TULANG SA IYO LAMANG ALAY

25 3 0
                                    

Sa dami-dami nang tulang nagawa,
Patungkol sa pag ibig, kalikasan, sa aking ama't ina at iba pa,
Napaisip na "Bakit kaya di subukang gumawa nang piyesang sa saril'y alay?"
Ngunit bakit kaya ngayon lamang napagtatanto?
Na sumulat  gumawa nang tulang sa iyo'y alay?

Ay! Siguro dahil sa labis na pagbigay taon sa mga bagay-bagay,
O di naman kaya siguro'y nalimutan na ang sarili,
At inunanang mahalin ang iba?
Siguro nga'y isa ito sa mga dahilan,
Kung bakit tila ba saril'y nakalimutan,

Una sa lahat nais kong iyong malaman na,
Mahalin ang sarili bago ang iba,
Huwag na huwag magpapaapekto sa makasakit na salita mula sa kanila,
Umiwas sa mga taong di mapagpahalaga,
Pumuli lamang nang taong tatangapi't mamahalin ka ng tunay,

May mga bagay man na di maganda kung maituturing,
May mga salitang mapanakit,
At para bang sa dibdib ay....
May nakaturok na kutsilyo,
Napasakit nga naman kung iyong iisipin,

Dumanak na nga ang dugo mula rito,
Marahil ako'y mawalan na nang dugo at patay na,
Ngunit hiling nang pusong dugua't puno na nang pasakit,
Nais lamang nitong maging maligaya,
Malayo sa ano mang pasakit,

Na nagdudulot nang bigat sa dibdib,
Nais makamtan ang mga mithii't pangarap sa buhay,
Nais kong maging normal katulad nang iba,
Nais makasayaw kasabay nang musika,
Nais may magmahal at tumanggap sa tulad ko,
Nais makalipad katulad nang ibong malaya kung lumipad,

Ngunit tila ba ba ang mga ito'y nasa panaginip,
Panaginip lamang makikita,
Labis pasidlan ang galak sa puso,
Na ang pagkakaalam na lahat ay totoo,
Pagdilat ng mga mata'y panaginip lamang ito,

Heto ngayo'y nakaupo sa may bintana,
Pinagmamasdan ang pagsayaw ng mga puno,
Kasabay nang malakas na hangin,
Sa iyo, nais kong iyong malaman na.....
Huwag kang susuko!

Tuloy ang laban!
Hindi pa rito nagtatapos ang lahat,
Iyan ang iyong pakatatandaan,
Nagmamahal,
Iyong sariling makata



(A/N: Sa lahat nang aking mahal na mababasa, ipagpaumanhin niyo na sana kung ang piyesang ito ay napahaba. Ang piyesang ito'y inaalay ko sa mga taong nawawalan na nang pag asa sa buhay, Mga taong nais maging malaya mula sa mapanakit at magulo nating mundo, at higit sa lahat akin ding inaalay ang piyesang ito sa mga may kapansan o sa wikang ingles ay mga PWD's  (Person with Disability). Nawa'y maging insperasiyon ito sa nakararami. Mula sa iyong mahal na makata. At umaasa din akong nasiyahan kayo sa pagbabasa. Hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam. )

Sulat MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon