi di mo kayang umatake" Asar ko lalo sakanya nainis ata siya kaya inumpisahan na niyang umatake inaamin kong mas magaling si Ken kesa kay Joshua pag dating sa academics pero mas gwapo naman at mabait si Joshua kumpara kay Ken noh!

"Oh bat hinihingal ka na?" tanong sakin ni Ken habang nakangiti duh! napapagod na 'ko ilang minuto pa ba bago matapos 'tong laban namin? "Mama mo pagod" Sagot ko na lang sakanya sabay atake ulit.

Pero mukhang inaasahan na niya yung pag atake ko dahil naka iwas siya agad at hinila niya ako gamit ang kaliwa niyang kamay papalapit sakanya....

Never Enough Where stories live. Discover now