INAY

33 5 0
                                    

Inay isang salita,
Inay apat na letra,
Inay sa akin ay mahalaga,
Ayaw kong lumisan ka,

Ayaw kong lumuha,

Dahil sa tuwing maalala kita,
Luha'y bumubuhos na lang bigla,
Gusto kitang  makasama,
Ayokong mawalay ka,
Tinatanong sa sarili "ba't lumisan ka?"

Mga alaalang naiwan na lang bigla,
Mga yakap na ako sanang mawala,
Ikaw ang tanging babaeng sakin ay nagpasaya,
Mga alaalang hindi na mabubura,


Nang malaman kong ika'y wala na,
Ang mundo ko'y bigla na lang nag iba,
Mga tuhod na nanghina sa lupa ay natumba,
Mugto ang mga mata,
Dahil lumuha nang lumuha,

Ika'y nakita bangkay ay malamig na,
Na ayoko sanang makita,
Ako'y lumuha nang lumuha,
Dahil sa di pa rin makapaniwala,

Siyam na araw sa higaan niya,
Ako'y nagbihis para sa burol niya,
Lumuha dahil sa di pa rin makapaniwala,
Nais ko sanang muli makita ang mga ligaya niya,

Ngunit ito'y aking hindi na makikita,
Inay sana ikaw na ay maliga,
Sa lugar na wala ng problema,
Inay,sana tayo'y muling makita,
Inay paalam na

A/N: Kamusta ang pagbabasa ng unang piyesa o tulang na aking nailimbag? Inyo ba itong naibigan? Umaasa akong inyo itong naibigan.Dahil ito ang unang tulang aking nagawa na aking inaalay sa aking mahal na ina.Muli maraming salamat sa pagbabasa.
-VenomieRyie

Sulat MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon