🏐Game 10: The love expert
♠️Ria's POV
"Buwisit na Hime yun! Ang ingay-ingay ng bunganga hindi ako makatulog." reklamo ko habang pumapasok sa kuwarto nila Joyce at Hime. Hindi naman nakalock yung pinto nila kaya madali lang akong nakapasok.
"Parang megaphone yung vocal chords. Tapalan ko yun ng medyas ko e—" natigil ako sa pagsasalita nang mapansin ko ang itsura nila Cyra at Joyce.
Nakaupo sila sa mga kama nila habang hindi nag-uusap at nakatulala lang sa kawalan. Lumapit ako sa kama ni Joyce at umupo sa tabi niya.
"Hoy, anong sapak meron kayo ngayon?" nang hindi siya sumagot kinuha ko yung unan sa tabi ko at inihampas sa mukha niya.
"Aray ko naman! 'Di ka ba mahal ng mama mo?!" Hiyaw niya habang hinihimas ang mukha niya. Eh di natauhan siya.
"Ano bang sapi niyo at parehas kayong nakatulala sa tv hindi naman bukas." lakas ng trip ng mga 'to. Depress ata 'tong dalawa kasi hindi sila crush ng crush nila. Kawawa naman.
Huminga nang malalim si Joyce habang naningkit naman ang mata ko. Tinampal ko siya sa binti nang sa pangalawang beses ay nagbuntong hininga na naman siya.
She cursed at me on repeat. Minura ko rin naman siya pabalik bago nagbantang mananampal ulit kung hindi siya aayos at sasabihin ang inaarte niya.
"Si Ryle kasi e..." simula niya.
"O anong meron sa crush mo? Hindi ka pa rin crush?" ang tagal ng may crush sa kaniya ni Ryle. Panay nga ang pamamakod sa kaniya e. Grabe lang siya sa kamanhidan. Ewan ko ba kung ilang anesthesia ata ang nilalaklak niya. 3x a day siguro.
"Hindi, actually, umamin siya sa akin kanina." rinig ko ang doubt sa tono niya.
Kita mo yan umamin na pala sa kaniya tapos hindi siya naniniwala. Kaya hindi ko masisi si Ryle kung bakit umabot ng ilang taon bago siya nagkalakas ng loob umamin sa manhid na'to e. Himala na nga lang na nagawa na niyang umamin.
"and you're doubting?"
"Oo, eh kasi naman!" napasandal siya sa headboard at gumaya rin ako sa kaniya. Mukhang mahaba-habang usapan 'to e.
"Sa loob ng apat na taon na crush ko siya. I didn't see any sign na may gusto rin siya sa akin. Like, ang dami niyang mga naging girlfriend." rumored girlfriends lang. Wala namang confirmed sa mga yun but i won't correct her though. Sayang sa laway hundi rin naman siya maniniwala.
"From cheerleading, dance troop, mga muse. Then, biglang sasabihin niya na matagal na niya akong gusto? AKO?! SI JOYCE LEE? Kilala bilang manang at nerd na volleyball player? How is that even possible?" grabe sa self pity naman 'to. Hindi naman siya manang. Hindi lang siya palaayos. Laging jeans at t-shirts kasi ang porma niya. Eh sa doon siya kompurtable. Hindi rin naman siya nerd. Sadyang malabo lang ang mata niya kaya siya nakasalamin. Ni hindi nga siya mahilig mag-aral para matawag na nerd.
"Posible naman siyang magkagusto sa'yo." ang bilis niyang lumingon sa akin feeling ko nabali na yung leeg niya.
Confusion was evident in her face. So tinuloy ko yung sinasabi ko pero bago yun nagkalkal muna ako sa bag niya na nasa lapag ng junkfood. May nakita akong Lays at binuksan yun.
"Everything is possible Joyce. Stop doubting yourself na may magkakagusto sa'yo. Forget what Frank told you na no one's going to like you. That's not true okay?" nakita ko kung paano nagbalik yung sakit sa kaniya nang maalala yung ex-crush niya.
Si Frank na binusted siya nung umamin siya dito. Ang kapal ng mukha ng lalaki na yun sing kapal ng kilay niya. Akala mo naman pogi pogi niya. Mukha namang unggoy sa dami ng buhok sa katawan.
BINABASA MO ANG
❦︎ 𝑻𝒉𝒆 𝑮𝒂𝒎𝒆 𝑶𝒇 𝑳𝒐𝒗𝒆 ❦︎
Teen FictionIt all started in one game, but will they keep on playing until the very end. . . even though it's not a game for them anymore? Who will lose and who will in this game called love?