KAKAYANIN PA BA?

31 4 0
                                    


Tinatanong sa sarili kung kakayanin pa ba?
Kakayanin pa ba ng puso kong mahina,
Mahina sa mga mapanghusga't mapanlait na tingin at salita,
Na akala mo naman alam lahat na katotohanan,

Katotohanan? Masasabi mo bang katotohanan,
Ang mga salitang sa dibdib ko'y nagdulot
ng pasakit at ginawa kong mahina?
Mga salitang yao'y nagbigay bigat sa dibdib na tila ba ako'y nalalagutan ng hininga,

Sabi ng nakararami, kung nasa tama ka
Wag kang matakot na lumaban,
Ngunit ano ang gagawin?
Ang daya naman ata?
Ako laban sa kanila?

Kung iisipin alam kong panalo na sila,
Laban sakin na nag iisa,
Sinubukan mang iklaro ang lahat,
Ngunit tila ba ang mga taenga nila'y nabingi na,
Sa mga salitang nagmumula sakin,
Para akong sira ulong walang kausap,

Ngunit napagtantong ang mga paratang, mapanlait na salita at iba pa,
Ay di na dapat pagtuunan ng pansin,
Ni di dapat pagsayangan ng oras,
Oo aamin ko lumuha't naging mahina ako,
Sa kadahilang nasaktan lamang ako,

At ngayon tapos na kong maging mahina,
Dahil ang sagot sa tanong na "Kakayanin Pa Ba?"
Ang kasaguta'y "Oo,Kakayanin Ko!"

A/N: Ang piyesang ito na aking nailimbag ay patungkol sa manghusgang mundong ating ginagalawan.Na alam kong ang karamiha'y nakaranas na nitong sitwasyong ito.Umaasa akong sa inyo ito'y maging insperasiyon at makapagbigay lakas sa mga taong nahihina't nawawalan ng pag asang lumaban at bumangon sa kadahilang nagiging mahina ang nakararami at tila ba na-uubusan na nang pag asa dahil sa mapanghusga nating mundo. Nawa'y inyo itong maibigan, muli maraming salamat sa pagbabasa. Mahal ko kayong lahat.

-VenomieRyie

Sulat MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon