9: Playing Cupid

9 2 0
                                    

🏐Game 9: Playing Cupid

♠️ 3rd POV

"Hoy, Santos!" Owy called Cyra who's busy scanning the menu. Tinaasan lang siya nito ng kilay not even sparing him a glance. "Ikaw nag-aya kaya libre mo 'ko."

Owy grinned when Cyra finally looked up to him. She's smiling smugly. "Hoy ka rin Posadas! Kusa kang sumama at hindi kita pinilit. Kaya libre mo sarili mo, tanga."

Sumimangot naman si Owy sa sagot niya. Binato niya ng tissue ang kaharap. "Hindi naman ako sasama sa'yo kung hindi mo ako niyaya!"

"Kaladkarin ka lang kamo." she whispered to herself. "May choice kang  sumama o hindi pero pinili mong sumama so your fault. Isa pa huwag mo ngang pinangangalandakang namumulubi kana. Mukha ka na ngang pulubi pinamumukha mo pa sa iba."

Owy mocked her by making faces. She hit his head with the menu she's holding. Owy yelped in pain kahit hindi naman kalakasan ang pagpalo ni Cyra sa ulo niya. Maarte lang talaga siya.

"Napakadamot mo! If I wasn't helping my friend hindi naman ako sasama sa'yo rito. Kuripot!" As he mentioned about it he was smacked in the arms by a hand this time.

"Siguraduhin mo lang na magtatapat na yung torpe mong kaibigan. Pag-uuntugin ko kayo, makita mo!" tinutukoy nila ang dalawa nilang kaibigan na iniwan nila sa cottage kanina.

Matagal ng nagbabalak na magtapat at manligaw si Rlye kay Joyce pero lagi itong umuurong dahil sa katorpehang taglay. Kaya naman nagplano na si Owy na tulungan ang kaibigan. Goodnews nga sa kanya ang nangyari kahapon na hindi na sila mapapaalis dito sa resort dahil magagawa na nila ang plano nila ni Ryle na pag-amin kay Joyce ng matagal na nitong itinatagong feelings.

Siya na kasi ang naaawa at napapagod para sa kaibigan. Lagi na lang itong nagpapanggap na hindi gusto si Joyce at puro landi sa ibang babae para maipakita na wala itong gusto rito. But his eyes and mouth was always betraying him. Si Joyce lagi ang hanap ng mata nito. Si Joyce ang laging bukambibig. Nangbabakod kay Joyce mula sa mga lalaking nagtatangkang purmorma sa babae pero ni hindi naman magawang umamin sa nararamdaman nito.

That's why he's here with Cyra. He told her everything about his plan. Ang plano sana niya ay paglapitin ang dalawa. And an opportunity came earlier, tinawagan sila kanina ni Bench para sabihing umamin na ito kay Khairine at ngayon nga ay nagdedate na ang dalawa. Siya ang nagsabi sa mga kaibigan na makipagbati sa mga babae para magawa niya na ang plano niya para kina Ryle at Joyce.

At kanina nga ay iniwan nila ang dalawa para makapag-usap ang dalawa. He just wished na hindi tamaan ng katorpehan si Ryle at nang makaamin na kay Joyce.

"Wala ka bang bilib sa tropa ko?" Cyra acted as if she's thinking. "Wala."

Muntik masubsob sa mesa si Owy sa sagot nito. May pagkabastos talaga ang babaeng 'to e.

"Puwes ako meron! At isa pa hindi na sasayangin ni Ryle ang chance na'to. Si Ryle pa ba?"

Nagtawag na ng waiter si Cyra. Lumapit naman ito at kinuha ang order nila. Pagkaalis nito saka niya hinarap si Owy.

"Dapat lang ano! Last chance niya na 'to."

"Paladesisyon ka?" gigil na dinuro ni Cyra ng chopsticks si Owy.

"Ang dami niya na kayang sinayang na chance! Since Grade 6 ang torpe na niyang kaibigan niyo. If wala pa ring progress ang katorpehan niya ngayon ako na ang mag-uuntog ng ulo niya sa semento nang matauhan siya kung anong sinasayang niya! Mark my words, Posadas!" after her monologue, the waiter arrived with their orders.

"Ang dami mong dada. Kakain na lang ako kesa makinig sayo, bleh!" parang batang sabi ni Owy. Pinandilatan naman siya ni Cyra.

"Be thankful na gutom ako baka natusok ko na sa mata mo 'tong chopsticks." Kumuha ng chopsticks si Cyra at kumuha ng sushi gamit ito.

Nang-aasar naman na nag-thank you si Owy. He even smiled at her mockingly.

"Glutton!"

"I'm not! Ikaw diyan ang matakaw e! Kita mo yung difference ng order ko sa order mo? Sakop mo na yung buong table oh! Kababae mong tao, saan mo naman balak iimbak yan ha? Taggutom ka ba?" sa gulat ni Owy sinalpakan siya ng tempura sa bibig niya habang siya'y nagsasalita.

He almost choked on it. Cyra only grinned and patted his head. "Ang dami mong dada, Owy. Ang ingay hindi ka ba tinuruan ng nanay mong tumahimik? Kakain na lang ako kesa makinig sayo. Bleh!" She even have the guts to mimick what he had said earlier.

Hindi agad nakapagsalita si Owy dahil sa laman ng bibig niya na mas lalong nagpainis sa kanya. Mabilis ang pagnguya ang ginawa niya. Mabilis din niyang tinungga ang juice bago tinusok ng chopstick ang sushi na order ni Cyra.

"Hoy, bastos ka akin yan!" aagawin sana ni Cyra ang sushi nang iiwas ito ni Owy bago islapak sa bibig niya.

Then, she didn't expect him to lean forward.

Sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya. Uurong sana siya pero napansin yun ni Owy kaya kumilos ang mga kamay nito at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

Now, she couldn't move.

"Mukhang masarap 'yang sushi na yan ah. Can I taste it?" Umiling-iling si Cyra. She already have a hint on what he's planning to do. Owy smirked and looked down at her lips then he licked his own. And like what Cyra thought, Owy leaned forward and kissed her.

What the hell!?

She screamed in her mind but in reality she was so shocked, even though she already knew that he's going to kiss her.

Her body stiffened. Nahigit niya rin ang kaniyang hininga when she felt his lips moved hesitantly.

Doon na siya natauhan at gumalaw para itulak palayo ang lalaki. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa lalaki.

"Mas masarap pala yung sushi kapag galing sa bibig mo 'no? Matry nga ulit next time." sabi nito at kumindat kay Cyra.

"D-dugyot! Bastos!" kumuha ng tissue si Cyra at madiing pinunas sa labi niya. Diring-diri siyang tumingin kay Owy.

She almost shivered nang mahagip ng mata niya ang pagdila nito sa labi.

"Gago ka Posadas! Bakit mo ako hinalikan! Nahihibang kana ba?!"

"Nope. Just hungry, and the sushi looks so appetizing so I tasted it. Yummy naman diba?" Pinagbabato ng chopstick ni Cyra si Owy. Panay naman ang ilag ng lalaki habang tumatawa.

"Gago ka! Gago! Gago!" she chanted almost like a prayer. Puro tawa naman si Owy sa reaction niya.

From today on, sushi's my go to food when I'm feeling hungry tapos ang toppings labi niya. What a good combination. Yum!

Owy thought as he tries to eat habang walang tigil sa pagwawala si Cyra.

❦︎ 𝑻𝒉𝒆 𝑮𝒂𝒎𝒆 𝑶𝒇  𝑳𝒐𝒗𝒆 ❦︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon