🏐 Game 13: Making a deal with the devil
Since that day, never na kaming tumigil mag-away. Para kaming aso at pusa. Laging nagka-clash. Pinagsisihan ko talagang naging crush ko siya. I wasted one year, na kiligin sa looks at skills niya sa volleyball. Tapos shit, ang gago naman pala niya.
Everytime na sumasagi sa isip ko yung araw na 'yon nagkakaroon ng angry veins sa ulo ko. Swear!
Kaya yung wish ni Khai na magkabati kami o tumigil sa pagbabangayan? That's just so fucking impossible!
"Kawawa naman 'yang buhangin. Pigang piga na." I inhaled sharply and rolled my eyes. Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo ko sa buhanginan.
"Kabute ka ba? Sulpot ka nang sulpot."
Tumitig si Oliver sa mukha ko. He even blinked a few times. "Problema mo?" tinaasan ko siya ng kilay. "You're not your usual self. You're not yelling at me."
I snorted. "May dalaw ako e ba't ba?" tumawa siya. "Marami akong problema at kasama kana dun. Huwag mo nga akong pakialaman. Epal ka."
"I just want to help you with your 'problem'. Masama ba yun?" Hindi ako nagsalita pero tumango ako. Bigla siyang sumeryoso. "Alam ko na you need my help."
Doon ako nabuwisit sa sinabi niya. Ang kapal naman mukha niya para sabihin yun?
"Oo masama kasi ikaw ang tutulong! And sorry ha but I don't need your fucking help! Asa ka pa—!" Pinitik niya ako sa noo na ikinagulat ko.
Pucha naman!
Ang hilig niyang mamitik ng noo, lalo na ng noo ko! Hindi ba siya aware na masakit? Mas malapad naman noo niya kesa sa akin! Bakit hindi niya gawin sa kaniya? Pasalamat siya may pang shield akong bangs. Medyo nalelessen yung impact ng pitik niya.
"Ano bang kasalanan ng noo ko sa'yo ha?! Kung naiinggit ka sabihin mo lang! Kasalanan ko bang malapad 'yang noo mo? It's not my fault, pabo!" he flicked my forehead again. "Anak ng tsekwa naman oh!"
"Kailan ka pa naging Koreana? Paala ko lang half Japanese ka!" I hissed at him.
"Edi baka! Epal ka na nga basag trip ka pa. Dami mong role ha!"
"Hindi ako baka o pabo. Tao ako!" ay funny niya. Puwede na comedian.
"Funny kana niyan? Patawa ka? O edi ha-ha. Dagdagan ko pa tatlo. Ha-ha-ha. Yan lima na. Happy na? Happy?" Sarcastic kong sabi at itinaas ko pa yung mga daliri ko para ipakita sa kaniya kung gaano karami yung binigay kong tawa sa kaniya. Sayang effort kasi niya, kawawa naman baka umiyak eh.
Pero ang talipandas pinalo lang yung mga magaganda at bagong manicure kong mga kamay. How dare he!?
"Hoy buwisit ka! Hindi mo ba alam na kakapalinis ko lang niyan? Bagong cutics pa yan oh! Oh!" pinagdikdikan ko sa mukha niya yung kuko ko. "Bulag ka ba ha. Di mo yan kita? Itim na itim na nga! Sing kulay ng budhi mo maitim!"
Dinuro-duro ko siya. "Sinong nagbigay sa'yo ng karapatang palo-paluin lang ang kamay ko ha!? Sabihin mo at nang mapaslang ko gamit ang kuko ko——"
SHIT. SHIT. SHIT!!!!
Agad kong inilayo ang mukha niya sa mukha ko. Namilog sa gulat ang mga mata ko siyang tinitigan. SHIT TALAGA!!!
I was still in shock kaya kahit nung pitikin niya ulit ako sa noo hindi ako nakapag react. Isa pa ulit na shit. Konti na lang matatae na talaga ako literally.
Ngiting-tagumpay ang damuhong kaharap ko. "Sa wakas. Natahimik ka rin ano?"
I didn't react kaya satisfied naman siyang ngumiti. "Anyways, nandito ako para pag-usapan natin—"
BINABASA MO ANG
❦︎ 𝑻𝒉𝒆 𝑮𝒂𝒎𝒆 𝑶𝒇 𝑳𝒐𝒗𝒆 ❦︎
Teen FictionIt all started in one game, but will they keep on playing until the very end. . . even though it's not a game for them anymore? Who will lose and who will in this game called love?