Chapter Eleven
Last subject na to at heto ako nakatingin sa kawalan.Yung mga kaklase ko ayon at tulog .Yung iba naglalaro sa gadgets nila at yung iba may kanya kanyang pulong.
Si Alice lang ang nakikinig.Kaya nga napapatingin ako sa kanya eh.Nerd na nerd ang itsura.Hindi sya pangit .Maganda sya kaya lang ang kapal ng salamin nya.At nagtataka lang ako ,sa tatlong araw na nandito ako never ko pa syang nakitang nabully.Sa dati kong school ang nerd na katulad nya at kadalasang nagtatransfer sa ibang school dahil binubully sila.This nerd is lucky.
Tinawag sya ni sir at may sinagutan sya sa board.Sa sobrang haba ng solution nya mukhang kukulangin ang whiteboard.
“Well done Ms.Sparks,”sabi ni sir at umupo na sya.
“Alice the best ka talaga!,”sabi ni ……………..Carl???
“Wooooh.Maganda na nga matalino pa!,”
“Crush na talaga kita!,”
Narinig ko pa yung iba na nagkomento.Napakunot ang noo ko.Ibang klase talaga!
Kung sa school ko dati,kabaliktaran ang sinasabi nila.Kadalasan binabato ng notebook o kaya libro.Nagpapagawa sila ng assignment.Nginungudngod sa sahig,at kung ano ano pa.This nerd is really different.
Nasa gitna ako ng pag-iisip ng tawagin ako ni Sir.Sabi nya sagutan ko daw ang nasa board.
“HAHAHAHA!,”nagtawanan silang lahat.Bwiset.Anong akala nila hindi ko kayang sagutan yon?Well let’ see.
Tumayo ako at naglakad papunta sa black board.
“Kaya mo bang sagutan?,”napatigil ako nang magsalita yung nerd na si Alice.Ngayon ko lang narinig ang boses nya at sa totoo lang hindi maganda ang tono ng mananalita nya.Nung marinig ko ang boses nya parang hindi sya yung hiniraman ko ng libro kanina.Ibang klaseng nerd to.
Tinitigan ko sya ng matagal at gusto kong matawa pagkatapos.Hindi ako makapaniwala.REALLY?
Sinagutan ko ang nasa board at hindi sa nagyayabang ako pero saktong-sakto ang solution ko sa dalawang white board.Sa haba ng sinulat ko ,ngalay na ngalay ang kamay ko.
“Very good Ms.Villuente.You’re really are his grand daughter.Mukhang namana mo ata ang talino ng lolo mo sa math,”sabi ni Sir.Hindi na ako nagtaka kung kilala nya si tanda.Eh sikat kasi ang matandang yon.Palibhasa kasi matalino at magaling sa business.Pero pasensya sya hindi ako proud sa kanya.
Bago ako umupo humarapa muna ako kay Alice.
“It’s really nice to see you again Alice Sparks.Hindi kita namukhaan ka agad.It’s been years huh.Ang huli nating pagkikita ay nung elementary graduation pa.At nakakatampo ka dahil mo man lang ako binati.Hindi kita nakita noong nagvaledictorian speech ako.Well,ikinagagalak kong makita kang muli Ms.Salutatorian,”mapang-asar na sabi ko at umupo na .Nakita kong naikuyom nya ang kamao nya.She’s still the same Alice.Hindi nagbago.
Bago ako makaupo nakita kong nakatingin silang lahat sa akin.Hindi ata kayang maniwala sa sinabi ko.O baka naman napahiya sila ?
BINABASA MO ANG
She's The Man (On-Going)
Fiksi RemajaNgayon lang nya napatunayan na nakakainlab pala talagang ang bayolente at may pagkamaton na babae.Kahit sa panaginip nya hindi nya iyon inakala. "It was love at first sight but hate at first sight at the same time.Okay na sana eh.Ininsulto nya lang...
