Bakit nga ba kita mahal?
Dahil nga ba ss ugali mong mala-anghel?
O dahil sa mukha mong napakaamo?
Mahal na nga yata kita,Sa una palang na ika'y nakita,
Natamaan na nga akong talaga,
Ewan ko nga ba kung bakit ikaw pa?
Basta't alam ko lang ay mahal kita,Nahihina't tumitiklop pag nandiyan ka na,
Di mapalagay kapag malapit ka,
Napapatitig sa taglay mong kakisigan,
Napapangiti sa ngiti mong nakahahawa,Ano nga bang meron sa iyo?
Na sa iba'y di ko nakita?
Ewan ko nga ba kay Kupido,
Kung bakit sa iyo pa ako nahulog nang ganto?Sana nga'y mapansin,
Ang tinatago kong pagtingin,
Pagmamahal na sa iyo lamang,
Pagmamahal ko'y sa iyo lamang,(A/N: Ang piyesang ito ay patungkol sa isang dalagang umiibig na hindi alam at hindi niya maipaliwanag ss kaniyang sarili kung bakit siya napa ibig nang makisig na binata. Ito rin ay kung paano at ano ang nararamdaman nang isang umiibig. Umaasa akong inyo itong naibigan. Hanggang sa muli nating pagkikita. Maraming salamat.)
BINABASA MO ANG
Sulat Makata
Poesia#40 spokenword #90 tula #130 sunshine #100 poetry Ang mga tulang nakasulat rito ay orihinal na isinulat at ginawa ng makatang si Ri (Rianeechan) Nawa'y inyo itong maibigan