7: Is this the end of the world?

11 2 0
                                    

🏐Game 7: Is this the end of the world?

♠️ Joyce's POV

After namin mag jet ski we decided na mag-snorkeling naman. May mga baon kaming pang snorkeling kaya hindi na kami nagrent pa.

"Yaaay! Ang exciting naman nito!"  sigaw ni Hime na nagtatalon sa tuwa.

"Ang OA mo naman. First time mo ba?" pero nakitalon rin naman si Cyra. Buang!

"Nakikitalon ka rin naman. Idol mo lang ako e! It's okay Cy~ Just tell me honestly beybeh!"

Tama talaga sa utak nitong si Hime ang lakas e. Hindi ko kinakaya. Saan ba siya naumpog nang maumpog ko siya ulit run.

"Oh please! Stop imagining things Hime!" she rolled her eyes then flipped her hair infront of Hime.

Isa pa 'to. Hindi ko malaman kung sinong nakahawa at nahawa sa kanila. Same lang naman silang buang.

"Taray ni ateng, english!" hiyaw ni Ria na nagtatali ng buhok. To prevent it from blocking her face siguro once na magstart na kaming mag-snorkeling.

"Spell mo nga imagining Cy!" nakisakay naman sa si trip nila si Captain. Minsan lang yan e. Madalas kasi nanonood lang siya at nakikitawa sa mga kalokohan namin.

Pero simula kahapon napapansin ko na hindi na siya madalas na tahimik lang. Ewan ko imagination ko lang siguro pero mas palatawa at palangiti na siya ngayon. Nakikiasar na rin.

Natigilan naman si Cyra sa pag-aayos niya ng life vest niya. Then she raised her eyebrows at us. "Huwag niyo akong minamaliit! Alam ko yan smart kid ako! Most obedient nga ako nung Grade 1 ako e!"

Ang dami niyang sinabi. Wala namang connect sa pag-spell ng imagining.

"Yabang. O sige spell mo na imagining." Keisha gave her a mocking smile challenging her. Napangisi naman kaming lahat habang nakatingin kay Cyra.

Cyra puffed her chest at sa laki ng boobs niya halos lumuwa sa vest yung dibdib niya. Gaga talaga. Masyadong nagmamalaki ng dibdib por que pinagpala. Paumanhin naman sa small size kong dibdib no?

"Imagining! Such a simple word! Gash ha!" lahat kami nagtaasan ng kilay sa kanya para ipakita sa kanyang naghihintay kami. Siya halatang kabado na. "Bakit kasi hindi kayo ang magspell! Diyan na nga kayo. Inaantay na ako ni Nemo my friend! Goodbye!" saka siya lumangoy papalayo sa amin.

Nagkatinginan kaming apat then at the same time we bursted laughing.

"Hindi ko kinakaya tong si Cyra. Napaka joker!" nakahawak na sa tiyan si Ria sa sobrang tawa.

"Bentang benta talaga sa akin mga jokes niya e. Ang corny kasi!" hindi ko nagets yung logic ni Hime pero natawa pa rin kami.

"Hoy Cy!" tawag ni Keisha kay Cyra na halos hindi naman gumagalaw sa pinaglalanguyan niya. She's just literally floating habang kumakampay yung paa niya. Muntanga e. "Huwag mong hawaan ng jokes mo si Nemo kawawa naman yan!"

Tumatawa pa ring hinawakan ni Hime sa balikat si Keisha. " Deh oks lang yun Captain! Clown fish naman si Nemo. Same lang sila payaso bagay silang friends!"

Sira din itong si Hime e. Tawagin ba namang payaso kaibigan niya. But I actually agree.

"Haynako. Tara na nga, sundan na natin yun baka maghasik na yun ng lagim." aya ko sa kanila bago kami lumusong sa dagat at nagsnorkeling na papunta sa banda ni Cyra.

♠️♦️♣️♥️

Nang magsawa kaming magsnorkeling lumangoy-langoy na lang kami. Until mapagod kami kakalangoy at floating at maglunuran sa dagat ay umahon na kami. Nagugutom na rin kasi kami lalo si Cyra na muntik pang mangisda at kumain ng hilaw na isda. Good thing napigilan ni Ria sa tulong ng pagsapak niya rito.

❦︎ 𝑻𝒉𝒆 𝑮𝒂𝒎𝒆 𝑶𝒇  𝑳𝒐𝒗𝒆 ❦︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon