Humihiling sa mga bituin sa langitan
Na ang sakit ang pighat'y mapawi
Ang lumbay sa malamig na gabi
Paano nga ba mapapawi?
Ayoko!
Ayokong ng ganito! Hindi ko to ginusto!
Ang sumaya'y wala sa aking bokabolariyo
Dahil alam ko namang kalungkutan ang kapalit nitoNag una'y masaya pa't tila ba pang walang hanggan
Ngunit bakit? bakit tayo'y humantong sa ganito?
Ang bigat sa dibdib ay di mawawala ng agaran
Mararamdaman mo muna ang sakit, pighati't kalungkutan
"Sana di na lang ikaw, sana iba na lang"
Sa tulang ito'y nais kong magpaalam
Paalam, iyong pakatatandaan na mahal kita
Kahit na ako'y labis na saktan aking sinta
Ang mga masasayang araw kasama ka
Ay di mawawala at matutubasan nino man
Paalam na sinta
Siguro hanggang dito na lang talaga ito
Di na ipapagpipilitan pa
Iba na lang sana ang aking iniibig
Pagkat ang kapalit....
Nang pagmamahal sa iyo'y isang pasakit
Kasing talim ng kutsiyong nakaturok sa aking dibdib
Muli paalam aking sinta
(A/N: Magandang Araw! Nakalipas na ang halos dalawang buwan simula ng ako'y nakapaglimbang ng huling piyesa. Pagpasensiyahan nyo na mga mahal kong mambabasa, sa kadahilanang ako'y nakatuon ang pansin sa pag aaral. Nawa'y inyo itong maunawaaan! Maraming Salamat!)

BINABASA MO ANG
Sulat Makata
Puisi#40 spokenword #90 tula #130 sunshine #100 poetry Ang mga tulang nakasulat rito ay orihinal na isinulat at ginawa ng makatang si Ri (Rianeechan) Nawa'y inyo itong maibigan