Sa iyo lamang,
Ako'y sayo at ika'y akin lamang,
Ang puso na ang siyang magdidikta,
Ang isipa'y ikaw lamang ang sigaw,Ang mga tala sa gabing madilim,
Nagbibigay liwanag sa pusong naninindim,
Ika'y isang tala,
Na kung saan napakahirap abutin,Ngunit kahit na ganuon pa man,
Ang puso'y di nawalan ng pag asa,
Balang araw ang pagmamahal ang siyang makakamtan,Ngiting nagbigay buhay sa mundong madilim,
Di ba pansin ang pagtingin na lihim?
Umaasang ako'y iyong mapapansin din,
Ang lihim ay sana mapansin,Siguro nga bahala na ang tadhana,
Ang Diyos na ang siyang bahala,
Sa pagmamahal ko sa iyo lamang,
Na ako'y sa iyo at ika'y akin lamangA/N: Ang piyesang ito'y patungkol sa isang taong nagmamahal ng palihim at aking inaalay ito sa mga taong nagmamahal ng palihim na kung saan hindi alam ng kanilang sinisinta na siya'y may lihim na pagtingin.Nasasaktan at umaasa pa rin na masuklian ang pagmamahal.Ngunit katulad ng naisulat ko sa aking piyesa, sana'y wag mawalan ng pag asa kahit ito man ay parang napakahirap makamtan katulad na lamang ng mga tala sa langit.Sa huli kung mawalan man ng pag asa, and Diyos na ang siyang bahala.Umaasa akong inyo itong naibigan.Maraming salamat sa pagbabasa. Wag kayong makalimot na bumuto at maging iwan ng kumento sa ibaba.Muli maraming salamat.
-VenomieRyie
BINABASA MO ANG
Sulat Makata
Poetry#40 spokenword #90 tula #130 sunshine #100 poetry Ang mga tulang nakasulat rito ay orihinal na isinulat at ginawa ng makatang si Ri (Rianeechan) Nawa'y inyo itong maibigan