4: Crush

10 2 0
                                    

🏐Game 4: Crush

♠️Keisha's POV

Maaga kaming nagising. Plano kasi naming maglibot-libot sa resort. We don't want to think about the game that we're going to play later against the Acers. Sureball naman na kami ang mananalo. Never pa ata kaming natalo at hindi ko hahayaan na ang mga bugok na yun ang makakatalo sa amin.

"Guys, ang daming shells dito oh!" tawag ni Hime na nasa tabing dagat at mukhang namumulot ng mga shells.

Nagsilapitan naman sila Ria at nakipulot ng mga shells kagaya ng ginagawa ni Hime. Samantalang nanatili lamang ako na nakatayo rito. I chose to just watch them enjoy themselves. Nakakatuwa kasi silang panoorin. They look like little kids na first time madala sa beach.

Natigilan ako when out of nowhere ay magsulputan ang Acers. Teka saan sila nanggaling?! Mga mushrooms ba sila at bigla-bigla na lamang sumusulpot kung nasaan kami?

Maglalakad na sana ako para puntahan sila nang may umakbay sa akin at pahintuin ako sa binabalak ko.

"Let them be Captain." this fucking half-blooded chinese again. Bakit pa ba ako magtataka na nandito siya imbes na sumama siya sa mga bugok niyang teammate?

I'm not that dumb not to notice na may kanya-kanya silang paboritong asarin sa aming magkakaibigan. Ang hindi ko lang talaga alam kung bakit ako ang napiling maging point of subject ng kahangalan ng isang 'to.

Ullyses smiled at me that gave me a fucking goosebump. Naramdaman kong nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa buong katawan sa klase ng ngiti niya. Shit.

Those kind of smile only brings bad things to me. But i'm ready to return it by giving him hell.

"How could I do that knowing what those guys were up to? Sisirain lang nila ang magandang mood ng mga kaibigan ko." I remained, as usual calm, kahit na kating-kati na akong burahin ang nakakabanas na ngiti na nakapaskil sa mukha niya.

"You're the one who's ruining the good weather to be honest." he suddenly looked at me with a lazy smile across his lips. "Sexy ka rin pala 'no. Would you believe that?"

Sinilip ko ang dibdib ko at mabilis na tinakpan iyon ng blue na hawaiian shirt na ipinatong ko sa white tube na suot ko sa loob.

Hindi ko ipinakitang nabigla ako sa sinabi at ginawa niya. Ginaya ko pa siya at tinignan rin ang katawan niya.

"Ikaw rin naman—" wait shit. Nakatopless pala siya. He's only wearing his broad shorts and sunglasses. Nothing else.

Umiwas ako ng tingin sa katawan niya at alam kong napansin niya yun. My face suddenly felt warm. Napaka-init naman ng summer ngayon! Gusto ko tuloy lumusong sa dagat at maglublob. Ang init-init!

"What?" naririnig ko ang amused na tawa niya. "Wala naman akong boobs ah?"

"I know, akala mo naman sa akin tanga? Puwede bang magsuot ka ng t-shirt ibalot mo sa sarili mo. Maawa ka naman sa mga makakakita niyan. Mawawalan sila ng gana sa'yo." ang kapal ng mukhang ibalandra yung katawan niya. Nakakadagdag lang siya ng pollution sa earth e.

Humigpit ang akbay niya sa akin, na ngayon ko lang napansin na hindi ko pa pala natatanggal, at inilapit niya pa ang mukha niya sa akin. I didn't move because that would mean I am affected by him. If I move away that would mean defeat, and I will never be defeated by this fucking half blooded chinese! Sa amin lang ang Spratlys!

"Okay lang yan Captain. Kahit hindi mo man sabihin I know for sure that your palms are itching to touch my abs." he winked and slightly bit his lip.

Tingin niya ba sexy na siya sa ginawa niyang yan? The fuck. Mas lalong nag-iinit yung mukha ko sa inis e. Ang kapal ng mukha.

❦︎ 𝑻𝒉𝒆 𝑮𝒂𝒎𝒆 𝑶𝒇  𝑳𝒐𝒗𝒆 ❦︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon