PAUNTI-UNTI

19 2 0
                                    

Paano nga ba?
Sabihin kung paano?
Paano hahakbang ang mga paa?
Nang wala ka
Kakayanin ba?

Hindi ko alam,
Blangko!
Blanko ang isip ko,
Pati ang puso'y di ramdam,
Manhid na ata ito?

O sadyang pinanghihinaan lamang?
Nasaan na ba ang liwanag?
Tila di na maaninag,
Ika'y nandiyan ako'y nandito lang,

Nag iisa't walang karamay,
Sa mga kamay mong nagbigay tulay,
Upang pag ibig ko'y mabuhay,
Sa gitna ng dilim ika'y nakagabay,
Muling ilahad ang kamay,

Nais kong madama ang presensiya mo,
Na ika'y matatakbuhan ko,
Magbibigay pag asa sa mundong ito,
Tila ba di ako kabilang sa mundo,
Nasan ka na nga ba?

Yan ang tanong ko,
Ako'y nagalak ng ika'y masilayan,
Kay ganda ng iyong ngiti,
Sabay lahad ng iyong palad,
"Halika" nasambit mo,

Napaluha sa di malamang dahilan,
Di mapaliwanag ang nararamdan,
"Sinusuko ko na po sa inyo lahat kayo na po ang bahala"
At paunti unting ako'y nagbaubaya,

"Panginoon, isinusuko ko na po sa inyo ito." Sambit ko
"Nandito lamang ako at ang mga taong nagmamahal sayo.Mahal kita't mahal ka rin nila anak ko." Sagot niya

A/N: Kamusta ang mga mahal kong mambabasa? Umaasa akong inyong nauunawaan kungbakit ang iyong makata'y nagayon lamang nakapag palimbag ng bagong piyesa. Sobrang napakaraming pangyayari kung kaya't ngayon lamang ako naka limbag ng bagong piyesa. Iyon, ang piyesang ito'y patungkol at aking iniaalay sa mga taong nasa kanilang mga madilim na karanasan sa buhay. Nawa makakita kayo ng kahit kaunting pag asa't liwanag ng matapos ninyong basahin ang piyesang ito. Ang ating mahal na Poong Maykapal ay nandiyan lamang para sa atin, kung kaya't tayo'y magdasal at ipaubaya na sa kaniya ang lahat lahat.

Sulat MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon