🏐 Game 15: Bad for the heart
"Nasaan na kayo?" tanong ni Joyce kay Ria na kausap niya sa phone. Kakagising lang kasi niya at hinahanap niya ang mga kaibigan sa rooms nila. But turns out na gumala ang mga ito nang hindi man lang siya ginising para isama.
"Sa kabilang island." Sagot ni Ria pero mukhang hindi sa kaniya ang focus nito kundi sa kausap pa nito. She doesn't need to guess dahil kilala niya ang boses ni Clarkson. Naghaharutan ang mga ito at talagang pinaparinig pa sa kaniya.
"Ni hindi niyo man lang ako niyakag?" lumabas na mula sa kuwarto nila Ria at Hime si Joyce dahil wala namang tao doon. Nilock na rin niya dahil alam naman niyang dala ng mga ito ang susi nila. If ever hindi, puwede naman silang mag-ask sa staffs. Bahala sila. Iiwan-iwan sila ng susi ng kuwarto nila eh.
"Sarap ng tulog mo kasi sleeping beauty. Nakakahiya namang gisingin ka tulo pa laway mo." She heard them laugh.
"Sana pinunasan mo diba?" napa-eww naman si Ria sa sinabi niya.
"Saang island ba kayo? Sunod na lang ako." Bumalik si Joyce sa kuwarto nila ni Cyra para kuhanin ang wallet niya at magpalit ng sandals. Kumuha na rin siya ng scarf para pangpatong niya sa balikat niya dahil naka-off shoulder lang siya. Hapon na kaya paniguradong malamig na sa labas.
"Huwag na hanapin mo na lang si Ryle nagpaiwan 'yon eh." Saktong pagkasabi ni Ria siyang litaw naman ni Ryle. Na nakalasalubong niya sa hallway. Nakangiti agad ito sa kaniya na para bang siya talaga ang pakay nito.
"Bakit ka nandito?" ang tanong agad ni Joyce kay Ryle.
"Ha? Sino? Si Ryle na ba 'yan? Pinuntahan ka na?" napakurap si Joyce nang marinig ang boses ni Ria sa tenga niya. Tumalikod siya saglit kay Ryle para sagutin si Ria.
"Oo,nandito na. Sige na bye!" hindi na niya hinintay sumagot si Ria at pinatayan niya na ito ng tawag. Bago huminga siya ng malalim at hinarap muli si Ryle. Nakangiti pa rin ito sa kaniya.
"Ano...bakit ka nga ulit nandito?" Ryle scratched his nape. Mukha itong nahihiya sa kaniya. Joyce found it cute. Ryle was known na masungit at suplado. Kaya nga wala ring tumatagal na girlfriend ito (or fling or sabi nga ni Ria rumored girlfriends lang naman daw at walang confirmed sa mga 'yon) dahil either nagsasawa agad si Ryle o yung mga babae ang kusang umaayaw sa kaniya dahil sa ugali nito. Kaya medyo refreshing na makita si Ryle na ganito. Shy and a bit flustered.
"Clark texted me na gising kana raw. Kaya pinuntahan na kita rito baka kasi maghanap ka sa mga friends mo. Nag-i-island hopping sila." Paliwanag ni Ryle. Titig na titig sa kaniya pero kitang-kita niya ang pamumula ng mga tenga nito
Dahil kaya sa kaba? Hiya? Kilig? Sa kaniya? Wait, parang ang imposible naman ata na maramdaman ni Ryle ang mga emotion na 'yon na siya ang dahilan.
Pero kapag may feelings ka sa isang tao makakaramdam ka ng kaba, hiya at kilig diba? Gaya ng nararamdaman niya ang mga iyon kay Ryle dahil gusto niya ito. At sabi ni Ryle gusto siya nito diba? Gaya ng pagkakagusto niya kay Ryle.
"Nagpaiwan ka ba para samahan akong sumunod sa kanila? Ikaw ba ang inutusan nila?" hindi niya alam kung bakit tinanong niya iyon. At may gusto siyang sagot na marinig mula kay Ryle.
"Yes, I mean, hindi nila ako inutusan. Nagpaiwan talaga ako so you wouldn't be alone here. Yeah..." Ramdam ni Joyce na sobrang nahihiya na talaga si Ryle. Hindi lang ito makaiwas ng tingin sa kaniya.
Siya na lang tuloy ang umiwas dahil hindi na niya kaya ang makipagtitigan rito. Nag-iinit na rin ang pisngi niya sa kilig.
"So, uhm. . .where do you want to go? Or are you hungry? Do you want to eat?" Joyce fidgeted on the hem of her top and nodded.
BINABASA MO ANG
❦︎ 𝑻𝒉𝒆 𝑮𝒂𝒎𝒆 𝑶𝒇 𝑳𝒐𝒗𝒆 ❦︎
Teen FictionIt all started in one game, but will they keep on playing until the very end. . . even though it's not a game for them anymore? Who will lose and who will in this game called love?