🏐Game 8: The fuck?
♠️ Joyce's POV
"May pagkakasunduan din pala 'yang dalawa na 'yan?" tumatawang sabi ni Clarkson.
"Buti pa nga sila may pinagkakasunduan sina Hime at Oliver wala." sabi naman ni Ria na ikinatawa naming lahat dahil sabay pa silang kumontra.
"So kami na naman topic?!" nagkatinginan silang dalawa.
"Ayiee meant to be, destiny pero hindi pa rin baby!" asar ko sa kanila. Binalingan tuloy ako ni Hime nang nanlilisik niyang mata. As if I'm scared?
"Meant to be your face nerdy!" sus tinatawag lang niya akong nerdy kapag kinikilig siya e. Kunwari pa.
"Kilig ka naman." true ka diyan Oliver.
Napainom ng tubig si Hime sabay lunok ng kinakain niya. Muntik na siyang mabilaukan e.
"Oh please lang! Nasa harap tayo ng pagkain huwag kang magsabi ng masasamang salita. In english don't say bed werds. Geddit?" sarap tampalin ni Hime para naman hindi na siya nagdedeny ng feelings niya. Try ko kaya? Try ko lang naman. Wala naman sigurong masama.
"Sige, guys! Mamamasyal lang kami ng Sunshine ko! See you later, bye!" hinawakan ni Bench sa kamay si Khairine. Inalalayan niya itong tumayo. Kumaway sila sa amin bago lumabas ng cottage at umalis.
Cyra and Owy suddenly coughed almost at the same time. "Shet ano raw SUNSHINE?!" nagkatinginan silang dalawa nang sabay rin silang sumigaw.
Ano 'to meant to be version tu poynt ow?
"Ayos ha you found your way back to Earth? I thought forever na kayo sa sarili niyong mundo." tinignan lang nila si Ullyses.
"Psh. Makakain na nga lang ulit." sabay balik nga ulit sa pagkain si Cyra. Hindi ba siya pinapakain ng mga magulang niya sa past life niya? Ang patay gutom e.
"Wait, bakit ganyan kayo makatingin?" clueless na tanong ni Owy.
"Wala naman. Sige punta kana ulit sa food heaven niyo ni Cyra. Sorry sa istorbo." nakangiting sabi ni Keisha.
Naguguluhan man pero tumango pa rin si Owy. "Ah...okay, no prob." at gaya ni Cyra bumalik rin siya ng tahimik sa pagkain. Parehas na ulit sila ni Cyra na halos nakasubsob na sa mga plato nila.
Nagtinginan kaming lahat at sabay-sabay na napakibit-balikat. Ano na ba talagang nangyayari sa world Lord? True na ba talaga ang climate change?
"Hindi ko na 'to kinakaya." Ria shivered. "Alis na'ko. Itutulog ko na lang 'to. Baka mamaya nananaginip lang pala ako."
Sumabay sa pagtayo niya si Hime. "I can't also take this! I just can't! This is not happening!" may pa sabunot pa siya sa buhok niya bago sundan si Ria sa pag-alis.
"Ako rin nanlalagkit na ako. Magsha-shower lang ako, excuse me." tumayo si Keisha at sumunod sa dalawa.
Sinundan ko lang sila ng tingin. "How about you Joyce? You won't follow them?" umiling lang ako kay Clarkson bilang sagot.
As much as I want to I'm still hungry. Hindi ako makakain nang maayos sa dami ng nangyari kanina. Imbes rin kumain kanina mas naenjoy kong panoorin ang mga kalokohan nila. Kaya ngayon lang ako makakakain nang matiwasay.
"Hindi pa ako nakakakain ng maayos huwag mo akong pinapaalis Clarkson." sabi ko sabay kagat sa barbeque ala Acers.
"Hindi naman kita pinaalis. Sorry, I was just asking!" nagtaas ng dalawang kamay si Clarkson. As if surrendering. Patawa-tawa pa siya. Akala mo funny niya e.
"Don't mind him Joyce just eat more." nagdagdag ng kanin at ulam sa plato ko si Ryle. Hindi ko na pinansin dahil gutom na talaga ako. "Umalis na kasi si Ria, ni hindi man lang siya nakaporma."
BINABASA MO ANG
❦︎ 𝑻𝒉𝒆 𝑮𝒂𝒎𝒆 𝑶𝒇 𝑳𝒐𝒗𝒆 ❦︎
Teen FictionIt all started in one game, but will they keep on playing until the very end. . . even though it's not a game for them anymore? Who will lose and who will in this game called love?