6: The Stealer

14 3 2
                                    

🏐Game 6: The Stealer

♠️Khairine

Ang boring nama~n!

I don't know what I should do. Or sadyang ang lazy ko lang talaga today? Hmp. Sila Joyce nagje-jetski sila. I don't want to go with them. Wala kasi ako sa mood kanina, tinatamad ako. Grabe namang katamaran 'to! What did I ate ba to make me this lazy? Nakakainis naman.

Inilublob ko na lang ang mga paa ko sa tubig sa pool. Now, I came to realize na nakakatamad palang maging tamad.

I'm so brilliant to even think of that.

I was just humming and playing with the water on my feet when I felt someone sat beside me. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino siya. Sayang sa effort! Nag-iisa lang naman ang may vibes ng pagiging stealer kundi siya.

Argh! Kapag naalala ko yung araw na yun naiirita ako!

"You're quiet. Is this a miracle?" I heard him chuckle. Hindi ko siya kinibo nakakatamad kasi siyang pansinin.

"Ikaw ba talaga yan Yakato? Hindi mo ako tatarayan? Anong bad spirit ang sumapi sayo?" malakas siyang tumawa.

This time, tinignan ko na siya. Nagsisimula na akong mabuwisit e pero dahil tinatamad pa rin ako hindi ako nagsalita. Samantalang siya mukhang tangang malapad na nakangiti na sa akin.

"Hindi ka talaga magtataray?" I only stared at him slightly frowning. What's his problem really? Hindi ba dapat matuwa pa siya kasi safe siya ngayon sa pagtataray ko? Bakit parang gusto pa niya atang tarayan ko siya?

Ayos pa ba siya? Medyo abnormal din talaga siya ano?

"That's fine. I already got your attention naman." then he smiled. He freaking smiled! Not the one na nakakaasar. It's different this time. It's not his usual pang-asar smile. It looked... genuine.

I could even see his dimples. It's...cute. What the freaking hell! Why does he look so cute right now?! Ito ba ang effect ng katamaran nababago ang pagtingin mo sa mga bagay-bagay?

Scary~~ Ayoko na maging tamad!

"Hoy Benchy! Why are you smiling like that! Are you planning on something huh?!" I pointed at him accusingly.

To my surprise, he just continued smiling. And he looks so freaking cute with that smile! What the hell is happening to me? Oh dear lord, baka totoong sinasapian nga ako ng bad spirits?!

Shocks. Am I hallucinating? Bakit naiisip kong cute si Bench? Si Bench freaking Reyes? Cute? Okay ka pa ba Khairine? Magpahospital na kaya ako? Omygosh.

Or maybe siya yung sinapian ng spirit. Yung cute na spirit, like casper! Right! Cute yung spirit na sumapi sa kanya kaya siya nagmukhang cute! Tama, tama! You're so smart Khairine! Hindi ka lang basta pretty eh you're brainy din. I love it.

"Yeah, I'm planning on making you smile today." If I was drinking something i'm so sure that I will choke.

"W-what!?" I shrieked. "High ka ba Benchy? Please be honest cause you're freaking me out!" Ngumiti lang siya at umiling.

"I'm not high. Mukha ba akong drug user?" No, you're not. You're too cute to be one. Ako pa nga ata yung high sa mga pinagsasabi ko ngayon. Gosh.

But he's a really cute guy. Chinito, that made him look so approachable and always smiling. Mapang-asar lang talaga siya at ang barkada niya kaya banas na banas kami sa kanila. Tapos mga pikunin pa kami. Actually, sila lang. Kaya ko naman makipag sabayan sa pakikipag-asaran sa kanila.

Hindi rin naman ganun kalalim yung inis ko sa kanila. Sadyang nasanay na lang ako na laging inis sa kanila kahit walang reason. Minsan nga ako na lang yung napapagod mainis. It's exhausting to be annoyed by them almost everyday. Walang rest day. tsk.

❦︎ 𝑻𝒉𝒆 𝑮𝒂𝒎𝒆 𝑶𝒇  𝑳𝒐𝒗𝒆 ❦︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon