Ang mga salita bang yao'y may katotohanan?
O ito'y pawang kasinungalingan?
Na kagaya na lamang ng isang artiklong hindi pa buo't walang patibay?
O buhay nga naman!Panghawakan ang mga salitang iyong binitawan?
Ang mga salitang yao'y kay gandang pakinggan,
Ngunit paano ito panghahawakan kung ito'y wala kasiguraduhan?
Ang pagmamahal ko'y di na hihigit pa sa isang kaibigan,Ang aking pagkawala sa iyong buhay,
Iyo sanang mapang isipan,
Na ang paglisan ko'y di para sa akin,
Kundi para sa iyo, kaibiganPamamaalam ay huwag sanang dibdibin,
Kung ako'y mahal mo pa,
Pagpasensiyaha't ika'y nasaktan,
Paalam kaibigan
A/N:
Magandang Araw! Kamusta kayo aking mga mambabasa?Ang Piyesang ito'y patungkol sa isang taong nagpaalam sa kaniyang munting kaibigan. Sa kadahilanang mas nanaisin nya na lang ang lumayo't magpaalam kesa sa umusbong pa lalo ang pagmamahal ng kanyang kaibigan sa kaniya.
Iyo sanang itong naibigan
BINABASA MO ANG
Sulat Makata
Poesia#40 spokenword #90 tula #130 sunshine #100 poetry Ang mga tulang nakasulat rito ay orihinal na isinulat at ginawa ng makatang si Ri (Rianeechan) Nawa'y inyo itong maibigan