04

7 2 0
                                    

Natapos na kaming kumain at nag presinta siya na maghugas at dahil mabait ako umoo ako ano siya naka uto? Lamon lang? Asa siya. Ngayon ay naghuhugas siya kaya  nandito ako ngayon sa sala nanonood at nag paplano nang maligo. Ang harsh naman kung iiwan ko na lang siya basta basta habang naghuhugas diba?

"Ang onti lang ng huhugasan mo bakit ang tagal mo?" Tanong ko sakanya kanina pa kasi siya duon gusto ko nang maligo dahil ang lagkit ko na "Tapos na 'ko chill lang alam ko namang miss mo na ako agad haha!" Sabi niya tsaka niya pinatay ang gripo at lumapit at umupo na dito sa tabi ko finally! makakaligo na rin ako!

"Ang kapal talaga ng mukha mo hintayin mo sila dumating pag may nag doorbel papasukin mo na agad please wag sila kamo mag kalat!" Sabi ko sakanya bago ako umakyat papunta sa kwarto ko.

Nang paakyat na 'ko bigla siya nag salita "Saan ka pupunta?" Napatigil ako at napatingin  agad sakanya na may kasamamg sama ng tingin kailangan niya ba malaman kung saan ako pupunta? Hello! This is my house i can do whatever i want! "Maliligo kaya manood ka na dyan at hintayin sila okay?" Sabi ko sakanya at hindi na siya hinintay magsalita pa muli.

As usual inabot ako ng ilang oras sa CR kaka kanta ng kung ano ano at sinigurado ko na rin na naalis ang mga germs na naninirahan sa balat ko that's so gross! Habang nag aayos ako bigla pumasok sa isip ko na may nag hihintay pala sakin sa baba!

Omg! I forgot that i have a bwisita! Kaya minadali ko na ang pag aayos at tumakbo na 'ko pababa. Nang pababa na 'ko biglang natigil yung mga kaibigan ko sa pagtawa nila at binigyan nila ako ng isang mapang asar na tingin.

"Kanina pa ba kayo dito?" Salubunong ko sakanila mahirap na baka maasar nanaman ako knowing na kami lang ni Ken ang nandito kanina.

"Isang oras na kami nandito ang bagal mo naman maligo girl" What?! isang oras na sila nandito sa bahay? ganon ba 'ko katagal sa CR?! Wtf! Dahil sa gulat ko hindi agad ako nakapag salita.

"Ikaw ha ang tagal mo sa CR ano ginawa mo hmm?" Pang aasar sakin ni Sav isa sa mga close kong babae sa room. Inirapan ko na lang siya at bumaba na ng tuluyan.

Hindi ko na sinagot yung mga pinagsasasabi nila dahil puro lang iyon kadugyutan akala mo laging may ginagawang kalokohan eh. Uupo na sana ako kaso biglang umusog si Yuki kaya binatukan ko siya.

"Ano ba?! Kita mo namang uupo yung tao oh bobo ka ba?!" Gigil na sigaw ko sakanya parang tanga naman kasi paupo na ko tapos bigla siyang mang aagaw ng upuan? Nakaka ulol lang.

"Duon ka sa tabi ni ken walang nakaupo oh" Sabi niya dahil wala ako sa mood at galit ako umupo na lang ako sa tabi ni ken at narinig ko naman ang mga hagikgik nila. Ang bababaw talaga ng mga kaligayahan nila.

Wala namang nakaka kilig parang mga tanga talaga kahit kailan. "Wag kang highblood ako lang naman 'tong makakatabi mo" Pang aasar ni ken sakin sinamaan ko na kang siya ng tingin at kinurot hindi man lang niya nahalata na wala nga ako sa mood makipag kulitan sakanila ngayon.

"Manahimik ka na lang gusto kong manood ng payapa okay?!" Sabi ko sakanya at inagaw yung popcorn na hawak hawak niya. Hindi na 'ko nag taka kung bakit maraming pagkain sa harap namin ngayon knowing them? Palagi silang gutom hindi ko nga alam kung nabubusog pa sila eh.

"Eto naman pinapagaan ko nga mood mo eh bakit parang na bubwisit ka lalo? nakaka hurt ha" Sabay tingin niya sa mata ko. Iniwas ko ang aking paningin at mas nag focus sa pinapanood.

Horror 'tong pinapanood namin at ang ingay ingay nila mga duwag talaga tahimik akong nanonood nang may biglang yumakap sakin dahilan kung bakit nag init nanaman ang dugo ko.

"Ano ba? bakla ka ba? umayos ka nga! daig pa kita oh!" Sabi ko sakanya sabay tulak palayo sakin ang chansing ha! "Ay gago sorry hindi ko sadya nakakagulat naman kasi talaga" Nanlalaki ang mga mata niyang sabi sakin na ikinatawa ko. Wala na hindi ko na napigilan sarili ko parang sira kasi eh.

Ang tapang tapang nila tapos sa isang horror movie bigla silang matatakot? omygosh now i know kung ano ang kahinaan nila! HAHA! Tumayo ako at kumuha ng softdrinks sa ref dahil napansin ko na wala na kaming iinumin pano ba naman kada nagugulat sila rekta inom agad.

Tapos ginagawa nilang way ang pag ihi sa pagtakas tss. Mga madadaya talaga. "Tulungan na kita" Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likod ko "Ay puta! Ano ba! bakit bigla bigla kang sumusulpot?!" Inis na sabi ko sakanya sabay bato ng hawak kong softdrinks!

"Sorry hindi ko alam na magugulat ka" Sabi niya habang tumatawa kaya inirapan ko na lang siya at dumiretso na kung saan kami nanonood.

"Uy wag kang magalit sakin hindi ko naman sadya eh sorry kung nagulat kita" Sabi ni ken kaya nilingon ko siya ano ako mababaw? magagalit dahil lang nagulat? Tinaas ko yung kilay ko at umupo na sa pwesto ko pero etong si ken ayaw pa rin akong lubayan!

"Pansinin mo naman ako sorry na hindi ko na talaga uulitin ihna" Mahina niyang bulong sakin tumango na lang ako para matigil na siya pero hindi pa rin siya nag papapigil kaya napatingin ako sakanya.

Nang lumingon ako laking gulat ko dahil magkalapit na ang aming mga mukha! Wth? Hindi agad ako nakapag react dahil sa pagkakabigla buti na lang nagsalita si Cole "Ah kaya pala nanahimik sige na hindi namin kayo iistorbohin kiss well" Pang aasar niya samin kaya agad kong iniwas yung mukha ko kay Ken.

Ano 'yon?! Bakit natigilan ako? Pinakiramdaman ko yung sarili ko hindi naman tumitibok ng mabilis puso ko pero bakit hindi ko agad siya nasapak?! Napa ubo ako at nagsalita "Uh sorry" Sabi ko na lang sabay iwas ng tingin. "Sorry din" Sabi niya tsaka nilipat ang kanyang tingin sa TV.

Never Enough Where stories live. Discover now