Chapter Fourteen

82 2 1
                                    

Chapter Fourteen

Nagising ako ng may naramdaman akong tao sa loob ng hospital room ko.Sino naman kaya yun?

Nagmulat ako ng mata at nakita ko syang nakatingin sa akin.Nakatayo sya at may hawak na supot.Ano naman kayang ginagawa nya ditto?

“What the hell are you doing here again?,’’kinusot ko ang mata ko.Leche.Kailangan ko atang maghilamos.

“I’m here to feed you,”sagot nya at itinaas ang plastic.

Napatingin ako sa orasan.6:30 pa lang.Seriously?

“Hindi ka na sana nagabalang pumunta pa ulit dito.Hindi kita kailangan at masyado ka ding maaga,’’sabi ko.

“Sabi mo gusto mo ulit ng carbonara.At kung hindi ako dumating sino naman kayang magpapakain sayo dito?,”nakataas ang kilay nyang tanong sa akin.

“Wala ka ng pakialam don,”sagot ko.Nakakapagtaka talaga ang kinikilos nilang lahat.Biglang bumait eh.

Gusto kong maghilamos.Pinilit kong iangat ang katawan ko sa kama para makababa ako.Napakagat labi ako ng maramdaman kong humapdi ang aking tagiliran.Tang na.

Naramdaman ko  ang kamay nyang umalalay sa akin.Sinamaan ko sya ng tingin.

 “Get your hands of me.Kaya ko ang sarili ko,”sabi ko.Bakit ba akala nila hindi ko kaya.Mga tanga.

“Saan mo ba balak pumunta?,”tanong nya.

“Umalis ka na,”sagot ko.

Nabigla ako nang maingat nyang inangat ang katawan ko.The next thing I knew,buhat nya na ko.

“Ano ba Carl ibaba mo nga ko!,”sigaw ko.Pero ang gago hindi nakinig.Naglakad sya papunta sa cr.Paano nya nalaman na doon ako pupunta.

Binaba nya ako pero nakaalalay sya sa akin.I glare at him.

“Bakit mo ko binuhat?I told you I can do it.I don’t need your help,”may lahing makulit din ang tarantadong to.-___-

‘‘Are you going to pee?,”tanong nya na ikinagulat ko.

“Pakyu ka umalis  ka na.Hindi ako naiihi maghihilamos lang ako,”umiling-iling ako.Napakatanga.

Maingat akong naglakad palapit sa lababo.Ang tanga nakaalalay pa rin sa akin.Tssss.Hindi nya ba nakiikita na kaya ko na?

She's The Man (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon